NAGISING AKO na parang pinopokpok ang ulo ko sa sakit. Napasapo ako sa aking nuo habang naka pikit ang mga mata. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nagulat dahil hindi familiar
sa 'kin ang kwarto."T-Teka.. nasaan ako?"
Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto at napansin ko ang mga magagandang gamit. Halatang mamahalin at maganda din ang design ng kwarto. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang iniisip ko kung ano bang nangyari sa 'kin.
Hinahalukay ko ang isip ko hanggang sa maalala ko na simahan ko nga pala si Alliyah sa bar kagabi. Pinilit kong alalahanin pa ang nangyari kagabi hanggang sa maalala ko nag inom pala ako kagabi. Kaya naman pala masakit ang ulo ko.
Pero bakit ako nandito sa magandang kwartong 'to? Impossible namang si Alliyah ang nagdala sa 'kin dito. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Ganito pala epekto ng alak?
Napatingin ako sa katawan ko at nakahinga ng maluwag ng makita ko na ito parin ang suot ko kahapon. Tumayo ako sa kama saka inilibot ulit ang paningin ko. Grabe ang ganda ng kwartong ito. Halatang pang mayaman. Bigla akong kinabahan ng pumasok sa isip ko ang word pang mayaman. Paano kung pumasok ako sa kwarto ng iba dahil sa kalasingan ko. Kulong pa yata aabutin ko.
Kailangan kong maka-alis dito at baka dumating ang may-ari ng bahay at mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Nakita ko ang bag ko sa couch at nagtataka ako kung bakit nakabukas ang bag ko. Ipinag walang bahala ko nalang ito saka isinara ang zipper at mabilis na lumapit sa pinto. Pinihit ko ang siradura ng pinto at dahan dahang lumabas ng kwarto. Kung kanina ay manghang-mangha ako sa kwarto ay mas lalo pa yata ng paglabas ko.
May sala at may sofa set. Sa ginta nito ay may lamesang babasagin at may malaking tv. Lumingon ako sa kaliwa ng makita ko ang aesthetic na design ng kusina. Gaganahan ka maglinis kapag ito ang bahay mo. Ang sarap siguro kong ganito ka ganda ang bahay.
Napabuga ako ng hangin saka nagpatuloy ulit maglakad hanggang sa lumabas ako ng bahay. Doon ko lang napag tanto na isang condo unit pala ang napasukan ko.
Napakamot nalang ako sa ulo saka iniisip kung bakit ako napunta dito. Delikado pala ako kapag nalalasing dahil kung saan-saan ako nakakarating.
Dali-Dali akong sumakay ng elevator at nakisabay sa dalawang babae na pumasok sa elevator. Hindi ako nagpahalata na hindi ako taga rito. Nang dumating kami sa ground floor ay nakisabay parin ako sa dalawang babae, mahirap na baka mahuli pa ako ng staff dito. May naka salubong pa akong janitor kaya agad akong yumuko para hindi ako makilala.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na ako ng tuluyan sa condo building. Naglalakad lang ako saka mahinang tinatapik ang dibdib ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Pinapangako ko talaga na hindi na ako iinom ulit. Yun ang una at huling inom ko ng alak.
Tinignan ko ang bag ko at hinanap ang wallet ko. Hindi ko kasi alam kung nasaan ako at wala akong nakikitang dumadaan na jeep, puro taxi lang. Maiiyak na yata ako sa nangyayari sa 'kin, lalo na nang makita ko ang wallet ko na 50 pesos lang ang laman. Paano ako uuwi nito!
Sana talaga hindi na ako sumama kay Alliyah kahapon. May problema na nga ako, dinagdagan ko pa. Bwesit na buhay 'to.
Naglalakad lang ako sa lugar na 'to at naghahanap ng masasakyang jeep. Dahil sa katangahan ko kagabi absent tuloy ako ngayong araw.
Naglalakad lang ako sa kalsada at palinga-linga habang tumatawid. Naka ilang tawid na yata ako pero wala akong makitang jeep. Nasaan ba kasi ako?
Malalaki din ang mga building at halatang mga pang mayaman ang nakatira. Kanina pa ako nagtatanong sa mga nakakasalubong ko ngunit hindi naman nila ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.