Kabanata 27

590 9 0
                                    

Survivor

"Mila..." mahina nyang tawag sa ngalan ko. "Mahal na mahal kita... I'm s-sorry, I'm sorry... I'm s-sorry, Mila," tuluyan nang nabasag ang kanyang boses.

Muling pumatak ang aking mga luha. Inalo ko siya at mas lalong yumakap sa kanya. "Sylas, why are you saying sorry? Please... stop... I l-love you, okay?"

"Ayaw kong umalis. Huwag mo kong itaboy... ayaw ko. Dito lang ako. Kung nasaan ka, gusto ko nandon din ako. Mahal kita, Sylas. Kaya, please..."

He heaved his chest and sighed. Malamlam nya akong tinignan bago ay pinunasan nya ang mga luhang pumatak sakin kanina. Pumikit ako at naramdaman ko ang kanyang malambot na labi saking noo.

"Magpahinga na tayo, Mila. Lumalalim na ang gabi."

Hindi ko susukuan si Sylas.

Kinabukasan ay tumungo ako sa isang orphanage para maipamahagi itong mga pagkain, laruan at damit. Pagkarating ko roon ay agad akong binati nila Sister Rona at Sister Shane.

"Milagros, mabuti ay nakadalaw ka!" Si Sister Shane.

"Naku, iha! Ang tagal ka na nilang hinihintay! Halika, sasamahan kita sa mga bata."

"Pasensya na, Sister. Naging abala kasi sa trabaho. Pati na rin sa pag aalaga kay Sylas."

"Kamusta na pala ang lagay ng nobyo mo, Mila?" Si Sister Rona.

"Hayaan mo palagi namin ipagdadasal kayong dalawa ng nobyo mo," ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

Naabutan namin ang mga batang abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa. Ang iba sa kanila ay naglalaro at ang iba naman ay nagkukulay. Pero may isang batang babae na pumukaw saking atensyon. Siguro nasa apat na taon pa lamang ito. Mag isa syang nakaupo sa batuhan. Nakayuko at may hawak na lollipop. Lumapit ako sa gawi nya.

"Hi, ako si Ate Mila... uhm, gusto mo tulungan kitang buksan yan?"

"A-Ayaw... ayaw ko nitong lollipop," iyak nya at tinapon ang lollipop sa damuhan.

Lumapit sila Sister at inalo ang bata. Binuhat ni Sister Rona ang batang umiiyak. Palakas nang palakas ang hikbi nito. Tila takot at nanginginig na ang mga balikat.

"Siya si Mira... kalunus-lunus ang inabot nya sa kamay ng kanyang sariling kapatid," wika ni Sister Shane sa tabi ko.

"Ginawang parausan ng kapatid niya si Mira. Ang kwento ng bata samin palagi raw siyang pinapahubad ng kanyang kuya at pinapasubo ang ari nito sa kanya na parang lollipop..." tumuro si Sister Shane sa isang batang babae na nasa sampung taon na ata ang edad. "Siya naman si Mica... kapatid ni Mira. At katulad din nito ginagawa rin siyang parausan ng kanilang kuya. Base sa kwento ni Mica samin... maski ang mga kaibigan ng kanyang kuya ay ginalaw sya. Maraming beses... paulit-ulit,"

Parang may kung anong gumuhit bigla sa dibdib ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Muling bumalik sakin ang masalimuot na alaala. Hindi ko na namalayan tumutulo na pala ang aking mga luha.

"Nakakulong na ang kuya nila Mica at Mira... pero tinutugis pa rin ng mga pulis ang mga kaibigan nitong gumahasa rin kay Mica... Lima silang gumahasa sa anim na taon si Mica," napatakip ako saking bibig.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon