Chapter 13 - Kill Me Now
FRES EVANGELIQUE
Dear April 17, I hate you.
Bakit? Kasi ngayong araw na ito magsisimula ang mala-impyerno kong buhay.
Ike-kwento ko pa ba?
Wag na! Ngayong araw ko lang naman kasi makakasama ang pitong lalaking magpapa-inlove daw sa'kin. Like ew.
Besides that, wala na akong ibang problema.
Oh but of course, niloloko ko na naman ang sarili ko.
Ngayong araw ang kasal ni Chain, ang walanghiyang lalaking nagnakaw ng puso ko.
Hays. Pwede niya na ba ibalik yun sa'kin? Tutal ikakasal na naman siya diba? Carrying two hearts of two different girls is a huge burden.
Teka muna Miss
Wag ka nang sumama
Sinisigurado kong ika'y mapapahamak
Basta't may alak, may balak
'Pag may alak, may balakTae. Sino nagpalit ng ringtone ng phone ko? Oh wait..
"LEROOOO!"
"WHAT? MAGANDA NAMAN YUNG KANTA EH!" sigaw niya mula sa kabilang kwarto.
I knew it. Pinakialaman niya na naman phone ko! Hays.
Kinuha ko nalang ang phone ko at sinagot ang tawag. Hindi ko na tinignan kung sino kasi baka di naman importante.
"Hello?"
"..."
Bakit walang nasagot? Prank call ba 'to? Ugh! People these days!
"HOY! KUNG SINO KA MANG PRANK CALLER KA, HUMANDA KA SA'KIN! BABALATAN KITA NG BUHAY TAPOS IPAPAKAIN YUNG LAMAN MO SA MGA IBON SA HIMPAPA-" naputol ang pagbabanta ko nang magsalita na ang nasa kabilang linya.
"Oy, oy, oy! Easyhan mo lang, Fres! Puso mo!" natatawang sagot ng nasa kabilang linya. His voice...
Chain.
"...nahulog sayo." Wala sa sarili kong saad.
"Huh? Ano? Anong nahulog?" tanong niya.
Napailing ako at pinagsasampal ang sarili ko. Jeez, Fres, get a grip!
"Wala, wala. Bakit ka nga pala tumawag?" pag-iiba ko ng usapan.
"Oh... Just asking kung pupunta ka ba sa kasal ko, y'know, mamaya na yun..." sabi niya. Parang nabingi naman ako. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"A-ano... H-hindi ko kasi alam kung makakapunta pa ako. I mean... Sumasakit kasi yung ulo ko tapos meron pa ako... Sorry." pagsisinungaling ko. Hindi ko yata kakayaning makitang ikasal siya sa iba. Baka... Makapatay pa ako.
"Ah ganun ba.." Pansin kong naging malungkot ang tono ng boses niya. "Sige, ayos lang, Fres. Magpagaling ka ha?"
Tumango-tango ako na parang nakikita niya ako at pinunasan ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos. "Sure, Chain. Sorry talaga ha?" sabi ko, trying to sound normal.
"Mm. Ako nga dapat ang magsorry eh." Nagulat naman ako. Bakit naman siya ang dapat magsorry?
"Sorry for breaking your heart, Fres."
Six words lang pero enough na yun para mawasak ang puso ko.
He knew?
Mas lalo akong napaiyak and this time, I have no intention of hiding it.
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...