Volunteer
The wounds on my wrist are still fresh... but the urge to do it is here. I have to... I started to cut my wrist again... I deepened the cut this time... I didn't stop until I saw my own blood—until I saw how bloody my wrist was.
Hindi ako tumigil sa pananakit sa aking sarili hanggang hindi tumatarak ang sarili kong dugo mula roon... ito na naman ako... para bang naging hobby ko na ang saktan ang sarili ko... ang mag laslas sa tuwing patong-patong ang mga problemang hinaharap ko... para bang napapagaan nito ang damdamin ko.
I need to vent out... I need to vent my anger and pain somewhere else. I need to cope with everything I've been through... All I can do is cut my wrist... to hurt myself... I wanted to feel the physical pain until I became numb from all of these... I wanted to see the blood on my skin. It satisfied me somehow.
Sunod-sunod na lumandas ang aking mga luha... marahas ko iyong pinahid. Mas lalo ko pang nilaliman ang hiwa sa aking palapulsuhan... hanggang tuluyan na ngang tumarak ang sarili kong dugo sa tiles ng aking banyo. Tumagal ang tingin ko roon bago ko tuluyang binuksan ang gripo para maghilamos.
Nang kumalma ako ay agad ko ring hinugasan ang sugat ko gamit ang sabon bago ko ito nilagyan ng band aid.
Hinatid ako ni Sylas dito sa apartment ko. Mukha naman siyang mabait... kaya sa huli ay pumayag din ako. Tama rin naman siya... madilim at delikado na kung maglalakad pa akong mag isa.
Tanging ang apat na sulok lang ng kwartong ito ang tunay na nakakaalam sa kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman... saksi ang bawat sulok ng kwartong ito sa mga hinagpis at iyak ko... saksi ang mga sulok na ito sa emosyong pilit kong tinatago sa harap ng maraming tao... ang mga luhang nakatago sa likod ng matamis kong mga ngiti.
I felt bad for the younger version of me... I felt bad that her future self would be miserable like this. I wished I could have warned her about the mistakes she would make and the pain she would have to endure alone.
Those promises I made to myself—those promises of tomorrow I made to my 10-year-old self—were made to be shattered. The future of our tomorrow is not what we imagined before; it's far from what we expected.
Life is unpredictable and full of surprises, and sometimes our plans and dreams don't align with reality.
Hindi ko maiwasan hindi mainggit sa mga taong sigurado sa kanilang buhay... yung tipong alam na alam nila ang daan kanilang tinatahak. Sigurado sila sa kung ano nga ba talaga ang gusto nila... samantalang ako, hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko o kung meron nga ba talagang patutunguhan itong daang tinatahak ko.
If this path is really meant for me... my future is a total black hole of despair.
What becomes more scary as we grow up is the fear of being unsuccessful and not having your life turn out the way you planned. Everyone is having their best life, living with set goals, while you're just breathing. You feel empty and lost; you are still finding yourself while everyone else is already successful.
Physical education ang aming first subject para sa araw na ito. Nandito kami ngayon sa may gym... nakaupo kami sa mga bleachers. Pinapanood namin mag training ang mga basketball team. Hindi nagtuturo ang prof namin, pero required manood ng practice game para na rin sa attendance at dagdag points sa quizzes.
Kumunot ang noo ko nang biglang kumindat sa akin si Sylas.
May hawak itong bola at tumakbo na ulit pabalik sa court.
''Nakita ko 'yon! Kitang-kita ng dalawang mata ko, Milagros!'' Si Ange sa gilid ko. ''Kumindat sa'yo si Sylas!'' dagdag niya pa.
''K-Kilala mo siya?'' pabulong kong tanong sa kaniya.