Chapter 19 - Change of Mind or Heart?

675 26 1
                                    

Chapter 19 - Change of Mind or Heart?

FRES EVANGELIQUE

"I feel so energized!" sigaw ni Fraze matapos nang ginawa niyang paghalik sa'kin. Inirapan ko lang siya kahit na deep inside ay nangingiti ako. I missed this brother of mine.

"S-sino ka sa tingin mo para halikan si Fres?!" galit na sigaw ni Zeron na siyang unang naka-recover sa pagkagulat.

Tinignan lang siya ni Fraze gamit ang bored na ekspresyon nito kaya mas lalong nainis si Zeron. I can't blame him, though. Hindi naman kasi nila kilala si Fraze and they don't know that he's my brother and that's how intimate he is to me.

Tingin ko, it's about time para ipakilala ang pinakamamahal kong kapatid sa kanila.

"Guys," panimula ko kaya natigil sila sa pagpapalitan ng masasamang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin, patay na silang lahat. Psh.

"This is my brother, Fraze." pagpapakilala ko kay Fraze at halos matawa ako sa mga reaksyon nila. Lalo na ni Karma na sobrang transparent ang ekspresyon. "Fraze, these are my..." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kung ano ko sila. Friends? Strangers? Lovers?

Ngumiwi ako nang naisip ko ang salitang "lovers".

"Suitors." sabi ni Fraze.

"What?" tanong ko nang bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.

"These boys are your suitors." sabi niya. "Dad told me about the game."

Nagkibit-balikat ako. At least he knows. Buti nalang hindi siya gaano nagfreak out.

"I actually freaked out when I found out, you know." sabi ni Fraze habang nakatingin sa'kin. Did he just read my mind? "I thought I'd lost you." Hinawakan niya ang kamay ko. Blangko ko lang 'yong tinignan.

"Nakita ko 'yong pictures niyo sa Facebook. I tracked its location and it led me here. Pinigilan pa nga ako ni Dad but heck, I want to be with you. I will not let you get taken by some worthless piece of crap." sabi ni Fraze. Ramdam ko ang malalagkit na tingin sa'kin nina Geo. I know what they're thinking. And it's disgusting.

"Incest..." wala sa wisyong bulalas ni Pin. Sinapak naman siya ni Miiko para matahimik at matauhan.

"Incest?" Tumawa si Fraze. "We're not blood-related."

"A-ano?" windang na tanong ni Hanj.

Napabuntong hininga ako. "We're orphans... Adopted by–" Natigil ako nang higpitan ni Fraze ang hawak niya sa kamay ko.

Shit. I shouldn't have said that. Matagal ko nang tanggap na ampon ako, but clearly, hindi pa rin iyon matanggap ni Fraze. Iniisip niya pa rin na kami ay mga tunay na anak nina mommy at daddy.

"S-sorry..." bulong ko kay Fraze.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa'ming lahat.

"OKAY FINE!" sigaw bigla ni Fraze na dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"I was just kidding about my acts earlier. Hindi ako inlove sa kapatid ko. I love her as my sister but that's that. Nothing more, nothing less. Gusto ko lang talaga kayong pagtripan. And it's awesome because you all bought it!" tawa ni Fraze kaya..

"OUCH! WHAT WAS THAT FOR?!" sigaw niya sa sakit nang isa-isa nila siyang sapukin sa ulo. Ano, mangtitrip ka pa?

"Nagtanong ka pa talaga huh. Tss." inirapan siya ni Zeron.

"Gay!" Fraze booed.

Natigilan kami sa pagkukulitan nang biglang magcollapse si Karma.

Crap! May sakit nga pala 'to!

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon