Kabanata 21

1.8K 19 1
                                    

Lied

Isang suntok sa aking sikmura ang muli kong inabot sa kanya. At mukhang hindi pa siya nakuntento roon dahil marahas niya akong kinuwelyuhan bago ay tumama ang kanyang kamao sa aking mukha.

Halos matumba ako sa lakas ng kanyang suntok. Humawak ako sa magkabilang tuhod ko, para suportahan ang aking sariling balanse.

Kapwa hingal at mabigat ang aking paghinga.

Hindi pa man din ako nakakarecover mula sa kanyang mga suntok ay sinipa naman niya ako sa tagiliran. At doon na tuluyan akong bumagsak sa malamig na semento.

''Putangina mong bata ka!''

''Kahit kailan wala ka talagang silbi!'' tila umuusok ang kanyang ilong sa sobrang galit.

Napabaluktot ako ng marahas niyang sipain ulit ang aking sikmura.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Halos mamilipit ako sa sobrang sakit. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkalam ng aking sikmura.

Isang sipa muli sa aking tagiliran ang kanyang ginawad sa akin. Mas lalo akong napabaluktot sa malamig na semento. Habang ang kapatid ko naman si Isabel ay nandoon lang sa ilalim ng kahoy naming lamesa batid ko ang takot sa kanyang dalawang mata.

Nangangatog ang kapatid ko sa sobrang takot sa aming sariling ama. Tahimik itong humihikbi habang sinusuksok ang sarili sa ilalim ng aming lamesang kahoy.

Ganun palagi ang nakasanayan kong buhay mula sa mga bakal na kamay ng aking sariling ama. Sa tuwing nalalasing ito ay walang awa niya akong binubugbog. Ilang suntok sa aking sikmura, maski na rin sa mukha ang inaabot ko sa aming ama. Pati na rin ilang sipa sa iba't ibang parte ng katawan ko... iba't ibang klase ang nararanasan kong pagmamaltrato mula sa kanyang mga kamay.

Pero kung tutuusin mas pabor na sa akin iyon dahil hindi ko maatim ang kapatid kong si Isabel ang magdusa, tama ng ako na lang ang pagmalupitan niya!

Maski na rin ang paulit-ulit niyang panunumbat sa aming dalawa ng kapatid ko.

Limang taon gulang lamang ako nang mamatay ang nanay namin ni Isabel. Simula non ay ako na ang tumatayong magulang para sa aming dalawa ng kapatid ko.

Sa edad na walong taong gulang ay natuto akong magnakaw... kailangan kong magnakaw para meron kaming pantawid gutom ng kapatid ko sa kumakalam naming sikmura. Habang tatlong gulang pa lamang si Isabel... wala pa siyang kamuang-muang sa tunay na hinagpis at pait ng mundong ginagalawan namin.

Habang ako naman ako ay sa murang edad ay kailangan kong maging mulat... sa murang edad ay kailangan kong masikmura ang pagiging isang kriminal. Kailangan kong matutong magnakaw!

Nakaw dito... nakaw doon! Ganun ang klase ng mundong nakasanayan at kinalakihan ko!

''Tangina mong bata ka!''

''Ang dali-dali na lang ng pinapagawa ko sa'yo, hindi mo pa nagawa!'' hasik niya sa akin sabay suntok sa aking sikmura.

''Tatanga-tanga kang depungal ka! Putangina! Pera na naging bato pa! Peste! Wala ka talagang silbi!''

''Pareho lang kayo ng nanay mong pokpok at kaladkarin!'' kinuyom ko ang kamay ko sa kanyang sinabi.

Marahas niyang sinipa ang kahoy na upuan sa harap ko.

Nanatili ang madilim kong tingin sa sahig. Nang umalis siya ay mabilis kong pinuntahan ang kapatid na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa sobrang sa takot. Banayad kong tinawag ang kanyang pangalan pero mas lalo lamang niyang siniksik ang kanyang sarili sa pinaka dulo ng lamesa.

''Isabel, halika na...huwag ka ng matakot.''

''Lumabas ka na dyan sa ilalim ng lamesa. Hindi ba... sinabi naman sayo ni Kuya mo na poprotektahan ka niya? Kaya kahit ilang suntok at sipa pa ang aabutin ko sa kanya ay ayos lang.''

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon