Chapter 39 - Wrapped Around Her Little Fingers (Part I)
PIN VELASQUEZ
"Fuck!"
Napamura ako nang tamaan ng kamao ni Nox ang mukha ko. Hinawakan ko ang ilong ko na kasalukuyang nagdurugo habang unti-unti akong napaatras. Pucha, masakit 'yon ah!
A sly smile creeped up on his face habang pinagmamasdan ang itsura ko.
Lumapit siya at agad akong umiwas sa isa pang paparating na suntok. Tinuhod ko siya na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig. Ginamit ko ang tsansang iyon para tumakbo papalayo sa kanya.
Hindi ko siya kaya labanan sa ganitong estado ko ngayon! Shit! Ang sakit talaga ng ilong ko.
Nang medyo makalayo-layo na ako ay hinihingal akong nagtago sa likuran ng isang malaking puno.
Mariin akong napapikit.
This is for you, Evatot. Always for you.
Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi sa'kin ni Fres bago kami umalis noong araw na iyon.
"Mamimiss kita, Evatot. Pakatatag ka ah. Baka mamaya puntahan mo kami sa sobrang pagkamiss mo sa'kin." biro ko sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng ulo niya.
Napakurap naman ako nang iangat niya ang tingin niya na may namumuong mga luha sa kanyang mata.
"Hala, oy, nagbibiro lang-" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang init sa mukha ko nang ibalik ko ang yakap niya, mas mahigpit at punong-puno ng pagmamahal ko para sa kanya.
"Come back alive, you hear me?" Bumitaw siya sa yakap at tinaasan ako ng kilay.
Kabado naman akong tumawa. "Bakit, may posibilidad ba na hindi na kami makabalik nang buhay?"
"Hmp!" Humalukipkip siya at inirapan ako. Hindi ko naman maiwasang matawa. Ang cute niya talaga.
"Just... be safe. Wala na ako do'n para gamutin kayo nang maigi." she murmured.
Binigyan ko siya ng isang masiglang ngiti. I patted her head. "'Wag ka mag-alala! Ako pa ba? 'Di pwedeng mamatay ako, papakasalan pa kita!"
Nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin sa'kin. "A-ano ba 'yang pinagsasabi mo? My badness!"
"Hahaha! I love you!"
"Tss. Come back safe and you'll know my answer to that."
Napaawang ang bibig ko nang sabihin niya iyon. Pero bago pa ako makapagtanong ay naglalakad na siya palayo.
Mahal mo na rin ba ako, Fres?
Ngumiti ako at iminulat ang aking mga mata. I clenched my fists in determination.
Kaya ko 'to!
***
HANJ QUIEÑO
I sighed in relief nang makita ko na nasa bulsa pa rin ng pantalon ko ang litrato ni Fres. A few weeks ago, I had her picture taken and printed, para hindi ako malungkot kapag hindi ko siya nakikita at nakakasama.
Mula nang malaman ko ang tungkol sa balitang naghahanap si King ng mapapangasawa ng anak niya at mula nang pilitin ako ng angkan ko na sumali sa Grand Pursuit Game, nagresearch na ako tungkol kay Fres. Physically, she's like other girls I've been with na maganda ang mukha at ang hubog ng katawan, but what caught my attention is something na hindi ko maipaliwanag.
She's an interesting woman. Iba sa mga naikama ko, iba sa mga nakilala ko. Hindi ko alam kung ano exactly ang ipinagkaiba niya, pero naramdaman ko na hindi ko lang siya gustong ikama, kundi gusto ko ring mapangasawa.
I like how strong of a woman she is, kahit hindi pa niya nakikita iyon sa sarili niya. A woman like her clearly doesn't need a man in her life... I know, but that's what makes me want her more, too.
"Fres..."
"Hi, Hanj."
"Gusto ko lang mag-sorry."
"For what?"
"Sa mga nagawa ko sa'yo... Wala akong excuse para do'n. I'm really sorry."
"Well, hindi ko sasabihin na okay lang dahil hindi naman talaga okay sa'kin ang nangyari, but yeah, okay, I can forgive naman."
To tame a woman like her... It brings me chills and excitement, much intense than those woman I had for sex. To be with someone like her makes me feel love for her and not purely lust.
Maybe she's what people say... that one girl that would change me for the better.
"You know, walang problema sa'kin kung malibog ka. Natural naman sa lalake 'yon e." Napakurap ako nang biglang sabihin iyon ni Fres. Nakaawang ang mga labi ko na nakatitig sa kanya habang siya ay patuloy lang sa pagsasalita.
"Natural ang pagkakaroon ng libog. Kahit babae nakakaramdam niyan. Even animals do. It's part of nature. Pero ang hindi natural at ang may malaking problema sa'kin," She glanced at me. "...ay 'yung i-aakto mo ang pagiging malibog mo lalo na kung walang consent ng paggagawaan mo no'n."
Humarap siya sa'kin at tinignan ako nang seryoso sa mata. "Consent is sexy! Tandaan mo 'yan ha? Tsk. Paano 'yan kapag nagmahal ka tapos hindi mo nako-control nang maayos ang sarili mo? You would be scaring your future wife. Baka tumanda ka pang binata-pfft!"
Kunot-noo ko siyang pinanood na tumawa. "Anong nakakatawa?"
Tumingin siya sa'kin nang may butil pa ng luha sa mga mata niya sa sobrang kakatawa. "Sorry, my badness! I just can't imagine you as a matandang binata."
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at natawa na rin kasabay niya. Fres was just too cute. I couldn't resist her charms.
"Don't worry, hindi naman ako tatandang binata."
"Oh, good for-"
"Kasi tatanda akong asawa ka."
Agad na namula at natigilan si Fres. I chuckled and pinched her cheeks.
"From the start, I wasn't playing this game to win your dad's title... I'm playing this game to win you over."
Marahan akong napangiti. Tinapik ko na lang ang ulo niya dahil yumuko siya at nagtakip ng mukha. I guess she wasn't expecting for my confession at all.
"Hanj! Tara na raw sabi ni Nox! Ang mahuli raw sa bangka, may palo sa pwet!"
Patago akong umirap sa pagtawag sa'kin ni Pin. Kahit kailan talaga panira ang lalaking 'to.
"Let me know your answer when we get back."
Napabalik ako sa kasalukuyan nang makarinig ako ng kaluskos mula sa paligid ko. Agad kong ibinalik sa aking bulsa ang litrato na kanina ko pa tinititigan. Nox may be anywhere, no time to be distracted. Napakagaling magtago at manakit ng lalaking iyon. Expect nothing less of Crimson's second gang captain.
Huli na nang mapagtanto ko na may papabulusok na sibat sa direksyon ko. I screamed in agony as it pierced my right shoulder. Napaatras ako at napasandal sa isang malaking puno.
"Kung ipagpapatuloy mo ang ganitong performance mo, hindi mapapasa'yo ang anak ni King."
Matalim ang tingin ko kay Nox na prenteng-prente na naglalakad papalapit sa'kin. Pero agad ding nawala iyon nang hawakan niya ang sibat na nakabaon sa balikat ko at tanggalin iyon.
Damn this Nox Imperial!
Umalingawngaw sa buong kagubatan ang sigaw ko kasabay ang walang awang paghalakhak ng demonyong nasa harap ko.
Sobrang sakit, tangina!
![](https://img.wattpad.com/cover/30328349-288-k461518.jpg)
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...