Endure
''Ang gagong 'yon!''
''Tatlong taon! Tatlong taon kang minahal non sa malayo! Tapos ngayon sasabihin niyang ayaw na niya? Eh, tatlong taon ka nga non minahal nang hindi mo alam! Pagkatapos manligaw ng anim na buwan sasabihin niyang pagod na siya? Tangina pala niya eh!'' dagdag pa ni Milo.
Mas lalo pa akong niyakap ni Ange. ''I'm sorry...'' bulong niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.
Hindi ako sumagot... nanatili akong tahimik at walang imik. Napagod na rin ang mga luha ko sa pag iyak. Maya-maya lang ay dumating ang isa pa nilang kaibigan na si Axel kasama nito si Gia. Parehas hingal na hingal ang dalawa, lumapit sa aming tatlo.
''Pumunta kami sa condong tinutuluyan niya! Ang sabi sa amin wala raw Sylas Asturias nakatira roon!''
''Matagal na tayong niloloko ng putanginang 'yon!'' hingal na hasik ni Axel.
Lumapit naman sa akin si Gia. Katulad ni Ange ay niyakap niya rin ako. Dalawa na silang nakayakap sa akin ngayon. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.
''Nakausap ko rin si coach,'' tumigil siya bago muli nagpatuloy sa kaniyang sinasabi. ''U-Umalis na si Sylas sa team... nag drop out na rin siya,'' dagdag niya pa.
''Tangina!''
''Ganun na lang 'yon? Aalis siya ng walang pasabi sa atin?! Wag na wag siyang magpapakita sa akin kung hindi mapapatay ko siyang gago siya!'' si Milo ulit.
And just like that, Sylas has vanished into thin air. He left everyone, including me—he left without a trace. I never heard anything from him. Hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin siyang tawagan. I'm still texting him. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin akong bumalik siya. Umiiyak at nagbabakasakali na babalikan niya ako, pero sa paglipas ng dalawang taon. Walang Sylas na bumalik.
I waited for him for two years...
Pinutol niya ang komunikasyon niya sa mga kaibigan, lalong-lalo na sa akin. Nagpalit siya ng numero. Habang ang twitter account niya ay ganun pa rin. Ang kanyang huling tweet ay ang picture ko pa.
Hanggang ngayon sinusubukan ko pa ring intindihin... bakit ganun? Bakit biglang ayaw na niya? Okay naman kami eh, okay na okay... nakakapagod ba talaga akong mahalin?
Napagod ba talaga siya sa akin o may ibang rason pa?
In span of two years... marami ng nagbago. Pero ako nanatiling ganun pa rin... nanatiling ang mundo ko ay umiikot sa apat na sulok ng kwarto ko. Hindi ako kumakain, at hindi rin ako lumalabas. Wala akong lakas makipag usap. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Nanatili akong tahimik at tulala sa lumipas na dalawang taon. Habang sila Ange, Monica, at Gia naman ay pare-parehas nakapagtapos sa kinuha naming kursong apat. Three of them both graduated as cumlaude; samantalang ako ay hindi nagawang tapusin ang parehas na kursong kinuha. I failed all of my subjects... nawalan ako ng rason para magpatuloy. Nawala ako sa dean list. Balita ko nga, flight attendant na si Ange sa Philippine Airlines. Habang si Monica naman ay isa na ngayong hotel general manager. Si Gia naman ay mas piniling mag focus sa pageantry. Pero katulad din nila Ange at Monica, ay meron na rin siyang successful career. Tanging ako lang ang hindi nakapagtapos ng pag aaral... tanging ako lang ang napag iwanan.
Sa lumipas na mga taon ay wala akong naging permanenteng trabaho. Naging mahirap ang buhay ko.
I felt helpless. and even I, myself, couldn't help me out of this misery... I'm all alone in this black hole of despair. I felt like I was in the midst of darkness and uncertainty. I felt trapped. It's as if I'm stuck in a never-ending cycle of despair with no way out.
Kung noon ay madilim na ang mundo ko, mas lalo pa itong dumilim nang iwan ako ni Sylas.
Sylas was the only one who made me feel I was capable of love—the only man who tried to reach me and climb my walls, but even he got tired of me. He got tired of reaching me; he got tired of climbing the wall I built between myself and everyone.