Chapter 9 - The Seven Winners

808 25 0
                                    

Chapter 9 - The Seven Winners

FRES EVANGELIQUE

NAIINIS AKO SA KARMA NA 'YUN! SANA KARMAHIN SIYA! LECHE!

I should have known earlier na kaya niya lang ginawa yun para manalo! Nakakainis, naisahan niya ako dun ha!

Ang bobita ko kasi! Argh! I let it happen. Kaasar! What will Daddy say kapag nalaman niya 'yun?!

"Tito, sila po ang mga nagke-claim na nahalikan nila si Fres." report ni Lero kay Daddy. Seryoso namang tumango-tango si Daddy. Pinalapit niya yung 10 contestants na natira at sinuri ng mabuti.

"Nahalikan niyo ba talaga 'tong anak ko?" tanong ni Daddy sa mga 'to. I rolled my eyes para pagtakpan ang namumula kong mga pisngi. Baka isipin ni Daddy na baka kinikilig ako. Like yeah it will happen when hell freezes over.

Namumula ako sa inis at hiya. Tch. Lahat kasi sila... Argh. They used dirty tricks just to get a kiss! Pero isa lang talaga ang nakahalik sa'kin sa labi. At alam niyo na kung sino yun. Psh.

Tumango silang lahat bilang sagot sa tanong ni Daddy. Tinanong naman niya sa'kin kung totoo ba yun at tumango nalang din ako kahit na sobrang bad trip ako. Tch.

Buti nalang hindi niya tinanong kung saan baka makapatay pa ako. Tss.

"Care to introduce yourselves to me, gentlemen?"

Nagsimula naman na silang magpakilala. Yung pito sa kanila, kilala ko na (yung iba sa mukha lang). Pero yung tatlo, hindi pa. Parang wala nga akong naalala na nakasagupa ko sila eh. Hmm.

"I'm Hanj Quieño." ngumiti si Hanj at nagbow kay Daddy.

Hinawakan ni Hanj ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo nung hindi ako makawala sa hawak niya. "I really like you."

Oh no. Please stop!

"Zeron Fernandez. You know me, future father-in-law." kinindatan ako ni Zeron at ngumiti sa daddy ko. Pwe! Plastik! Pwede nang itapon sa basura! Ugh.

Nagulat ako nang biglang may humila sa'kin at yinakap ako. Pero mas nagulat ako nang may labing dumampi sa leeg ko. Shit. Shit talaga. "Lovely Fres, it's me, Zeron. Thank you for the kiss." and he left me dumbfounded.

ARGH! AYOKO NA MAALALA YUN, ANO BA!

"Miiko Castillo po." pagpapakilala nung weird na lalaki habang nakangiti. Ugh. Ano ba kasi toothpaste nito? Ang puti ng mga ngipin niya!

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Miiko sa likod ko. Pero mas nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko at halikan ako sa ilong. "Bye!" bulong niya tapos pagkadilat ko ay wala na siya. Nyemas ka Miiko!

Ha-ha-ha. Nang-iinis talaga 'tong utak ko eh. Sabi nang ayoko na maalala yung mga yun eh.

"Yo! Ang gwapong-gwapong Pin Velasquez here!" kaway nung lalaking kulay pula ang buhok na sinabihan ako ng KJ. Tsss.

"Miss! Ilag!" Gumulong naman ako para hindi ako matamaan nung rumaragasang hotdog-ah este nung matulis na espada na dumaan sa direksyon ko. Napatingin ako dun sa lalaking sumigaw. Teka. Siya yung sinabihan ako ng KJ ah? Tss. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. "May pasa ka oh." Tapos ay hinalikan niya ang balikat ko at nilayasan ako. Peste. Naisahan na naman ako. UGH.

Naiinis pa rin talaga ako kapag naalala ko yun. Galing umarte na may pake siya! Bwiset.

"Ako po si Geo. Geo Lestrange." halos magningning naman ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Oh my badness, this is so not me. Pero kasi naman eh, he has an angelic voice tapos mukha pa siyang anghel. But no, no, no. He's still a boy, Fres.

"Ate. Pa-kiss po." Bagot na napatingin naman ako sa lalaking biglang sumulpot sa harap ko. "Pleaseeee." Aw ang cute niya! At dahil sa bugso ng damdamin, pinahalik ko sa kanya ang kamay ko. Natauhan lang ako nang biglang umalis na siya and his name was announced as a qualifier. AY ANAK NG ASO! GINAYUMA NIYA BA AKOOO?

Umirap nalang ako. Kung hindi niya siguro ginawa yun, baka nabawasan ang pagka-hate ko sa lalaki ng mga 1%. Psh.

"Lomi Buford at your service." bored na pagpapakilala ni Lomi.

"I should kiss you but I won't do it because I am bored right now." Napalingon ako at ihinanda ang laso whip ko. Hindi na ako magpapahalik this time! Tsk! "But then, I would be more bored so maybe I should kiss you now." bored na sabi niya. Nainis ako sa kanya kaya sinugod ko siya. "KISS MY FEET, STUPID!" Ang kaso nga lang, nahuli niya sa ere yung paa ko. Shet. Hinatak niya ako palapit sa kanya gamit yung paa kong hawak niya at leche ang sakit. Nung malapit na ako sa kanya ay tumama ang sexy kong tummy sa mukha niya at yun ang hinalikan niya. Binitiwan niya na ako matapos no'n at, "Thank you for exciting me even just for a moment."

Nakakahiya. Nakita niya din yata yung undies ko. ARGH! Pero shet ha. Ang sakit pa rin ng hita ko. Hilahin ba naman ako?! Makakaganti rin ako sayo, Mr. Always-Bored.

"Karma Feroux." sabi ni Karma nang tumingin sa kanya si Daddy.

GRRR! Gusto ko nang makalimutan yun! Like oh my badness, nakakabawas ng ka-awesomeness-an! Grr. I hate him.

Wait no.

I hate them all.

Sa sobrang inis ko ay naglakad na ako papalayo.

"Aba, bastos ka ah! Hindi pa kami nakakapagpakilala, Miss!" sigaw nung isa sa mga unknown species.

Bored akong lumingon sa kanila.

"Excuse me? And no, hindi ako dadaan. I'm just gonna say na hindi niyo na kailangan magpakilala kasi first of all, I don't care. Second, I don't care and lastly, I really don't give a damn." Tinaasan ko sila ng kilay that made them step back. Tss. Cowards. "Besides, my badness, bakit ba kayo nandito?! Hindi niyo naman ako nahalikan or nahawakan, whatever. Tss."

"Oooh! Burn, baby, burn." tawa ni Lero. Napansin ko ding nagpipigil ng tawa yung iba maliban kay Daddy. He is dead serious. Uh-oh.

Humarap siya sa tatlong ugok at nararamdaman kong magsa-saiyan na ang pinakamamahal kong father dear.

"You dare fool me in front of my daughter? Huh. You have some guts." Okay. Natatakot na ako. Ganito si Daddy magalit. Mukhang hindi siya galit dahil sa tone ng voice niya na kalmado lang but once you look at his face... You'll see a demon.

"Tito, wala nga sila sa listahan. Tama si Fres na hindi sila kasama sa qualifiers." Adi added, then he looked at the liars. "This is a part of the elimination — it is to know who are real and who are not. Unfortunately, you lied to the wrong people."

"You really think someone as puny as the three of you can fuck with me?" Daddy towered over them.

Napaatras naman ang tatlo na bistado na sa mga kalokohang pinaggagawa nila. Oh well, I'm out of here.

"Daddy, I'll go to my room na. Bye~!" paalam ko kay Daddy.

"Uh, mga future cousin-in-laws, sama na kayo sa'min. M-mag-uusap pa yata sila Tito at yung tatlong yun. Hehe. T-tara!" Halatang nanginginig na si Lero sa takot kay Tito. Well, ayaw niya kasing nagiging ganyan si Daddy. Can't blame him though.

Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik na sa kwarto ko. I can't put this up anymore...

Pagkasarang-sara ko ng pinto ay agad na bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Shit lang kasi. Naaalala ko na naman siya.

The guy who made me into this.

The guy who made me hate men.

The guy whose name is Chain.

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon