Chapter 5 - Zeron VS. Xavier

1K 37 1
                                    

Chapter 5 - Zeron VS. Xavier

FRES EVANGELIQUE

Nakakaasar talaga yung lalaki kanina! Tss. Akala mo kung sino eh! Bwisit! Anyway, Fres, wag mo nang isipin pa ang lalaking yun dahil hindi siya karapat-dapat para isipin mo. Hmp.

Pero... Nakakainis talaga siya. Period.

"And now, for our second match, we have Zeron Fernandez!" pag-aannounce ni Lero na nagbalik sakin sa realidad.

Agad naman na nag-init ang dugo ko nang makita ko kung sino yung Zeron na yun. Ay pisti. Kasali pala ang lalaking yan dito?! Grr!

Guys, meet Zeron Fernandez. My childhood sworn mortal enemy. Actually, hindi ko alam na buhay pa pala yan. Sa pagkakaalam ko kasi, sumabog daw yung apartment na tinitirahan niya e. So... Meh.

Pero infairness ah, mas gumwapo siya. He has those blue cold eyes he inherited from his American father, dark black hair, at medyo mapulang mga labi (wow, di siya nagsisigarilyo huh). Though, ewan ko kung dapat ba akong matawa o ano sa suot niya. Naka-suit kasi siya. Business suit, to be specific. I mean, yes, bumagay naman sa kanya yung suot niya. Pero hello? Nasa BATTLE ARENA kaya siya (Oh, capslock pa yan para intense). At papaano siya makakalaban ng ganyan?! Aish. Hayaan na nga. Sabi nga nila, walang basagan ng trip.

"And we have Xavier Delos Santos from the Delos Santos Clan as his opponent!" (Adi)

Si Xavier naman, gwapo rin. Naka-suot naman siya ng I think ay komportableng damit na bumagay sa kanya at sa event na ito. Meron siyang kulay brown na buhok na gulo-gulo. Kulay brown ang mga mata pero medyo nangingitim yung mga labi niya. Nagsisigarilyo siya. Tsk. Turn off agad. I don't like guys who smoke because I was asthmatic as a child.

"Naeexcite na ako, partner! Tinaguriang isa sa pinakamalalakas na gangsters ang pamilya ng mga Fernandez! Ang mga Delos Santos naman ay ang tinaguriang isa sa pinakamalalakas rin! Sino kaya ang magwawagi sa larong ito? This battle will prove kung sino nga ba ang tunay na pinakamalakas! Ikaw, partner, ano sa tingin mo?" (Lero)

"We'll just have to find out!" tumingin si Adi kay Daddy. "Do the honors!"

Ngumiti ulit si Daddy nang pagkalaki-laki.

"Let the round two of the Grand Pursuit Games, begin!" sigaw niya kasabay ng hiyawan ng mga tao.

Unang umatake si Xavier. Nilabas niya ang weapon niya na isang malaking axe at patakbong sumugod kay Zeron. Si Zeron naman ay nakatayo lang dun at mukhang sasalubungin yung axe na papalapit sa kanya. Shit. Is he out of his mind?!

Malapit nang tumama sa kanya yung axe nang biglang nawala nalang siya dun sa pwesto niya at nalipat sa likod ni Xavier na may hawak na siyang baril. In-aim niya yung baril niya sa balikat, tuhod, at braso at pinaputok ang baril.

Natamaan si Xavier sa balikat pero bago pa tumama yung ibang bala sa iba pang parte ng katawan niya ay nagawa niyang ilagan yung mga bala o di kaya ay sasanggain niya gamit yung axe niya.

Gumulong si Zeron habang nagpapaputok ng bala sa direksyon ni Xavier. Natamaan niya yung kamay ni Xavier na may hawak sa axe nito kaya nabitawan ni Xavier yung axe at bago pa niya makuha ito ay agad na sinipa iyon ni Zeron palayo.

Sinipa naman ni Xavier yung kamay ni Zeron dahilan para mabitawan niya yung baril. Ngayon, kailangan na nilang makipaglaban gamit ang mga kamay. May ginawa kasing rule si Dad na hindi na pwedeng gamitin pa ulit ang weapon sa pakikipaglaban once na mabitawan mo yun.

In-armthrow ni Xavier si Zeron kaya napahiga si Zeron sa lupa. Hinatak naman ni Zeron ang balikat ni Xavier kaya pati siya ay napahiga rin. Tumayo naman si Zeron at tinadtad ng suntok si Xavier. Mabilis naman na naiwasan ni Xavier ang mga yun.

Hinila siya patayo ni Zeron at sinipa sa tyan tapos binalibag patalikod. Tumayo si Xavier habang pinupunasan yung dugo sa labi niya. Sinugod niya si Zeron at binigyan ng flying kick na tumama sa pisngi ni Zeron. Sa sobrang lakas ng impact, tumilapon si Zeron sa gilid ng arena.

Tumayo si Zeron kasabay ng pagsugod muli ni Xavier. Nakaambang na ang kamao nito na salubungin ang mukha ni Zeron nang biglang nahawakan ni Zeron ang kamao niya. Nagkatitigan sila ng matagal at napansin ko ang pagbabatuhan nila ng masasamang tingin. Hindi kaya.. Magkaribal talaga ang dalawang 'to?

Nagulat naman ang lahat nang biglang kindatan ni Zeron si Xavier. Mukhang si Xavier din ay nagulat dahil hindi agad siya nakaiwas nang sikuhin ni Zeron ang baba ni Xavier at suntukin ang ilong nito.

Knocked out si Xavier.

"Round Two, cleared!" (Adi)

"And the winner is... Zeron Fernandez!" (Lero)

That was one awesome battle.. Pero..

"Daddy, hindi ba dapat disqualified si Zeron kasi sinuntok niya yung ilong ni Xavier which is connected to the brain na pwedeng maging dahilan para mamatay si Xavier?" tanong ko kay Daddy.

Nginitian naman ako ni Daddy. "Princess, if you're watching action movies, you should know na walang namamatay sa suntok sa ilong. Though, it could knock out the person for awhile. Then yet again, wala pa naman akong nababalitaan na namatay dahil sa suntok sa ilong. Though for me, it actually depends on the force of the punch." ang mahabang explanation ni Daddy.

"Oh. I see." sagot ko at napatingin kung nasaan si Zeron. Napalunok naman ako nang bigla siyang napatingin sakin. Nginitian niya ako bago umalis sa loob ng arena.

W-what's with that guy? Akala ko ba enemies kami? Bakit biglang... Aish!

"Princess, bati na ba kayo ni Zeron?" pag-uusisa ni Daddy. And yep, alam niya yung tungkol sa relasyon namin ni Zeron. At mukhang nakita niya rin yung ginawa ni Zeron kanina.

"No. I'll never make peace with a demon." ang matigas kong sagot.

"Same old Fres." tatawa-tawang singit ni Lero.

"Epal ka! Kita mong may father-daughter conversation dito tapos sisingit ka!" singhal ko kay Lero.

"Tito Train, bakit ganyan ang anak mo? Hindi manlang kami tinuturing na pinsan ni Adi! Ahuhuhu! Oy Adi, maki-iyak ka dito!" tawag niya kay Adi.

"Busy ako, bro." tugon ni Adi.

"Huhuhu! Kita mo na, Tito! Pati si Adi binabalewala ako!" parang bata na inagawan ng laruan na sabi ni Lero kay Daddy.

Tinawanan nalang siya ni Daddy.

Napa-facepalm naman ako. Ang weird talaga ng mga taong nakapaligid sakin.

Kill For The Gangster King's Throne (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon