Chapter 4

31.2K 738 53
                                    

UMAGANG-UMAGA pinapagalitan na ako ng landlord ko. Hindi pa kasi ako nakakabayad ng upa, two months na. Kapag hindi pa daw ako nakapag bayad ay paalisin na daw niya ako dito.

Tumawag na ako kay mama kahapon ngunit saktong pang tuition ko lang ang naipon niya. Lalo na ngayon na hindi siya naka pasok dahil nagkasakit siya. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Tanginang kahirapan 'to. Mapapamura nalang ako sa kawalan ng pera.

Hindi nalang ako sumagot sa may-ari ng dorm, naka yuko lang ako habang pinapagalitan niya ako. Nahihiya kasi ako sa mga dumadaang ka boarding house ko.

Pumasok nalang ako ulit sa kwarto saka umupo sa sahig. Makungkot naman na nakatingin si Alliyah
sa 'kin. Lumapit siya saka ako tinapik sa balikat. Inabot niya sa 'kin ang isang basong tubig kaya agad ko naman yun inabot saka ininom.

"Alam mo beb.. yung ka school mate natin sa subject na english A+ may sugar daddy." Paninimulang sabi ni Alliyah. Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ang swerte nga niya eh. Lahat ng mamahaling gamit ay binibigay ng matandang sugar daddy niya." Natatawang sabi ni Alliyah.

"Binibigay nga ang gusto niya ngunit may kapalit naman." Nakangiwi kong sabi kay Alliyah.

Tumawa naman siya. "Oo, naman meron. Pero nakukuha naman niya ang gusto niya. Dati nga walang baon yun eh, tapos yung suot niyang pantalon 3 times a week niyang pabalik-balik na suot." Saad ng kaibigan ko.

Hindi nalang ako sumagot kay Alliyah dahil wala akong panahon sa mga ganyang bagay. May mas malaki pa akong problema na iniisip. Saan kaya ako makaka kuha ng pera. Hindi ko pa kasi sure kung makakabali si mama sa amo niya. Puro utang narin kasi siya do'n sa probinsya maging si tatay ay ganon din.

Kainis na kahirapan 'to. Sa dami-daming taong mahihirap sa mundo nasali pa talaga ako.

Walang buhay akong nag-ayos dahil may pasok pa ako. Ayaw ko sanang pumasok ngunit may quiz kami ngayon. Nawawalan na tuloy ako ng gana mag-aral.

Pag pasok ko palang sa classroom ay nakita kong pinapalibutan ng mga classmate ko si Anne. Siya yung kwene-kwento ni Alliyah na may sugar daddy.

Eh, kung maghanap nalang din kaya ako ng sugar daddy? Kaso may papatol ba naman kaya sa 'kin.

Ang sakit sa bangs mag-isip.

Pumasok ang prof namin kaya agad natahimik ang classroom. Terror kasi ang prof na 'to kaya hindi ko magawang umabsent. Nag pakuha lang siya ng one half paper para sa quiz namin. Ewan ko lang kung may sagot ako nito.

Nang dumating na ang hapon ay mag-isa akong naglakad papunta sa canteen. Nakita ko agad si Alliyah na parang may hinihintay. Kumaway pa siya sa 'kin ng makita niya ako. Agad naman naglakad papunta sa pwesto niya.

"Tapos na klase mo?" Tanong ko ng makalapit ako sakanya.

"Oo kanina pa. Hinihintay lang talaga kita." Sagot niya.

Kumunot naman ang nuo ko. "Bakit?"

"Samahan mo ko please.. magkikita kasi kami ng boyfriend ko sa bar ngayon. Ayaw ko naman pumunta na wala akong kasama. Sige na please.. promise saglit lang tayo." Sabi niya saka nag puppy eyes sa harap ko.

"Ayaw ko! Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyan." Sagot ko agad.

Hapon narin kaya kunti nalang ang mga estudyante. Medyo matagal nga natapos ang last subject ko kaya nahaponan na kami.

"Mauna na akong umuwi sa'yo." Sabi ko kay Alliyah.
Hinawakan naman niya agad ang kamay ko.
"Sige na please.. saglit lang tayo. Uwi din tayo agad." Pangungulit pa niya sa 'kin.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon