Meant
Sabi nila wala raw ibinigay ang Diyos na pagsubok na hindi natin kayang harapin. At ang bawat problemang hinaharap natin ay nagmistulang instrumento sa atin... para sukatin kung hanggang saan ang pananampalataya natin sa kaniya. Para bumangon at magpatuloy sa buhay.
The more life gives us hard times, the more we must pray and talk to him. When we're happy, we pray to thank him. When we're in pain, we pray to vent our suffering, asking and begging God to stop our pain. There were also times when we doubted him and questioned our faith in him.
Marami sa atin, at isa na ko roon. Ang naalala lang siya kapag sobrang sakit na, kapag hindi na natin kaya ang sakit. Sa tuwing nahihirapan tayo doon lang natin siya nilalapitan.
All my life I was in distress. The only color I see is black, and the only emotion I feel is emptiness. I couldn't love, and I couldn't be happy. All my life, I have been harsh on myself. Chance is given to those who deserve it—those who deserve to have another chance to live, and I'm one of them. I was given a chance to live again, to forgive, to forget, and to heal.
Sinalubong ko ng may ngiti sa aking mga labi ang mga bigating guest namin ngayon sa Hotel.
''Good day, ma'am and sir!''
''We're looking forward to your stay here at our hotel. Please follow me. I'll tour you around our hotel. This way, please.'' nakangiti kong sinabi.
''Anika, pakisabihan naman sila Harold na ihatid ang mga luggage ng guest natin sa VIP room,'' dagdag ko pa at muling ngumiti.
Tumango siya sa akin. ''Yes, ma'am,'' agap niya.
Nauna na ako sa paglalakad. Habang nakasunod naman sa akin ang mga bigatin naming kliyente ngayon sa Hotel.
Una kong pinakita ang entertainment area ng hotel. Sumunod ang gym area, pati na rin ang pool area. Pinakita ko rin sa kanila ang mga seminar na inooffer ng hotel namin. I also show them their respective rooms. Na mukhang pare-pareho naman nilang nagustuhan. Ang bawat gamit sa sulok ng kwarto na 'to ay mamahalin at halos lahat ay automatic. May malaking kama. May jacuzzi, at shower sa loob ng banyo. Ang mga ilaw ay puro mamahalin at elegante chandelier. Kumpleto ang mga gamit, at meron ring walking closet. Meron ding sariling pantry ang loob ng room na ito. May malaki ring veranda kung saan makikita mo ang kabuuan ng paligid ng Hotel..
''I hope you enjoy your stay here in our hotel, ma'am and sir. Have a good day,'' muling bati ko sa kanila at bumalik na ulit sa may lobby.
Nasa 13th floor ang VIP room. Pagbaba ko sa may lobby ay naabutan ko sila Harold, Anika, pati na rin si Joseph na nagkukumpulan. Kumunot ang noo kong lumapit sa kanilang tatlo. May pinapanood sila sa cellphone. Kuryosidad kong tiningnan ang kanilang pinapanood... parang tumigil ang aking paghinga.
Breaking News:
48 anyos na lalaki, patay pagkatapos pagsasaksakin ng higit tatlongput anim na beses sa loob ng kanyang bahay. Ang naturang suspek ay ang 'di umano sarili nitong anak. Hawak na ng mga pulis ang suspek, pati na rin ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa biktima.
Umiling ako sa aking sarili kasabay ng mga luhang nagbabadyang bumagsak sa akin. Halos bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig. Mas lalong nanikip ang aking dibdib... pati na rin ang mga kamay ko ay nangangatog. Nanataling nakaawang aking labi habang pinoproseso ko ang mga salitang narinig sa balita.
Tumapat ang camera sa kanyang mukha.
''Grabe, adik siguro ang anak non. Biruin mo tatlongput anim na saksak? Walang awa! Sariling ama... pinagsasaksak ng ganun karami.'' Si Harold.
''Nakakatakot na talaga ang mga nangyayari sa mundo,'' dagdag pa nito at napailing.
Bumaling si Anika sa akin. ''M-Ma'am Mila... ayos lang po ba kayo?''