Kabanata 22

1.6K 19 2
                                    

Forbidden

Pinagsabay ko ang pag aaral pati na rin ang pagtatrabaho sa gabi. Nagtatrabaho ako bilang janitor sa isang coffee shop malayo sa unibersidad pinapasukan ko.

Abala ako sa pag mamop ng sahig nang biglang pumasok ang isang magandang babae. Ang pinaghalong kulay kape at kulay kahel niyang buhok ay umaabot hanggang sa kanyang beywang. Maputi at tila kulay gatas ang balat nito.

Kahit sa malayo ay halata mong malambot ang kanyang balat. Matangos ang maliit niyang ilong at ang kanyang labi naman ay natural na mapula.

Pinanood ko ang bawat pagbuka ng kanyang mga labi halata mong malambot ang mga ito at masarap halikan. Napailing ako sa aking sarili at nagpatuloy na lamang sa pagma-mop ng sahig.

Bumalik ulit ang tingin ko sa babae.

Walang emosyon ang kanyang mga mata, pero taliwas sa pinapakita ng kanyang mga labi. Matamis siyang nakangiti sa kanyang mga kaibigan. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagma-mop nang dumaan siya sa harap ko. Pumunta siya sa comfort room. At maya-maya ay lumabas din agad siya. Napansin kong pinunasan niya ang kanyang bibig. Halata mong sumuka siya.

Umupo ulit siya sa pwesto nilang magkakaibigan. At katulad ng una ay matamis ulit siyang ngumiti, pero ang kanyang dalawang mata ay parang walang buhay.

Her lips are forming the sweetest smile, yet her eyes look so empty and sad. That's when I knew this woman was just like me-like me who's faking everything. Maybe she's faking her emotions to everyone because she doesn't want to be a burden, while I'm faking my lifestyle because I wanted to fit into their world, and I don't want to go back in that circle.

Ayoko ng bumalik pa sa madilim kong nakaraan.

Patagal ng patagal ay mas lalo akong nagiging interesado sa babaeng iyon... hanggang sa lumalim na itong nararamdaman ko para sa kanya.

Kasama ko ang kaibigan kong si Milo.

Nandito kami nakatambay sa likod ng malaking puno. Tanaw ko rin mula rito ang masungit na mukha ni Milagros... Milagros pala ang kanyang pangalan.

Napakaganda. Bagay na bagay lang sa kanya, parang ako bagay na bagay lang sa kanya.

Namula ang tenga ko nang mapagtantong halos magkasing tunog lang ang mga pangalan naming dalawa... ito ba ang tinatawag nilang tadhana?

Mabilis kong iniwas ang katawan ko, sa pag aakala na hahampasin ako ni Milo. Takang-taka niya akong tiningnan. May kukunin lang pala siya sa kanyang bag, na nasa likuran ko nakatabi.

''Luh, baliw oh,'' saad nito.

Binaliwala ko siya at minabuti na lang pagmasdan si Milagros mula sa malayo. Pinapaypayan nito ang kanyang sarili, gamit ang kamay niya. Mabilis din siyang umalis sa gitna ng araw at parang mas lalo pang naging iritable ang kanyang itsura. Maarte niyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

''Arte,'' bulong ko sa sarili. ''Kapag ako naging boyfriend mo, paniguradong magpapaalipin ako sa'yo. Papaypayan kita at pagsisilbihan na parang isang prinsesa,'' ngumisi ako kay Milo. ''Tingin mo, bagay kaming dalawa?''

Umiling siya sa akin at tumawa. Napahawak pa siya sa kanyang sikmura. At tila hirap na hirap makapagsalita dahil sa pagtawa. Umiling ako at naisipan ng tumayo. Meron pa kasi akong susunod na klase.

''Lul, wala kang kwentang kausap,'' mura ko sa kanya sabay middle finger sa kaibigan.

Everyday I'm always watching, and admiring her from afar. Hanggang sa tumagal ang paghanga ko sa kanya ng tatlong taon. Ganun palagi ang nakasanayan kong gawin. Ang tanawin at mahalin siya malayo. How can her friends not notice the scars behind her cardigan? Anong klaseng mga kaibigan ang kaibigan niya? Wala man lang ni isa sa kanilang nakapansing sinasaktan niya ang sarili niya!

The Shattered Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon