Kabanata 26

687 9 2
                                    

Kare-kare

Magkikita kami ngayon ni mommy. Nag text siya sakin na gusto niya ako makita at kamustahin. Nandito ako ngayon sa isang restaurant dito sa Alabang.

Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay nagka-ayos na kaming mag ina.

''Milagros...'' bati sakin ni mommy. Umahon ako mula sa pagkaka-upo at humalik sa kanyang pisngi.

Marahan hinawakan ni mommy ang aking kaliwang siko at nilingon ang lalaki sa likuran. Katulad niya ay napalingon din ako rito. Matangkad ang lalaki at maputi. Natural ang kulay asul na mga mata.

''Ruzzel... I want you to meet my daughter,'' ngumiti nang matamis sa akin si mommy. ''Mila, anak... this is Ruzzel. Siya ang fiance mo,'' tila nabibingi ako sa huling sinabi niya.

''P-Po?''

''Mommy... ano bang sinasabi mo? May boyfriend na ako!''

''I know, anak... pero mahahawa ka lang sa lalaki na 'yon! May v-virus ang lalaking 'yon!'' napalakas ang boses ni mommy. ''I heard he has HIV! Isang malaking kahihiyan!'' pagpatuloy niya pa.

''Mommy! Boyfriend ko si Sylas! At wala siyang virus! Hindi nakakahawa ang sakit niya!''

''Umasa ko mommy eh...'' bakas ang pagkadismaya sa'king boses. ''Umasa ako na tinuturing mo na nga akong anak... umasa ako na magbabago na ang turing mo sakin... M-Mommy... nakakahiya? Mommy! Si Sylas ang yumakap at tumanggap sakin! Siya lang ang tinanggap ako sa panahon maski ako diring-diri sa sarili ko! Siya lang ang hindi humusga sakin! S-Siya lang ang pinakinggan ako nong mga panahon ayaw mo akong pakinggan!'' pinahid ko ang luhang lumandas sa aking mga mata at mabilis na kinuha ang small pouch ko, para umalis na rito.

Yes, Sylas was infected by the human immunodeficiency virus (HIV) and is currently undergoing treatment. His being infected doesn't mean he has a virus! It means that he needs support and understanding from those around him. We have to understand that people who have HIV don't mean they may cause harm to anyone, as HIV is not easily transmitted through casual contact.

It's important to educate ourselves and others about the facts of HIV transmission to reduce stigma and support those living with the virus.

My heart was throbbing in pain with every word that my own mother uttered. I felt a deep sense of betrayal and hurt as her words cut through me like a knife.

Nobyo ko si Sylas... hindi niya dapat pinagsalitaan nang ganun ang lalaking mahal ko dahil mas nasasaktan ako.

Pag-uwi ko ay naabutan ko si Sylas na abalang nililinis ang apartment namin. Mabilis niyang tinabi ang gamit panglinis nang makita ako. Kumunot ang noo niya. Marahil ay napansin niyang umiyak ako.

''Sorry nahuli ako... bumili pa kasi ako ng pasalubong,'' pilit kong pinapasigla ang aking boses.

Lumakad siya sakin at hinila ako para yakapin. ''Anong nangyari?''

''Bakit ka umiyak? A-Anong ginawa ng mommy mo sayo?'' sunod-sunod niyang tanong sakin.

Kumalas ako sa yakap at ngumiti. ''Nako! Lalamig itong ginataan dala ko!'' hinila ko siya. ''Halika... kumain na muna tayo ng merienda!'' nakangiti kong wika.

''Milagros...'' doon na tuluyan bumuhos ang mga luha kanina ko pa pinipigilan.

Wala siyang sinabi. Hinila niya muli ako para ikulong sa kanyang mga bisig. Mas lalo akong umiyak nang maramdaman ang maingat niyang paghagod sa aking buhok.

''Nandito na ko... nandito lang ako, Mila.''

Pinunasan ko ang luha ko. ''M-Masaya lang ako, Sylas... masayang-masaya lang ako kasi sa wakas maayos na kami ni mommy...'' pagsisinungaling ko.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon