Chapter 15 - Day 2 Trouble

668 25 2
                                    

Chapter 15 - Day 2 Trouble

FRES EVANGELIQUE

"FRES! FRES, PLEASE WAKE UP!"

Aish! Ang ingay naman! Kitang natutulog pa ako eh.

"Shhh..." sabi ko at natulog ulit.

"FRES!" Inalog-alog nila ako.

Hinampas ko ang kamay na yun ng malakas at sumimangot nang hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko.

"ANO BA! Wag ka ngang maingay!" Tsk! Istorbo e.

"FREEEEES! KAILANGAN MONG GUMISING DYAN!" Ibang boses naman ang narinig ko. At dahil sa sobrang inis ko kasi hindi na ako makatulog, napamulat ako at kinwelyo ang dalawa.

"ANO BANG PROBLEMA NIYO HA?! ANG AGA-AGA BINUBULABOG NIYO AKO?!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan sila Pin at Hanj na kanina pa ako ginigising.

"Um, ano.. Kasi.." Hindi makatingin si Hanj sa'kin.

"Ano?" Taas-kilay kong tanong. Aba! Dapat lang na may valid reason sila kung bakit ginising nila ako kundi malilintikan talaga sila sa'kin!

"Y-yung kusi–" naputol ang sasabihin ni Pin nang marinig namin na sumisigaw si Geo.

"THE KITCHEN IS ON FIRE! AAAAH! EVACUATEEEE!" sigaw niya habang tumatakbo nang paikot-ikot.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig at nabitawan sina Pin at Hanj. Agad akong tumakbo sa daanang papunta sa kusina at nakitang nag-aapoy nga ito. I guess na nagmumula yung apoy dun sa stove na may nakasalang na kung anumang pagkain na binabalak lutuin ng mga ito.

Napa-facepalm ako mentally. Jusko. Mamamatay yata ako nang maaga rito! My badness, anong ginawa nila?!

"Fres! Wag ka na lumapit pa dyan! Tatawag nalang kami ng bumbero!" sabi ni Zeron habang pinipigilan ako na sumugod sa kusina at patayin ang apoy.

Sasang-ayon na rin sana ako kay Zeron nang biglang sumingit si Karma sa usapan,

"That's impossible. Remember what King Train told us?"

Napaisip naman ako at naalala ang sinabi ni Daddy bago kami umalis...

"Whatever happens, no one is allowed to leave the mansion. That first rule is the most important. Next, no one is to call for any help outside the mansion. Kahit manakawan pa kayo o atakihin ng kung sino, walang tatawag ng back-up, o tulong mula sa labas. Am I making myself clear?"

Ugh! Daddy, bakit?! Tuwang-tuwa ka sigurong pahirapan kami, 'no?!

"Damn. Then ibig sabihin, tayo ang papatay sa apoy?" reklamo ni Zeron.

"Eh sino pa ba? Tayo lang naman ang nakatira dito." sumipol si Pin.

"Wait, where's Miiko? And Lomi?" tanong ko nang mapansin kong silang dalawa lang ang wala dito. Kinakabahan tuloy ako.

Nagkatinginan naman silang lahat na nanlalaki ang mga mata.

"KITCHEN!" sigaw nila at tumakbo papunta doon. Kita mo 'tong mga 'to, ayaw ako papuntahin dun pero sila grabe kung makasugod.

Sumunod nalang din ako pero laking gulat ko nang makita kong doble ang inilaki ng apoy kesa kanina.

"Miiko! Lomi!"

"Nasaan na kayo?!"

"Miiko, Lomi, answer us!"

Sigaw nila. Feeling naman nila mahahanap at maililigtas namin sila Miiko kung sisigaw lang sila dyan?

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon