Chapter 12 - Defeated
THIRD PERSON POV
Kasalukuyang nagsusukatan ng tingin si Lomi at ang iba pang mga kalaban nito na nakapalibot sa kanya.
Alam nilang hindi nila kakayaning mag-isa si Lomi kaya kahit na masakit sa ego at nakakababa ng pride ay for the first time (and probably the last time), magti-team up sila para matalo si Lomi.
"Ano 'tong nakikita ko? Mukhang nagkampi-kampi sila para lang matalo si Lomi! Iba 'to, partner!" (Lero)
"Gipit na kasi sila, pards. Kita mo naman kung gaano kalakas si Lomi." (Adi)
"Ang tanong, matalo na kaya nila si Lomi ngayong magkakakampi na sila?" sabi ni Lero na nagpatahimik sa lahat.
Wala kasing may alam kung gaano kalakas si Lomi, at kung makakaya ba nila Hanj si Lomi.
"Five against one?" Lomi smirked.
"'Tol, alam mo namang wala kaming laban sayo kaya pagbigyan mo na kami. Hehehe." biro ni Pin.
"Just give up, Lomi." seryosong sabi ni Hanj. "Before things get out of hand."
"You guys really think you could beat me?" bored na saad ni Lomi.
"We don't think. We know we could beat you." sagot ni Geo.
"Siguraduhin niyong hindi lang kayo puro dada!" angal ni Zeron na naiinis na sa pagpapa-cool ng mga kasama.
Tinignan siya ng masama ni Pin. "Bro, wag ka ngang basag trip!"
"Eh, ang yabang niyo kasi tapos mamaya talo pala tayo! Tss!"
"Kailangan mo ng konting faith, Zee." sabi sa kanya ni Miiko.
"Heh!"
"So, grab your weapons, everybody. Let's get started."
Matapos sabihin ni Lomi ang mga katagang iyon ay mas tumaas ang tensyon sa arena. Halos wala ka ngang maririnig na ingay dahil sa sobrang kaba ng manonood, pati na rin ng mga contestants.
Binatuhan ni Pin ng isang 'smokescreen bomb' ang direksyon ni Lomi. Agad namang sumugod si Geo at kahit walang nakikita, ay iwinasiwas ang kanyang espada.
Nararamdaman ni Lomi ang mga galaw ni Geo kung kaya't mas nadalian siyang iwasan ang mga tira nito. Sinangga niya ang espada nito gamit ang double-edged axe nito na naging dahilan para mahawakan ng isa niyang kamay ang braso ni Geo. Natigilan si Geo dahil sa pagkagulat pero huli na ang lahat nang ngisian siya ni Lomi at tuhudin.
Napaluhod si Geo sa sobrang lakas ng impact nito at dahil na rin sa sakit na naramdaman niya dahil sa mga nauna niyang sugat na natamo. Kinuha naman ni Lomi ang pagkakataon na ito para ibalibag si Geo sa kung saan.
Mabilis na nangyari ang lahat kaya nang papasok na sana sa smokescreen si Pin ay napahinto siya dahil sa katawan ni Geo. Sumalubong ito sa kanya kaya pareho silang sumubsob sa lupa.
"Geo! Pin!" sigaw ni Hanj.
Napatingin silang lahat sa direksyon ni Lomi na hinahawi ang smokescreen.
Sumama ang tingin ni Hanj at Zeron dito.
Lumingon si Hanj kina Zeron at Miiko. "Ngayon na!"
Sa signal na yun ni Hanj, pare-pareho silang nagpakawala ng mga arrows (mula kay Hanj), bullets (mula kay Zeron), at stones (mula kay Miiko) sa direksyon ni Lomi.
Sinigurado nilang hindi maiiwasan ni Lomi ang mga atake nilang 'yon. Dahil hindi ine-expect yun ni Lomi ay tinamaan siya ng mga yun.
"Hold up." utos ni Hanj. Tumigil naman sila sa pagtira.
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...