Chapter 1

39.9K 885 46
                                    

NAGISING AKO dahil sa ingay ng kapitbahay namin. Agad akong tumayo sa higaan para maligo na. Araw ng linggo ngayon kaya wala akong pasok sa school.

I'm a second year college student at kapag wala akong pasok ay nag pa-part time ako kahit saan.

Katulad ngayon, may nag alok sa 'kin ng trabaho. Mag da-day off kasi ang isang kasama niya sa store kaya agad niya akong tinawagan kagabi. Sayang din yun pandagdag ko narin yun ng baon sa school.

Mag-isa lang ako dito sa Manila. Yung parents ko naman ay nasa probinsya. Ayaw ko namang iasa sakanila ang baon ko at gastusin sa school projects, lalo na't hirap din ang buhay namin sa probinsya.

Isang magsasaka ang ama ko habang ang aking ina naman ay isang katulong na ninilbihan sa isang mayamang pamilya do'n samin.

Kaya sa tulong nila ay nakapag aral ako sa isang university dito sa Manila. Sagot nila tuition fee ko. Yun nga lang pamilya ko ang bahala sa allowance at sa upa nang tinutuluyan ko.

Kaya kapag wala akong pasok sa school ay naghahanap ako ng part time job.

Nagbihis lang ako ng simpleng damit, yun lang din naman ang meron ako. Tinali ko ang mahaba kong buhok saka ipinusod 'to. Naglagay na din ako ng light make up at liptint nang mag mukha naman akong tao.

Nang matapos ako ay inayos ko muna ang dadalhin kong bag. Kumuha narin ako ng biscuit para hindi ako makabili ng meryenda do'n sa mall. Ang mamahal pa naman ng mga pagkain do'n. Kaya mag babaon nalang ako ng biscuit at tsaka tubig.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas sa kwarto. Isang dorm kasi itong inuupahan ko kaya madami akong nakakasalubong na mga studyante din na katulad ko.

Agad akong naglakad palabas ng apartment nang makita ko ang kaibigan kong si Alliyah.

"Ohh.. saan punta mo Wynter?" Tanong niya sa 'kin. Kasama ko din kasi siya sa dorm. Mag ka-klase din kami dahil parehong bsba ang kinuha naming courso.

Siya ang una kung nakilala sa classroom namin. Nalaman ko din na pinapa-aral din pala siya dito sa Manila ng kanyang pamilya kaya siya lang din mag-isa. Kasama ko din siya sa kwarto, dahil double deck naman ang higaan namin.

Mukhang may binili siguro siya sa labas kaya maaga siyang nagising.

"May part time ako ngayon." Sagot ko sakanya habang inaayos ang bag ko.

"Ganun ba! Bakit hindi mo sinabi sa 'kin para makasama naman ako." Sabi niya.

Inirapan ko naman siya. "Biglaan nga kasi. Tumawag lang si ate Flora na kailangan daw niya ng reliever." Sagot ko sakanya habang nagkakamot sa likod ng ulo ko.

"Oh.. siya, umalis ka na at baka malate ka pa sa part time mo. Kita nalang tayo mamaya. Ingat ka." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako sakanya saka ako tumango. Naglakad na ulit ako hanggang sa makalabas ako sa kinakalawang na gate dito sa dorm namin.

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada at wala akong balak sumakay ng trycle dahil sayang din ang pamasahe. Bibilisan ko nalang ang paglalakad para makarating ako sa highway nang maka sakay ako ng jeep.

Pawis na pawis ako nang makarating ako sa highway. Papasok palang ako pero ang haggard ko na. Naghihintay ako na may dumaan na jeep papuntang mall kung saan ako mag pa-part time.

Five minutes lang ako naghintay ng may huminto ng jeep. Sumakay agad ako saka inabot ang pamasahe ko kay manong.

Buti nalang hindi traffic dahil linggo ngayon kaya mabilis akong nakarating sa mall. Kaso, hindi pa nagbubukas ang mall, kaya umupo nalang muna ako sa gilid.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon