Chapter 41 - Target Locked
THIRD PERSON POV
"So since we're all settled, let's go to the deeper part of this forest." Pagkasabi nito ni Nox ay agad na siyang naglakad kasabay ang mga bodyguard nito.
The others followed suit kahit nananakit pa ang mga katawan dahil sa mga sugat, pasa, at galos na tinamo nila sa pakikipaglaban kay Nox. Tikom ang bibig ng mga ito kahit pa gustong-gusto na magreklamo, lalo na nina Pin at Zeron.
"This might be the last combat training for all of you... only if you do well in this one." Nakatulala lang sila sa likod ni Nox habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito. "Kapag hindi niyo ginalingan, then expect to die—ah, silly me..." Tumaas ang balahibo ng mga lalaki nang tumawa si Nox. Tumatawa siya ngunit wala man lang bahid ng tuwa ang tunog nito. "...I mean, expect to get harsher trainings."
Duda ang mga lalaki na harsher training lang ang mararanasan nila. They know that if they don't do well on this last combat training, they surely won't get to live long. Alam nilang tototohanin ni Nox ang slip of the tongue niya kanina.
"Tingin mo, okay lang kaya si Fres?" bulong ni Pin kay Hanj habang pilit na sinasabayan ito sa paglalakad.
Tinapunan siya ng tingin ni Hanj at bumuntong hininga. "I hope so. Nag-aalala rin ako para sa kanya."
Pumalatak naman si Zeron at pumagitna sa dalawa. "Hindi niya kailangan ng mag-aalala para sa kanya. She's that strong of a woman. Hindi niya kayo kailangan." sabat nito. "Out of my way!" Matapos ay tinulak ang dalawa at nauna sa paglalakad.
"Ang sakit ah! Natamaan 'yung pasa ko!" angal ni Pin at sinamaan ng tingin ang naunang Zeron. "Tarantado 'to. As if naman ikaw ang pipiliin ni Evatot. Ayaw niya sa mga gaya mo. Tss."
Napatingin siya kay Hanj na tumigil sa paglalakad para samahan siya habang hinihimas niya ang braso na tinulak ni Zeron.
"Kung sakali mang hindi ako, sigurado akong si Hanj ang pipiliin ni Fres." sabi ni Pin sa sarili. He mentally shook his head to remove the fears and doubts he's having. Insecurity niya lang itong nagsasalita. Fres knew him longer, she... would probably choose him over these goons.
"Ayos ka na?" tanong ni Hanj dito. Tumango lang si Pin at nagsimula nang maglakad uli.
Sa likuran naman ng mga ito ay ang tatlo pa nilang kasama na tahimik lang na naglalakad. Lomi watched the scene with amusement while Miiko was absent-mindedly chewing his lips, his right hand on his grumbling tummy.
Si Karma naman ay tila lingon nang lingon sa paligid na para bang may hinahanap. Pagkabahala ang makikita sa mukha nito.
Matapos ang nangyaring engkwentro kanina ay walang ingay ang naging paglalakad nila, maliban na lang tuwing bigla magsasalita o magkukwento si Nox.
***
Ilang milya pa ang nilakad nila nang huminto si Nox. At the gesture, agad na nagsisalampak sa lupa ang mga binata. Rumehistro ang pagod sa kanilang mga mukha. Nagmamadaling kinuha ng mga ito ang bote ng tubig na inaabot sa kanila ng mga bodyguard ni Nox.
Malamig at seryoso lang silang pinagmasdan ni Nox. A crease formed on his forehead nang mapansin na kulang sila.
"Where's Feroux?"
Gulat na napakurap ang mga lalaki. Luminga-linga sila sa paligid at napagtantong nawawala nga si Karma.
Nagtaas ng kamay si Miiko. "Baka po mabagal lang maglakad. Nasa likuran lang namin siya kanina." He looked at Lomi and the latter nodded in agreement.
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...