Chapter 29 - Mark My Words

80 8 0
                                    

Chapter 29 - Mark My Words

PIN VELASQUEZ

"Fres, tara, sabay na tayo kumain." Pang-ilang katok ko na sa pinto niya pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan.

Hindi ako manhid. Alam kong iniiwasan niya ako. Mula nang araw na sinabi kong mahal ko siya... at stupidly enough, inaya kong magpakasal. Noong una naman ay siya ang nagluluto, pero ngayon, she just contacts the main chef here para padalhan kami ng pagkain. And I know it's my fault bakit naging ganito.

I mentally facepalmed. Pambihira naman oh! Bakit ko ba kasi sinabi 'yun? Masyado akong na-carried away! Sigurado akong natakot ko siya... pero pucha naman kasi! She and Eva are one! Nahirapan akong i-contain ang feelings ko sa rebelasyong iyon. Ilang taon ding hindi siya nawala sa isip ko mula nang magkalayo kami. Akala ko hindi ko na siya makikita! Pero ngayon, nandito na siya sa harap ko! For the first time... I am more than eager na manalo sa larong ito.

Fres will be mine.

But for now... Napabuntong hininga ako at napatingin sa pintong nakaharang sa amin ng minamahal ko.

Supposedly, dapat sa isang linggong kasama ko siya, magkasama kami sa iisang kwarto. I can endure having an aching back kung sa lapag niya ako patutulugin, basta makasama lang siya sa kwarto. Kekeke~

Kaso... urgh! Sabi niya gusto muna niyang mapag-isa. And because I love her, pinagbigyan ko na. Not to be cocky, but knowing our past together, I know that I have the upper hand among my competitors. Ayoko namang masira iyon kung magiging sobrang clingy ako kay Fres. Ayokong mainis siya sa'kin at maging nakababatang kapatid lang ang tingin sa akin because of this silly personality of mine.

But then again... Hindi ko kaya ang pakikitungo niyang 'to!

"Fres, it's been days since nagkausap tayo nang harapan. You're the one I'm fucking marrying, not this door. Kaya mag-usap na tayo nang harapan, please."

I can't let this day end nang hindi namin napag-uusapan ito! It's my last day with her and I need... to know her feelings.

Shit, I miss her so bad.

"Go away, Pedro. I'm not feeling well. Mahahawa ka lang." Fres shouted from the other side of the door.

Parang goma na napigtal, ganoon ang nangyari sa pasensya ko. She left me with no choice, but to force open the door.

Hindi malaki ang katawan ko, I can't take this door down, lalo na at mas matibay ito kumpara sa una niyang pinto na madali lang naming nabuksan noon.

Nevertheless, I have a skill that I'm sure the others don't have.

Pick-locking.

Inilabas ko ang isang paper clip mula sa bulsa ko. Pumikit ako at in-imagine ang loob ng lock while sticking the clip inside the keyhole. In less than fifty-seconds ay nabuksan ko na ito.

Fres' room was huge. Her queen-sized bed occupied the center. Sa left side ay may malaking bintana, the one she used to escape with. May grills na rito, not because she might escape again, but for her safety. Ang sabi ni King ay nilagay ito just in case na may makalampas sa triple-tripleng seguridad ng mansyon. Imposible namang mangyari iyon pero na-touch pa rin si Fres sa ginawa niya.

Lumakad ako palapit sa kama niya nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Nakahiga lang si Fres at nakatalukbong ng kumot kaya hindi niya ako napansin.

Habang papalapit sa kanya ay nakaisip ako ng kalokohan... na alam kong babasag ng cold treatment niya sa'kin.

Gaya ng ginagawa ko dati noong mga bata pa kami, dinamba ko si Fres sa kama. "WWE!" sigaw ko.

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon