Chapter 28 - He Was There
Nagising akong wala na si Pin sa tabi ko. Agad akong bumangon para hanapin siya. Hindi naman nagtagal ay nakita ko rin siya sa may bandang kusina.
Nagtago ako bago pa niya mapansin ang presensya ko. I chuckled silently. He looks so cute with his frustrated expression na nakatingin sa tinidor na hawak niya at nakatusok sa nangingitim na hotdog. Halatang nasunog na ito. Wala pang hiwa sa hotdog para maluto ang nasa loob.
Pinigilan ko matawa nang malakas. Hindi nga talaga siya marunong magluto. But it's cute that he's trying.
Magpapakita na sana ako para asarin siya kaso napahinto ako nang marinig ko ang boses niya na kumakanta.
This song...
I know he hummed this song to me last night. Pero akala ko ka-tono lang. But now, listening to it, I'm sure...
Tulog na, mahal ko
Hayaan na muna
natin ang mundong ito
'Lika na, tulog na tayoBiglang bumalik sa'kin ang mga alaala na dala ng kantang iyon... ang kantang laging inaawit sa'kin ng tagapag-alaga ko sa ampunan.
Tulog na, mahal ko
'Wag kang lumuha
Malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema"Ina! Isa pang kanta, please?" Nakangusong pakiusap ng batang Fres habang nakatingin ang bilog na bilog na mga mata nito sa nakatatandang babae na kausap.
"Sige, pero 'wag ka maingay kay Pedro ha? Magtatampo iyon kapag nalaman niyang pinagbigyan kita, samantalang hindi ko siya napagbigyan kahapon." Ngumiti ang ginang at i-minuwestra sa batang babae ang pwesto sa kanyang tabi.
Malaki ang ngiti ng batang Fres at agad-agad itong sumampa sa sofa at umupo sa tabi ng babae. "Ina, game na po!"
Natawa nang kaunti ang ginang sa kagalakang ipinapakita ng bata. Niyakap niya ito at sinimulang awitin ang kantang pampatulog nito.
Tulog na, hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka naHindi maiwasang mabighani ng bata sa kagandahan ng boses na taglay ng kanyang ina. Ibinuka niya ang kanyang bibig at sumabay sa pag-awit.
Tulog na, mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na munaHindi pa natatapos ang awit ay biglang may dumamba sa batang Fres. Natumba silang dalawa sa sahig.
"Ano ba, Pedro! Epal ka naman e!" bulyaw ni Fres sa batang lalake na dumamba sa kanya.
"Ikaw ang epal, Eva! Pinapakanta mo pa si nanay Hana kahit cur–kur... basta, yung oras na dapat tulog ka na! Napakadaya mo!"
Agad na nagsunggaban ang dalawa na inawat naman ng ginang na si Hana.
"Mga anak, tama na 'yan." saway niya sa mga ito. Tinignan niya ang batang lalake na nakabusangot ang mukha, "Pedro, walang kasalanan si Eva, okay? Pasensya ka na. 'Wag mo na siya awayin. At ikaw, Eva," tumingin naman siya sa batang Fres na malapit nang umiyak. "'Wag mo na patulan si Pedro. Magbati na kayo. Please?"
Kahit labag man sa loob ng dalawa, tumango sila at nagtinginan. Labas sa ilong nilang sinabi ang mga katagang, "Sorry. Hindi na mauulit."
Ngumiti si Hana at sinabi, "Gusto ko, kahit wala na ako, kung mag-aaway man kayo ay magbabati kayo agad, okay ba 'yun?" Sa iba tumingin ang dalawang bata, ngunit napilitan silang tumango nang tanungin uli sila, "Maaasahan ba ni ina at nanay Hana niyo 'yun mula sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...