Kabanata 17

2.4K 28 1
                                    

Life

''Mila, saan ang flight mo ngayon?'' tanong sa akin ni Ange habang nag aayos siya ng kaniyang buhok.

Ngumuso ako. ''Uhm, Singapore... ikaw ba? Saan ang flight mo ngayon?''

Bumuntong-hininga siya. ''Buti ka pa, medyo malapit lang! Sa Belgium ang flight ko ngayon. Tapos makakasama ko pa sila Carol!'' reklamo niya.

Kung sa bagay mahirap nga talaga kapag malayo ang flight mo. 13 hours and 15 minutes din ang biyahe mula Manila papuntang Belgium. Nakakangalay at nakakapagod na biyahe. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay nagpaalam na ko kay Ange. Ala una y media ang flight ko ngayon. Hila-hila ko ang luggage ko at matamis na ngumiti sa mga kasamahan.

I'm working as a flight attendant here at Philippine Airlines after being lost for so long. I was finally able to find myself again. After being stuck in a dark circle, I was able to get out and achieve my dream. Tunay ngang hindi pa huli ang lahat, basta ba ay may pangarap ka. It doesn't matter if you delay your dream; what matters most is that you've achieved it either way. Kaya wag kang mahiya kung nahuli ka sa kanila, ang importante ay nakamit mo pa rin ang tagumpay sa huli.

Ako ang chief para sa flight na ito. Kinuyom ko ang mga kamao ko at bumuntong-hininga. Saglit akong pumikit, pagkatapos ay tumango sa aking sarili. Tumagal din ang titig ko sa palapulsuhan ko. Kumpara noon na puro kalmot at laslas ito... malinis na ito ngayon.

Kaya mo 'to, Milagros!

''Magandang umaga po sa inyong lahat buong puso po namin kayong tinatanggap dito sa PR509 patungong Singapore, Mabuhay! Ladies and gentlemen, this is PR509, and we are departing for Singapore. In command of this aircraft are Captain Martinez and First Officer Carter. This is your flight purser, Milagros, and your flying time is approximately 3 hours and 15 minutes. We shall cruise at an altitude of 36,000 feet. a warm welcome to our Mabuhay milers on board.''

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumalik na ulit ako sa pwesto ko. Sumunod sa akin ay si Loraine para ipakita ang safety demonstration para sa mga pasahero. Isa-isa naming inassist ang mga pasahero. Maya-maya lang ay hinatid namin ang pagkain para sa mga pasahero. Tulak ko ang cart nang mapansin kong nahihirapan ang isang batang babae sa pagtanggal ng kanyang seatbelt. Mukhang pupunta ito sa toilet room. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. Tinulungan ko siyang matanggal ang kaniyang seatbelt. Nang matapos ay ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Binigyan ko rin siya ng isang kendi. Nahihiya niya iyong tinanggap. Muli siyang nagpasalamat sa akin at pumunta na sa toilet room ng eroplano. Sa bawat assist ko sa mga pasahero ay nakangiti ako. Matamis ang ngiti kong pinagsisilbihan sila.

Doon ko narealize na... kapag gustong-gusto mo talaga ang ginagawa mo. Kahit nakakapagod ang trabaho ay hinding-hindi ka makakaramdam ng pagod, dahil gusto mo ang ginagawa mo. Kumbaga, ito ang tinatawag nilang passion. Once you love what you're doing, tiredness will never come to mind; you'll never feel tired at all.

This is the kind of life I want—the kind of life that I've been dreaming of—the kind of life I promised to my 10-year-old self.

With every step we take towards our dreams, it also involves the problems we will face—an obstacle that will make us stronger. No matter how hard life is for you, you shouldn't give up. Remember, it's okay to rest; it's okay to slow down your progress toward success. What matters in the end is that you reach the pinnacle of success. No matter how hard life is, giving up should be the last of our choices.

Success is not just about achieving our goals; it's also about the journey we take to get there. Every challenge we face is an opportunity to learn and grow, making us stronger and more resilient in the end.

Nang mag landing ang eroplano namin sa Singapore ay binigyan kami ng tatlong oras para mag libot-libot sa paligid. Pero ako minabuti ko na lamang magpahinga sa Hotel room ko. Habang ang halos lahat ng kasamaan ko ay lumabas para bumili ng pasalubong para sa mga mahal nila sa buhay, kasama na roon ang kanilang pamilya. Sa huli ay naisipan kong ring mag libot-libot.

Tumagal ang tingin ko sa isang souvenir. Bracelet ito na pang couple. Cupid arrow ang design nito. The heart is shattered when it's separated from another bracelet, pero kapag pinagdikit muli sila sa isa't isa, it becomes whole again, like a perfect heart. Suddenly, I remembered him. I'm only complete when I have him. I decided to buy it for the two of us. Pagbalik ko sa Manila ay bibisitahin ko siya sa kulungan, para ibigay itong pasalubong ko sa kanya.

Gabi na rin nang maglanding ang eroplano namin pabalik ng Manila. Nang matapos ang trabaho ay doon ko lang naramdaman ang pagod. Mabilis akong nakatulog. Kinabukasan ay wala akong pasok sa trabaho. Gaya ng nakagawian, kapag wala akong flight ay binibisita ko siya sa kulungan... para kamustahin, at dahil na rin namimiss ko siya.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Agad kong kinuha ang telepono at tinapat iyon sa tenga ko. Umupo siya at tumikhim, bago niya kinuha ang telepono upang ilagay sa kanyang tenga.

''You don't have flight?'' tanong niya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling sa kaniya. ''Wala akong pasok ngayon. Kahapon ay sa Singapore ang flight ko. Mabuti na rin. At hindi masyadong malayo, hindi katulad kay Ange. Sa Belgium ang flight niya kahapon,'' binuksan ko ang dala kong paper bag at kinuha ang pasalubong ko sa kanya.

Pinaabot ko 'yon sa pulis na nakabantay. Nang mahawakan niya 'yon ay kumunot ang kaniyang noo.

''Bracelet?'' tumango ako sa kanya at pinakita ang suot kong bracelet na kapartner ng binigay ko.

Ngumuso ako. ''It's a... couple bracelet,'' ramdam ko ang pamamara ng aking lalamunan. ''Ikaw ang naalala ko nang makita ko 'yan... I mean, tayong dalawa, Sylas... I only complete, when you're around... when I have you...''

''Uhm, nakausap ko si Attorney Clemente, isa siya sa pinakamagaling na Attorney sa bansa... ang sabi niya sa akin may posibilidad daw bumaba ang sentensya mo dahil self-defense naman ang nangyari... dagdag mo pang malinis ang record mo sa loob ng kulungan,'' umiling siya sa akin.

Batid ko ang galit sa kanyang mga mata. ''Mila, hindi self-defense ang nangyari. It was my intention to kill him!'' napalakas ang kaniyang boses.

''Hindi mo na dapat kinausap si Attorney tungkol dito. Habang buhay na pagkakakulong ang hatol sa akin, Mila. Imposibleng makalabas pa ko rito at handa akong pagbayaran ang kasalanan hinding-hindi ko pinagsisihan gawin,'' malamig niyang sinabi.

Yumuko ako. ''Sylas... hindi mo naman kailangan parusahan ang sarili mo nang paulit-ulit. Hindi mo kasalanan ang ginawang kahayupan sa akin ng tunay mong ama... hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan,'' hinuli ko ang mga mata niya, lumambot ang tingin niya sa akin. ''Sylas, ikaw... ikaw ang nagligtas sa akin... ikaw ang nagbigay sa akin ng rason... ikaw ang nagparamdam sa akin na deserve ko palang sumaya... na deserve ko palang mahalin at magmahal.''

''I love you, Sylas. I still do... I come to think of it, we weren't given a chance to prove our love to each other... I never announced how much I'm in love with you too. I never had the chance to make you feel my love for you, and now I refuse to do anything. I refused to accept our harsh fate. I still wanted to be with you...''

''A-ayaw mo bang makasama ako? H-Hindi mo na ba ko mahal?'' gumaralgal ang boses ko.

He sighed in the other line. Batid mo ang pangungulila sa kanyang mga mata. ''I love you, Milagros. Wait for me there. I'll come to you once I have a chance. Sa'yo agad ako unang pupunta, kapag nakalabas ako rito...'' napapaos niyang sinabi sa kabilang linya.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Kasabay nito ang paglandas ng aking mga luha. Yumuko ako at umiyak sa harap niya... umiiyak ako hindi dahil sobrang sakit. Umiiyak ako dahil sobrang saya ng puso ko.

''Wag ka ng umiyak... hindi ko mapupunasan ang mga luha mo,'' malambing niyang wika.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Sabay kaming tumawang dalawa. Sinuot niya ang bracelet na binigay ko.

''I like it. No, I love it. It's like I'm only meant to be shattered when I'm away with you—that no matter how painful it is to be with you, it's only you who can complete my shattered heart to pieces. I love you, Milagros,'' mas malambing niyang wika.

By staring at his face, I imagine us being married to each other, having our children, and building our own family, and that's the life I truly want—a life beside him, where there's no pain we need to endure but only happy memories we'll cherish in our lifetime.

Matamis akong ngumiti sa kaniya at ganun din siya. Kapwa namin tinitigan ang isa't isa. Parehong nangungulila na mayakap at makasama ang isa't isa.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon