Chapter 17 - Deal or No Deal

683 24 4
                                    

Chapter 17 - Deal or No Deal

FRES EVANGELIQUE

Hindi ako makapaniwala sa mga bagay na ikinwento sa'kin ni Pin. I never knew that someone like him is going through a lot. Napaka-masiyahin niya kasing tao. Yung tipong akala mo walang problema sa mundo.

But then again...

Looks can be deceiving.

Bata palang pala si Pin ay iniwan na siya ng mga magulang niya sa isang orphanage. Hindi naging maganda ang pananatili niya dun dahil lagi siyang inaaway ng mga bata. Hanggang sa may umampon sa kanyang isang mayaman na pamilya; ang pamilya Velasquez.

Mahal na mahal siya ng mga umampon sa kanya, pero ang mga kamag-anak ng mga magulang niya ay ayaw sa kanya. Tingin nila sa kanya ay mahirap, walang kwenta, at kung anu-ano pa. Lagi pa nila siyang pinapagalitan kahit na wala naman siyang ginagawang mali.

Nagulat nga ako nang ikwento niya sa'kin 'to eh. I mean, hindi naman kasi kami close... Pero sa tingin ko, dahil sa nangyari kanina, may bond kaming nabuo na hindi basta-basta.

"Fres? Oy!"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang pitikin ni Pin ang noo ko.

"Aray." Walang emosyon kong tugon. Aba! Di por que close na kami at dahil sa nangyari ay malilimutan ko na ang kasalanan niya huh!

"Masakit ba talaga? Pffft." Kita mo 'to, kanina halos magpakamatay na tapos ngayon parang baliw kung makatawa.

Inirapan ko nalang siya. "Ewan ko sayo."

Mas natawa naman ang loko. "Whoa, whoa! Kanina lang ang bait-bait mo ah! Anyare na? Haha!" pang-aasar pa ng kumag.

Napailing nalang ako habang patagong napapangiti. Mas okay na yung ganitong maloko siya, kaysa yung halos magpakamatay na siya sa lungkot at sakit na nararamdaman niya.

"Magluluto na ako, bahala ka dyan!"

Nagsimula na akong maglakad paalis pero bago pa ako makalayo ay pinigilan niya ako.

"Bakit? Mang-aasar ka na naman? Sa kusina nalang-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin.

"Sorry."

Then bumitaw na siya at nauna pa sa'king pumasok sa mansion.

One word. Isang salita lang pero napangiti na agad ako.

Wow, Pin. Marunong ka palang magsorry?

I'm impressed. Lol.

***

"I'm so boreeeed!" angal ni Hanj at gumulong sa sahig. Aw. He looks adorable. Para siyang bata.

"And it's hoooot! Is it supposed to be hot? What's wrong with this mansion's aircon?" reklamo ni Zeron. "Hoy, Miiko, wag mo nga solohin ang electric fan!"

Baliw ba talaga 'tong si Zeron? Malamang maiinitan siya kahit na naka-aircon at electric fan dahil naka-business suit siya. Tsk. Napailing na lang ako.

"Dude, try mo kasing magpalit ng damit at nang hindi ka mainitan." sabi ni Geo sa kanya.

"Tumpak, bro!" Miiko beamed habang si Lomi naman na nakapatong ang ulo sa lap niya ay napa-facepalm lang. Oh my badness, bakit may shounen-ai rito?! Hahaha!

"Freeeees! Wala bang wifi rito?" tanong ni Pin na nasa kusina at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos maghugas ng pinggan. Parusa niya 'yun dahil sa ginawa niya sa'kin kanina. Ha!

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon