LUMIPAT NA kami ng bahay ni Wynter. Pumayag naman siya ng ikwento ko sakanya ang tungkol kay Helena. Alam kong nag-aalala din siya, nangako ako sakanya na hindi ko siya pababayaan kaya agad kaming lumipat sa bahay ko na nasa subdivision.
Masaya naman ang mga kaibigan ko ng malaman nila na sa bahay na kami titira. Welcome na welcome nila si Wynter.
Nakatingin ako kay Wynter na nakikipag usap kay Courtney habang nagtatawanan. Magkasundong-magkasundo talaga sila ng kapatid ko kaya natutuwa ako.
"Siguro tayo na naman ang topic ng dalawang yan," saad ni Salem na nakaupo sa tabi ko.
"Malamang," sagot ko agad habang nakatingin sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko.
Nandito kasi kami sa bahay ni Salem dahil gustong dumalaw ni Wynter kay Amara at Courtney.
"Dito na kami mag aagahan ha!" Sabi ko kay Salem na ikinalukot ng mukha niya.
"Wala kaming bigas," walang buhay niyang sabi.
"Gusto mo kunin ko sa'yo ang kapatid ko at anak ninyo. Wala ka palang mapakain sa kapatid ko eh,"
Agad naman itong umayos ng upo at fine-flex sa 'kin ang muscle niya sa braso. "Kaya kung buhayin ang mag-ina ko no! Isa na yata ang hospital ko sa sikat dito sa Pilipinas. Kaya nga nag expand ako sa ibang lugar diba." Sabi niya.
"Oh, tapos? Bakit mo pinapakita sa 'kin yang muscle mo," nakakunot nuo kong sabi.
"Wala lang. Pinapakita ko lang sa'yo kung gaano ka swerte sa 'kin si Courtney. Mayaman na nga ako, gwapo pa at ang pinaka the best ay yummy pa katawan ko." Nakangiti niyang sabi. "Kita mo yan! Wengya! Ang gwapo ko 'di ba?" Sabi niya sabay turo sa salamin na naka display sa tapat namin at tinuturo ang sarili niyang reflection.
"Wala ka talagang kwentang kausap." Sabi ko saka isinandal ang likod ko sa upuan.
Malakas naman na tumatawa si Courtney at Wynter habang nag chi-chikahan parin.
"Tayo na maghanda ng breakfast, bud. Busy mga partner natin sa chismis eh," sabi ni Salem at agad na tumayo sa sofa. Tumayo narin ako at sumunod kay Salem papunta sa kusina.
Tinulungan ko lang siya magluto, siya na pinaprito ko dahil pangit naman siya. Bahala siya matamaan ng mantika. Natatawa naman akong nakatingin sakanya na nilalayo ang sarili sa stove habang hawak-hawak ang sandok sa kanang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay taklob ng kawali. Nag mukha tuloy siyang mandirigma.
"Putangina!" Mura niya ng tumalsik ang mantika sa braso niya.
Nang matapos na si Salem sa pag priprito ay agad kong inayos ang lamesa saka tinawag si Courtney at Wynter.
Agad naman silang pumunta sa kusina kasama si Amara. Nakangiting umupo si Wynter sa bakanteng upuan na katabi ko kaya agad kong nilagyan ng pagkain ang plato niya.
"Thank you!" Nakangiti niyang sabi sa 'kin.
"Kumain ka ng marami, moya detka." Sabi ko habang kumakain. Kapag nababagalan ako sa pag subo ni Wynter ay ako na ang nag papakain sakanya.
Kung ano-ano lang napagkwentuhan namin hanggang sa natapos kaming kumain. Kami narin ni Salem ang nagligpit ng lamesa dahil ang mga mahal naming babae ay hindi parin tapos mag chikahan.
Siniko ako ni Salem sa dibdib ng tumalsik ang tubig papunta sakanya kaya nabasa ang damit niya.
"Hanggang ngayon ay hindi ka parin marunong maghugas ng plato," inis na sabi niya sa 'kin.
"Bakit, ikaw.. marunong ka ba?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Oo naman, TAGA kaya ako dito, TAGA hugas ng plato, TAGA laba, TAGA linis, TAGA luto. Oh diba, saan ka pa, gwapo na nga, maasahan pa sa gawaing bahay." Proud niyang sabi. Palibhasa takusa kay Courtney.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Dragoste[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.