Chapter 3 - Start

1.2K 42 5
                                    

Chapter 3 - Start

FRES EVANGELIQUE

Minsan hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Daddy. Minsan nga naisip ko nang ipa-check up siya sa doktor kaso 'di ko tinuloy kasi baka patayin niya pa yung doktor edi gagastos pa kami para pagtakpan lang yung walang kwentang pangyayari na yun. Haayyy. Kidding aside though, hindi ko inakala na ganitong laro ang plano niyang gawin.

"WELCOME TO THE GRAND PURSUIT GAME!"

"WOHOOOOOO!!!"

After 3 weeks ng paghahanda para rito, sa wakas ay nasimulan na rin ang kalokohan na 'to. So this is what Lero and Adi were busy with. Mga pasaway, hindi man lang sinabi sa akin.

"For the information of everyone, this game consists of three phases. But each phase following the first phase na gagawin natin ngayon ay si King Train lamang ang nakakaalam... to be fair to everyone. Kahit kaming organizers ay hindi alam ang kabuuan ng laro. Malalaman lang namin sa mismong araw na isasagawa o sisimulan ito." paliwanag ni Adi.

Matapos niyang magsalita ay si Lero na an ang nagsimulang magpaliwanag, "And for the first phase which will be happening today, magkakaroon ng two versus two battle between each contestant. About a hundred gangsters were brave enough to take on the challenge, let's see if they will see it through. Now, let's go to the mechanics of the game..."

Not minding what they're saying, bagot lang akong tumingin sa mga contestants mula sa itaas ng stadium or battle arena kung saan naka-upo ako sa upuan na tila trono ng hari.

Katabi ko si Daddy sa aking kanan at sina Adi at Lero naman sa kaliwa. Sila Lero kasi lagi ang announcer ng mga pakulo ng mga gang captains. Ewan ko ba kung bakit eh may iba pa namang mas magagaling kaysa sa kanila. Si Daddy naman parang tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mga contestants. Tss. Parang bata.

Well, bata pa naman pala talaga si Daddy. He's only 35 after all. Siguro nagtataka kayo 'no? The truth is... I'm only adopted. Since hindi raw magkaanak sina Mommy at Daddy dahil mahina ang puso ni Mommy at baka hindi niya kayanin kung manganganak siya, nag-ampon sila. At ako yung maswerteng bata na inampon nila. Hindi ako maka-Dios pero I'm so grateful that I have such loving parents.

"Princess." tawag ni Daddy.

"Po?" tanong ko sabay lingon sa kanya.

He smiled. "Thank you."

"Huh?" Thank you? Para saan? Daddy's so unpredictable at times.

"Thank you because you're doing this for me and for the gangster world. I promise, the best man will be the one married to you."

"Daddy..." teary-eyed kong wika. Kahit na ganito ako sa Daddy ko, mahal ko pa rin siya. Tsaka he... is my weakness and my strength.

Tumawa naman si Daddy.

"Hahaha! Let's watch the match, Princess! Tapos na yatang mag-introduction sila Lero." sabi ni Daddy while patting my head.

Tinanguan ko siya at inalis niya na ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Itinuon ko na ang pansin ko sa battle ground.

"For our first battle, we have Miiko Castillo!" (Lero)

Pagkasabi niya no'n ay may lumabas na binatang lalaki na nagpatili naman sa mga babae at pusong babae (Oo, kahit puro gangsters dito, may mga baklang gangsters pa rin). Though kung yung iniisip niyong tili ay dahil nagagwapuhan or what ang mga babaeng 'to, mali kayo ng iniisip. Ang gara naman kasi nitong Miiko na 'to. Naka-suit kasi siya. Yung suit na black at fit na fit. I forgot what it's called, some kind of body suit, I guess. Tapos yung mga mata niya natatakpan nung parang black na bandana instead yung bibig at ilong niya. Reversed dressing lang, kuya? Ang creepy niya, promise.

What is up with that bandana? Makakakita ba siya niyan? Weird guy. I don't know if I should be happy or what if ever he wins this game.

"Pfft. Wahahahaha! Ang ganda ng costume niya, partner!" (Adi)

"Wag mo tawanan 'yan, partner. Napakamatapobre mo talaga!" (Lero)

So he's still at it, huh? Napailing na lang ako sa sinabi ni Lero kahit deep inside ay gusto ko na lang matawa.

"Ha? Anong konek no'n?" (Adi)

"Pag-usapan natin mamaya, partner! Ang ating second player naman ay hindi ako, hindi ikaw, kundi Jocco Sia!" (Lero)

Daddy burst out laughing kaya halos lahat ng audience ay napatingin sa kanya sa sobrang pagkamangha. I kind of understand them, though. Who would expect the great King Train Evangelo Hanzelle to laugh at such a lame joke? Napaka-korni talaga ng mga pinsan ko. Napahawak na lang ako sa sentido ko. Ako na lang yata ang matino sa pamilyang 'to.

Lumabas na 'yung 'Jocco' at kumaway-kaway pa with matching pa-blow ng flying kiss. Eww. He's not that handsome pa tapos ginagawa niya yun? Like, eww! Tapos itong mga babaeng ito, kinilig naman! Yuck! Nakakaturn off talaga ang mga feeling pogi. Maarte na kung maarte, but I would rather die than marry an arrogant man like him.

"Princess, what do you think about that Jocco guy?" tanong ni Daddy, closing in to my face, while fanning himself. Pinagpawisan siya sa kakatawa kanina? Seriously?

"Ugly." I plainly answered without looking at him.

Hindi na siya nagtanong pa as he sank back into his chair.

"Okay. So much for the introduction. Halika na at magbakbakan!" (Lero)

"Bakbakan talaga, partner?" (Adi)

"Pfft. King Train, your turn." (Lero)

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Daddy sabay sigaw,

"Let the round one of the Grand Pursuit Game, begin!"

Kailangan talaga may ganitong eksena, Daddy?

I hid a smile as I watch him with amusement.

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon