Chapter 25 - Interestingly Bored
FRES EVANGELIQUE
"Seryoso ka?" gulat na tanong ko kay Lomi na seryosong nakatingin sa'kin.
"Isn't this face enough to show you that I really am serious?" bagot na tanong nito.
"But... I'm a girl."
"I know."
"And you're a boy."
"I'm a man. And please, stop stating the obvious, Fres." Wala pa rin siyang pinapakitang emosyon kahit base sa statement niya ay mukhang malapit na siyang mainis. Mukhang mas matindi pa 'to kaysa kay Karma eh. Tss. Magkapatid nga.
Inirapan ko siya at tinignan nang masama habang nakahalukipkip.
He showed me a smile. "Tara, Fres." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.
"You don't have to hide. Magiging asawa naman kita at makikita ko rin iyan." sabi pa niya.
Kinurot ko siya sa braso na naging dahilan para um-aray siya. "Alam mo, kung may nakakarinig sa'tin, iisipin nilang may kung ano na tayong gagawin."
It's been 2 days na magkasama kami ni Lomi. Nagsasawa na nga ako sa mukha niya eh. I miss the other guys already. Ang tahimik naman kasi nitong si Lomi. Tapos kapag kakausapin ko, pinipilosopo ako palagi! Hays. And right now, heto na naman kami at nagbabangayan sa kung sino ang dapat maunang gagamit ng banyo.
After my first week with Hanj, napagdesisyunan ni Daddy na "mas effective" raw kung solo namin ng susunod na mga manliligaw ko kuno ang mansion para walang mang-iistorbo. I don't know what he means by that. One thing I'm sure of, though, is that he placed a bunch of CCTV cameras to monitor us here. Lalo na't ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa'kin noong nakaraan.
The others weren't too far from us, though. They're staying at the (supposedly) maid's quarters located near the garden.
"What? It's normal for couples to bathe together." inosente ang mukha ni Lomi nang itanong ito. "You're the one who's thinking with malice here."
Ugh! I'll never win an argument with him. Pasaway.
Oh jeez, kamusta kaya ang magiging week ko kasama ang isang 'to? There's 5 more days to go.
***
THIRD PERSON POV
"Ilang panahon na lang..." sabi ng isang babae sa isang lalaking busy sa panonood ng palabas.
"Uh-huh..." tango ng lalaki habang kumakain ng popcorn.
"Eugay, excited ka na ba?" tanong ng babae.
"Gusto ko lang matapos na 'to." sabi ng lalaking nagngangalan na Eugay. "Ikaw, Alyska?" Sandaling napatingin ito sa babae na ngayo'y malapad ang ngiti.
"I just want my Karma back." sagot nito habang nagdedaydream.
Umiling si Eugay. "You are so whipped, Alyska. I heard he's a candidate of the Game."
"He loves me and I love him."
"Kung gano'n nga, why is he still there? Dapat ay nagpadisqualify na siya." kontra ni Eugay na ang mga mata ay nakatutok sa screen. Maririnig ang pagnguya niya ng popcorn nang matagal bago makapagsalita si Alyska.
"Karma needs to make Fres fall for him and then break her heart hard." nakangiting tugon ni Alyska.
"Eh? Really? Why is that?" tanong ni Eugay na ngayon ay pinatay na ang pinapanood para makinig sa kwento ni Alyska.
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
Ficción GeneralUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...