Kabanata 11

2.9K 45 2
                                    

Unworthy

Ngayon araw ay plano kong sagutin si Sylas.

Hinintay kong matapos ang practice nila. Kanina pa umalis ang mga ka-teammates niya, pati na rin ang coach nila. Wala naman akong pasok ngayon sa trabaho kaya ayos lang maghintay ako. Tanging kaming dalawa na lang ni Sylas ang naiwan sa loob ng gym... kaming dalawa ang huling lumabas. Sinigurado niya munang nalock niya ito ng maayos bago kami tuluyang umalis.

Pareho kaming tahimik na dalawa habang naglalakad. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinarap siya.

''Sylas, sinasagot na kita. Tayo n—'' nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ang kanyang sinabi. Halos sabay kaming nag salitang dalawa.

''Mila, ayoko na...''

My brows furrowed. Katulad ko ay tumigil din siya sa paglalakad.

''Ayoko ng abutin ka.''

Parang may kung anong gumuhit sa dibdib ko sa kanyang huling sinabi. ''Mabuti pa siguro itigil na natin kung ano mang meron sa ating dalawa... itong panliligaw ko sa'yo... mabuti pa sigurong tumigil na ako,'' dagdag niya ng mas kinadurog ng puso ko.

Bumaba ang dalawang mata ko sa aking sapatos. Kasabay nito ang paghihigpit ng hawak ko sa laylayan ng aking uniporme. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago siya muling hinarap. Pakiramdam ko ay na mali ako ng dinig... para akong nabingi sa mga narinig ko. Nanatiling nakaawang ang aking mga labi, walang salitang gustong lumabas mula roon.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. ''Nakakatawa naman yang biro mo!'' hinampas ko pa ng bahagya ang kanyang braso at tumawa pero nanatiling blangko ang expression ng kanyang mga mata.

I swallowed hard. ''A-Ayaw mo na?''

Muli akong yumuko at napalunok sa aking sarili... para bang may malaking nakabara ngayon sa lalamunan ko. Muli ko siyang hinarap. Nangapa ako ng emosyon sa mga niya... pero wala akong makitang kahit anong emosyon mula sa kaniya.

Nanatiling blangko at malamig ang tingin niya sa akin... ibang-iba sa Sylas na nakasanayan ko... ibang-iba sa Sylas na mahal na mahal ako.

''B-Bakit? Bakit biglang ayaw mo na?'' naguguluhan kong tanong sa kanya.

''Anim na buwan... anim na buwan, Sylas...'' I trailed off as my voice began to crack. ''Itatapon mo lang nang ganun-ganun lang? B-Bakit? Ipaintindi mo naman sa akin, oh? S-Saan ka napagod? Bakit biglang ayaw mo na? O-Okay naman tayo, diba? Hinatid mo pa nga ako sa apartment ko kagabi... t-tapos kumain pa tayong dalawa sa fast food na pinagtatrabahuhan ko! Tapos nung isang araw lang pumunta tayo ng amusement park! Ang saya-saya pa nga nating dalawa, diba? B-Bakit biglang ganito? Pati kahapon masaya tayong dalawa! Okay na okay tayo, Sylas... okay na okay... b-bakit biglang ayaw mo na? P-Pagod ka na ba sa akin?''

Ramdam ko ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. Muli akong yumuko sa kanya.

''P-Pati ikaw... pagod na rin sa akin?'' tuluyan ng lumandas ang mga luha ko.

Nanatili ang tingin ko sa aking sapatos habang sunod-sunod na umaagos ang aking mga luha. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kapiranggot na tela ng aking uniporme.

''N-Nakakapagod ba talaga akong mahalin, Sylas?''

''P-Pagod ka na bang intindihin at patahanin ako? P-Pagod ka na bang makita akong umiiyak at sinasaktan ang sarili ko? Akala ko ba mahal mo ko... s-sabi mo diba, mahal mo ko? Pero bakit ganito? B-Bakit biglang ayaw mo na?''

''Oo, Mila! Nakakapagod kang mahalin!'' mas lalong bumuhos ang aking mga luha ng sigawan niya ako... ito ang unang beses pinagtaasan niya ako ng boses.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon