Kabanata 18

2.3K 24 0
                                    

Lost

Abala ako ngayon sa pag aayos ng aking mga gamit. Bukas ay may flight ako. Sa Thailand ang flight ko bukas ng umaga. Narinig kong tumunog ang telepono ko. My brows furrowed. Unknown number ang tumatawag. Sinagot ko rin naman ang tawag. At baka kasi emergency.

My heart doubled for unknown reasons.

''H-Hello?''

''Is this Milagros Velasco?''

''Uhm, sino po sila?''

''Ma'am, magandang araw ho. Sa St. Luke's Medical Center ho ito. Kasalukuyan pong naka confine ang Daddy niyo rito. Malubha ho ang lagay ni Sir. Walter. Kung oras ho kayo, pwede ho ba kayong pumunta dito sa Hospital? Kayo ho kasi ang hinahanap ng pasyente.''

Ngayon malubha ang lagay niya, ako ang hinahanap niya?

''Sige, pupunta ako,'' agap ko.

''Maraming salamat ho, Miss Velasco. At pasensya na rin sa abala. Magandang araw ho ulit,'' dagdag niya at pinatay na ang tawag.

Sa loob ng maraming taon ay ngayon na lang ako ulit nakarinig ng balita tungkol kay Daddy. Ipinagpaliban ko muna ang pag aayos sa aking mga gamit. Maya-maya ko na lang ito tatapusin at sasaglit muna ako sa Hospital. Mabilis akong pumunta kung saan siya naka confine ngayon. Naabutan ko siyang tulog sa kanyang silid. At mukha ngang malubha ang kaniyang lagay. Maraming aparatong nakalagay sa kanyang katawan. My dad looked older the last time I saw him. Ubanin na ang kanyang buhok at kulubot na rin ang kanyang balat. Kinagat ko ang ibabang labi ko at maingat na umupo doon sa upuan sa gilid niya.

Napasinghap ako sa aking sarili at natawa na laman. ''Kilala mo pa pala ako? Akala ko kasi wala na kong Daddy. Tapos ngayon malubha ang lagay mo, ako ang gusto mong makita? Bakit? Hindi ka ba kayang alagaan ng mga anak mo?''

Nagulat ako nang bigla nyang minulat ang kanyang dalawang mata.

''Milagros... anak...'' gusto kong matawa sa kanyang sinabi.

''A-Anak?'' natatawa kong tanong. ''Ngayon malubha ang lagay mo... anak ang turing mo sa akin?'' I muttered, almost disgusted at him.

Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. ''Milagros, kaya kita pinapunta rito... dahil gusto kong humingi ng kapatawaran sa'yo. Malubha na ang lagay ko. At gusto ko bago pa man ako pumanaw ay makahingi ako ng tawad sa'yo, anak.''

''Alam kong hindi ako naging mabuting ama sa'yo... kailanman ay hindi ako nagpaka-ama sa'yo, Milagros. Patawarin mo ko, anak. Nang maghiwalay kaming dalawa ng mommy mo. Part of me died that day; I was heartbroken and lost. But your mom already made a decision, and knowing Lucinda, once she made her decision, you can't change her mind. I failed her as husband; our marriage crumbled.''

''Nong maghiwalay kaming dalawa ng mommy mo, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpagkalunod sa alak. At doon ko nakilala ang asawa ko ngayon, na si Ida. Nabuntis ko siya... nagpakasal kami at nagkaroon ng sariling pamilya. Pakiramdam ko noon muli akong nabuhay. Inahon ako ni Ida sa sakit ng nakaraan.''

''Your mom caused me so much pain that it is engraved here in my heart. She broke my heart and drowned me in pain. Milagros, you look so much like your mother. Every time I'm staring at you, all I can see is the young Lucinda whom I fell in love with before and whom I used to build the future with, and I can't bear to see you, all because you have your mom's face.''

Mapait siyang ngumiti sa akin at sinubukan hawakan ang isa kong kamay. Hindi ako gumalaw... hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Banayad niya iyong hinaplos. Muli siyang ngumiti sa akin bago ulit pinagpatuloy ang gusto niyang sabihin sa akin.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon