Chapter 21 - Girls
FRES EVANGELIQUE
Hay nako! Bahala silang mag-away do'n! Nakakairita! Para silang mga bata!
Inis na sinabunutan ko ang sarili ko.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay naaapektuhan ako sa mga away nila. It's not just because they're noisy, but because...
Teka, bakit ka nga ba naiinis, Fres? Hindi ba mas maganda nga na magkaaway-away sila para mawala na sila sa game at para magkaroon ka na ng rason para hindi pakasalan ang isa sa kanila?
Napahawak ako sa ulo ko. I think... I think I'm starting to care for them... Na kahit friendship nila sa isa't isa ay inaalala ko pa. Ugh! No! This is bad. This is really, really bad.
Mukhang kailangan ko na talagang simulan ang una kong plano para hindi ako maitali sa kahit sino.
Inuntog ko ang ulo ko sa pader. My badness! Ang sakit sa ulo! And this physical pain is nothing compared sa headache na nararanasan ko ngayon dahil sa problema ko. Ugh!
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumalabog sa pinto ng kwarto ko.
"Fres! Open the door!" sigaw nila mula sa labas.
Oh. Just great. Nandito na ang mga kumag.
Hindi ko pinansin ang pagwawala nila sa labas. Kasalanan din naman kasi nila kung bakit ako nainis. Mag-away ba naman sa hapagkainan? At ako pa ang pinag-awayan? Tapos iniimagine pa pala nila akong nakahubad? Like what the actual fuck, 'di ba?
Hays. Boys.
"Fres, kapag hindi mo ito binuksan, we'll be forced to knock it down." sabi ng boses ni Hanj. Pati ba naman siya?
I rolled my eyes kahit hindi nila nakikita. As if namang may pake ako kung sirain nila ang pinto ng kwarto ko. At sila pa talaga ang may ganang manira ng gamit?!
"Bahala kayo dyan. Tss." inis na bulong ko habang tinatali nang mahigpit ang kumot sa isa pang kumot. "I'M NOT GETTING MARRIED TO ANYONE OF YOU!"
"Oy, anong pinaplano mo?!" sigaw ni Pin.
Hindi ko siya sinagot at binilisan ang pagtatali ng mga kumot.
"We're giving you 10 seconds to open this door!" rinig kong banta ni Zeron. "10..."
I rolled my eyes. "9! Open this door, Fres!"
"Open mo 'to!"
"8! Fres, please!"
"Please mo 'to."
"7. Nag-aalala na ako, Fres. Please let us in."
"Duh."
"6! Hindi na kami mag-aaway! Promise 'yan!"
"Riiiiight. Like I'll believe that."
"5..."
"4... Fres, last chance mo na 'to."
"Ako pa talaga, huh?" Umismid ako. Ang kapal!
"Stupid! Bakit mo sinabi 'yon?!"
"Tsk."
"3!"
"Ready na kami, Fres! Sisirain namin 'tong pinto mo!"
"Yeah, yeah..."
Last na lang...
"2..."
And done!
"1!" Pagkasabi nila no'n ay nakangiti akong tumalon at... Naglaho.
***
THIRD PERSON POV
"1!"
Kamuntikan nang matanggal mula sa pagkakakabit ang pinto sa pintuan nang sabay-sabay nilang sipain ito. Nagmamadaling pumasok ang mga binata.
"NASAAN SIYA?!" nagtataka at gulat na sigaw ni Pin.
"As expected and as... usual." sabi ni Zeron at ipinakita sa kanila ang pinagtali na mga kumot. Ito ang ginawang lubid ni Fres para makababa mula sa third floor ng mansion.
"May guards sa buong lugar. We can still get to her. She can't pass those guar–" Naputol ang sasabihin ni Pin nang magsalita si Karma.
"She's the Gangster King's daughter." saad ni Karma as if it was the explanation for everything.
"Yeah. Malakas siya, Pin. She wouldn't be called like that for nothing." pagsang-ayon ni Geo sa sinabi ni Karma.
"Then what do you guys suggest we do?" tanong ni Pin. "Alangan namang hayaan natin siyang makatakas. Edi pare-pareho tayong nawalan dito."
"True. I'm sure na kagagalitan tayo ng mga pamilya natin kapag nalaman nilang natakasan at natalo tayo ng isang babaeng ayaw matali." tumango-tango si Geo.
Ngumunguya na nagkomento si Miiko, "Hanapin na kaya natin siya? Mas lalo lang niya tayo matatakasan kapag hindi pa tayo kumilos ngayon."
"What about the plan? Wala ba tayong plano?" tanong ni Zeron.
"We have cellphones. Let's talk about the plan there. Tama si Miiko, kailangan muna nating mahanap si Fres..." sabi ni Hanj.
"Kasi kapag natakasan niya tayo, we're done for good." dugtong ni Lomi sa sinabi ni Hanj.
"Something like that..." Medyo natigil si Hanj. "Anyway, tara na! Tatawagan ko na lang kayo para ipaalam ang plano. Sa ngayon, let's split up!"
"Alright."
Mula doon ay naghiwalay ng landas ang pitong binata.
"Since when did he become the leader? Tss." inis na bulong ni Zeron sa sarili habang papunta sa garden. Doon niya naisip na hanapin si Fres dahil alam niyang mahilig ito sa mga bulaklak at baka doon lang din siya nagtatago.
***
"Akala nila makukuha nila ako? Tsk! In their dreams!" inis na bulong ni Fres sa sarili habang nilalakad ang malaking gubat sa likod ng mansion.
Sa pagkakaalam ni Fres ay mayroong labasan sa dulo ng gubat na ito. At alam niyang walang bantay doon dahil sila lang ng Daddy niya ang nakakaalam ng secret passage na ito at panigurado ay hindi maglalagay ng bantay ang Daddy niya doon sa kadahilanang may tiwala siyang hindi naman tatakas si Fres.
Tiwala...
"Kapag ginawa ko 'to... Masisira ang tiwala ni Daddy sa'kin. Baka... baka masaktan ko siya sa gagawin ko..." Napatigil si Fres sa paglalakad nang pumasok ito sa isip niya.
Sa kakaisip ni Fres ay hindi niya napansin na may nakamasid sa kanya. Isang pares ng kulay asul na mga mata ang nakatingin sa kanya. At sa mga labi nito ay may nakasilay na ngiti.
"Fres Evangelique Hanzelle..." sambit niya. "Sa wakas, nakita na kita."
BINABASA MO ANG
Kill For The Gangster King's Throne (2016)
General FictionUNDER MAJOR REVISION BOOK COVER ILLUSTRATION BY: GWill Fres Evangelique Hanzelle grew up to be the Gangster King's daughter with pride, but the day came when she has to follow traditions. And that tradition is to find a husband to marry. To find the...