Epilogue

205 8 2
                                    

Epilogue

Malakas ang palakpakan ng mga tao sa paligid nang maghalikan ang bagong kasal. Kasabay nito ay ang masayang hiyawan at ang pagsaboy ng mga pulang rosas sa kanilang dalawa.

I held my hand to my chest.

Medyo masakit pala.

Isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang napangasawa niya.

She's so beautiful in her wedding dress. Bagay sa maputi nitong mga ngipin tuwing nginingitian ang kanyang groom na ngayon ay asawa na niya.

I looked at the groom. He was obviously so in love with his bride with the way he gazed at her. Dapat lang.

Nilibot ko ang mga mata ko upang pagmasdan ang magandang tanawin sa venue nitong kasal. The groom has great taste. Ang sabi sa'kin ay siya raw ang namili ng venue dahil garden wedding ang gusto ng kanyang bride. And because of that, he chose this wedding venue in Tagaytay.

Masarap ang natural na simoy ng hangin dito. Sa baba ng lupang pinagdadausan nitong kasal ay ang dagat na lalong nagpaganda ng tanawin. I can't believe this is what a wedding would be like...

"Fres!"

Lumingon ako only to see the groom walking towards me, his bride by his side. Lumawak ang ngiti ko.

"Fraze!"

Nagyakapan kami at ipinakilala niya ako sa napangasawa niya. The girl warmly welcomed me. Mukhang okay na rin pala na ikinasal na ang kapatid ko, lalo na sa babaeng gaya niya.

"Ericka," sambit ko sa pangalan ng babae. "That's a cute name."

Namula siya kaya natawa ako. Pinanggigilan naman ni Fraze ang nagkulay kamatis na mga pisngi nito dahil sa compliment ko.

"T-thank you po... ate." I blinked when she said that, especially nang tawagin niya akong "ate". She turned even redder, bago pa siya mapigilan ni Fraze ay nagpaalam na siyang magsi-CR.

Fraze let out a hearty laugh. "Pagpasensyahan mo na siya, mahiyain e. Intimidated din sa'yo. She knows about your legend, y'know." He winked.

My brother is a lucky man. Akala ko ay niloloko pa rin niya ako nang tumawag siya upang imbitahan ako sa kasal niya. It's hard to believe that my playboy brother would be the first to get married.

Well, hindi ko pa naman din gusto magpakasal.

"Nga pala, how's your stay in London?" pangangamusta ni Fraze.

I grinned. "It was great! Kulang pa ang isang buwan para libutin ang lugar na iyon."

"Akala ko nga hindi ka uuwi para sa kasal ko." Fraze pouted.

"Kasal mo pa ba ang hindi ko dadaluhan? To be honest, I actually thought you were pulling a prank."

He acted shocked and offended. "Grabe ka! I was courting her since I was 19! And we got together when I was 20 up until I proposed and married her at 22."

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. My little brother has grown so tall. Kailangan ko na magtiptoe para lang maabot siya. Time flies so fast.

"I know, I know. Whatever, bro."

He caught my hand in his hair and removed it. Hinawakan lang niya ito at tinitigan. "How about you, though?"

"Hmm? What about me?"

"Kailan ka ikakasal? Have you decided on... you know... kung sino sa kanila ang pakakasalan mo?" He cleared his throat. "After all, they did tell you that they'll wait for you no matter how long it takes for you to make up your mind."

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon