Kabanata 5

2.1K 29 2
                                    

Distant

Ako... gusto niya? Kalokohan! Isang malaking kalokohan ang magkagusto siya sa isang katulad ko!

Kahit anong pilit ko ay hindi ko maintindihan... kung bakit ako? I'm always distant and cold toward everyone. I often mute, and I don't make friends... It's hard for me to make friends, and I'd rather be alone than join the fun in the crowd.

Tanging sila Ange, Monica, at Gia lamang ang mga kaibigan ko... kaya kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang maintindihan kung ano ang nagustuhan niya sa akin?

I'm not capable of love. I can't see myself falling in love. Happiness is unfamiliar to me. My whole life is already in misery, and I'm already in the deepest fall where nobody can save me, not even myself. Darkness is all I can see. Emptiness is all I can feel... I felt numb and helpless. My mind was clouded with thoughts of despair and hopelessness, as if I were trapped in a never-ending cycle of darkness. It was as if I had lost all sense of purpose and direction in life.

''Hindi niyo ba napapansin?'' usisa ni Monica sa aming tatlong magkakaibigan.

Mas lalo pang lumapit si Monica sa amin bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. ''Parang dumadalas yata ang pagkain nila Sylas at ng mga kateam mate niya dito sa building natin? Hindi ba't mas malaki naman ang cafeteria sa Engineering Department?''

Luminga-linga naman si Gia... para siguro tingnan kung saan nakapwesto sila Sylas ngayon. Dala na rin ng kuryosidad ay sinundan ko ang tinitingnan ni Gia. Nagtagpo ang mga tingin naming dalawa... mabilis akong umiwas sa tingin niya at uminom ng paborito kong inumin.

Nakapwesto silang magkakaibigan hindi kalayuan sa lamesa namin... siguro mga tatlong lamesa ang pagitan ng lamesa nila sa amin.

''Pansin ko nga rin!''

''Parang may pinopormahan yata ang isang yan dito?'' dagdag pa ni Gia.

''Ano ba kayo! Si Mila kamo ang pinupuntahan niyang dito!'' sa lakas ng boses ni Ange paniguradong umabot ito hanggang sa lamesa nila Sylas.

''Wait... wala ba kayong twitter? Check niyo kaya ang following ni Sylas! Itong si Mila lang naman ang tangi niyang pinafollow!''

''Ano pa bang ibig sabihin non? Edi may gusto siya kay Mila! Pinopormahan niya ang Mila natin!''

Nahihiya akong ngumiti kila Gia at Monica sabay salpak ng tinapay na may hotdog sa bibig ni Ange walang preno. Natahimik siya dahil sa ginawa ko... tahimik niyang nginuya ang tinapay na may hotdog na sinalpak ko sa kanyang bibig.

''T-Tubig... tubig!'' nahihirapan niyang wika.

Mabilis kong binuksan ang bottled water at iniabot iyon sa kanya. Dali-dali naman niyang ininom ang tubig at halos mabulunan pa.

''Pucha! Ano ba 'tong hotdog na sinubo mo sa akin Mila ang anghang!'' reklamo niya. ''Pero... infairness ang laki!'' dagdag niya pa at tumawa.

''Ang ingay mo raw kasi,'' iling-iling na saad ni Gia bago bumaling sa akin ng tingin. ''Pero, Mila, totoo ba? Ikaw ba talaga ang pinopormahan ni Sylas?''

''Mga ganyan ka gwapo, alam mo ng babaero. Kaya ingat ka, Mila. Baka paiyakin ka lang niyan sa huli,'' biro sa akin ni Monica.

Umiling ako sa kanila. ''Ha? H-Hindi ah... hindi niya ko pinopormahan.''

Sabay-sabay silang tumingin sa akin na tila may duda sa kanilang mga mata. Tinaasan pa nila ako ng kilay. May binulong si Gia kay Monica pagkatapos naman ay kay Ange. Nasa gitna kasi nilang dalawa si Gia. Pagkatapos ay nag apir silang tatlo sa isa't isa bago tumingin sa akin na may ngisi sa kanilang mga labi.

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon