Kabanata 8

1.9K 27 0
                                    

Free

Sylas carefully holds both of my hands while I follow his breathing. I feel my own breath start to slow down as I synchronize it with his, and a sense of calm washes over me. It's like we're in our own little world, just the two of us, and nothing else matters.

''Inhale... exhale...'' sinundan ko ang bawat paghinga niya. "Breathe, Mila... breathe," pag uulit niya pa.

''That's right, Mila. Breathe... inhale... exhale... You're doing great; you're strong, you're brave, and you're safe.''

Dahan-dahan akong tumango sa kanya hanggang ngayon ay habol ko pa rin ang mabigat kong paghinga. Ang dalawang balikat ko ay ganun pa rin... kapwa pa rin sila nanginginig. ''I-I.. I am strong... I-I am brave... I am s-safe...'' nahihirapang wika ko.

Banayad niyang hinaplos ang aking mga kamay. Ginawa ko ang kanyang sinabi... sinabayan ko ang bawat paghinga niya... sabay tumataas-baba ang aming mga balikat. Hanggang sa unti-unti na akong kumalma. Marahan niya rin pinunasan ang aking mga luha at muli akong kinulong sa kanyang mga bisig. Pagkatapos ng ilang oras ay hinatid din ako ni Sylas sa apartment tinutuluyan ko. Hindi siya nag tanong sa akin... wala siyang tinanong sa akin kahit na ano... hinintay niya lang akong kumalma.

Tinulungan niya ako sa pagtanggal ng aking helmet. Salubong ang dalawang makapal niyang kilay habang inaalis ang lock a helmet na suot ko.

I felt a lump on my throat as I struggled to utter a word to him... I swallowed hard. ''Uhm, Sylas... t-thank you...''

''Para saan?''

''Uhm... about earlier... y-you helped me to calm down... I-I had a panic attack...''

''I-I remember something terrible happened to me in the past... palagi kasing ganun kapag masaya ako... palagi rin binabawai sa akin agad... yung mga alaalang pilit kong tinatakbukan... yung mga alaalang gustong-gusto kong ibaon sa limot... paulit-ulit ako binabalikan...'' tumawa ako nang bahagya at yumuko sa kanya. ''Para bang bawal akong maging masaya... dahil babalik at babalik sa akin ang mga alaalang gusto kong takbuhan at kalimutan...''

Humigit ako ng isang malalim na paghinga. Umangat din ang tingin ko sa kanya. Nanatiling nakaawang ang kanyang mga labi... pero wala akong salitang narinig mula sa kaniya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinintay kung meron man siyang sasabihin... pero mukhang hinihintay niya ako kaya nagpatuloy ulit ako sa pagsasalita.

I smiled at him. ''Happiness is never my thing, Sylas... I was never familiar with that word. I never imagine myself to be content or loved by anyone. I am not capable of being loved, taken care of, or happy. I'm not worth it for that... All I could see was darkness. My life is a whole black of despair... madilim ang mundong ginagalawan ko. I feel like I'm in a circle... It's like I'm constantly walking in circles with no end in sight... I don't know how to love, Sylas... I'm not familiar with what love is... I was never familiar with that emotion... Do you still like me?''

Ramdam ko ang pamamara ng aking lalamunan. Pati na rin ang paninikip ng aking dibdib... ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko... pero sinubukan ko pa rin magpatuloy sa aking sinasabi.... Kahit nahihirapan na akong magsalita. Nanatiling nakaawang ang mga labi ko... pilit akong nangangapa ng mga tamang salita. Mahigpit ang hawak ko sa kapiranggot na tela ng aking uniporme bago ay bumaba ang tingin ko sa aking mga sapatos kasabay ng unti-unting paglandas ng aking mga luha. Tahimik akong umiiyak ngayon sa harap niya.

''G-Gusto mo pa rin ba ako, Sylas?''

''K-Kahit sabihin kong... pinagsamantalahan ako?'' mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Patuloy na lumalandas ang aking mga luha. ''Sylas, marumi akong babae... I-I was raped... I couldn't stand to see my own reflection! Hindi ko maatim tingnan ang sarili ko sa harap ng salamin! I'm disgusted with myself! Diring-diri ako sa sarili ko... kahit anong ligo ko! Kahit anong kuskos ko! Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko pa rin! S-Sa tuwin tumitingin ako sa salamin... h-hindi ko makita ang sarili ko! All I can is how I was being molested... how I was being forced by my own uncle!''

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon