NAKATULALA AKO habang nakikinig sa prof ko na nag di-discuss ng lesson namin sa harapan. Hanggang ngayon ay hindi parin pumapasok sa isipan ko kung bakit ako hinalikan ni kuya Raizen kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako naka labas ng sasakyan niya at naka pasok ng skwelahan.
Para akong wala sa sarili na naglalakad kanina. Napabuga nalang ako ng hangin ng hindi ko maintindihan ang sinabi sa 'kin ni kuya Raizen. Wag ko daw kasi siyang tawagin na kuya Raizen. Nagalit siya ng tinawag ko siyang kuya.
May quiz pa naman ako mamaya tapos lutang ang isip ko. Baka ang maisagot ko ay pangalan ni kuya Raizen pagnagkataon.
Nang matapos ang klase namin ay agad akong tumungo sa canteen para sana bumili ng meryenda. Ngunit palapit palang ako ng may isang estudyante na lumapit sa 'kin at inabot ang isang malaking paper bag. "Para sa'yo miss." Sabi niya sabay abot
sa 'kin ng paper bag. Naguguluhan naman akong tinanggap ito. Magsasalita pa sana ako para magtanong kung sino ang nagbigay pero naka alis na siya sa harap ko.Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang masasarap na pagkain. Naglakad ako papunta sa bakanteng lamesa saka inilapag ang paper bag do'n. "Sino naman kaya nagbigay sa 'kin nito." Bulong ko pa sa sarili ko.
Inilabas ko isa-isa ang mga laman at talagang nag ningning ang mga mata ko dahil sa mga nakita kong pagkain. Agad akong umupo at nag simula ng kumain. Grabe, kung sino man ang nagbigay sa 'kin nito ay talagang alam ang taste ko. Puro favorite ko kasi ang binigay.
Nang matapos akong kumain ay agad akong tumungo sa next subject ko. May 10 minutes pa para mag umpisa ang klase namin kaya nag scroll muna ako sa cellphone ko hanggang sa dumating na si Prof. Fernandez. Nakatitig lang kaming lahat sakanya habang nag leleksyon siya sa harap namin. Napahikab pa ako saka iniling-iling ang ulo ko para mawala ang antok.
Napalingon ako sa babaeng classmate ko dahil may kinuha siyang notebook sa bag niya saka nakangiting inabot niya sa katabi niyang lalaki. Agad akong natulala ng may pumasok sa isipan ko na imahe. Madilim yun at nakangiti akong tinanggap ang notebook ko na inabot ni
Kuya Raizen!
Mas lalong dumami ang imahe na pumasok sa isip ko na parang nag fla-flashback 'to. Napatakip ako sa bibig ko ng maalala ko ang mga pinagsasabi ko hanggang sa pumasok ulit ang hindi kaaya-ayang nangyari.
"No!!!!" Sigaw ko saka napatayo pa sa upuan ko.
Nagulat ang prof ko dahil sa sigaw ko. "What is your problem, Miss Andrade?" Naka kunot nuong tanong ng prof ko sa 'kin. Halos matulos ako sa kinatatayuan ko saka ko pinalibot ang tingin sa mga classmate ko na pati sila ay nagulat sa sigaw ko.
Dali-dali akong umupo sa upuan at nagtakip ng dalawang palad sa mukha ko. Narinig ko pa na pinagalitan ako ng prof pero hindi ko siya pinakinggan. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng malinaw ko ng maalala ang lahat. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun. Lagot ako sa nanay ko kapag nalaman niya ito. Anakng tipaklong naman eh! Bakit ko sinuko ang bataan ko kay kuya Raizen. Kainis!
Kaya naman pala hinalikan niya ako kanina. Ngayon ko lang naalala na nakipag deal ako sakanya na siya ang gagastos sa lahat ng pangangailangan ko kapalit ay katawan ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili. Ang tanga ko talaga. Bwesit talaga ako.
Hanggang sa natapos ang klase namin ay nakayuko lang ako habang naka takip sa mukha ang mga palad ko. Hindi ako lumabas agad sa classroom dahil hindi ko alam anong gagawin ko.
Pero bakit wala man lang akong naramdaman na masakit ang pagkababae ko. Sabi kasi nila masakit daw kapag first time pero bakit ako wala. Kaya hindi pumasok sa isipan ko na may nangyari sa 'kin. Malinaw pa sa isip ko ang ungol ko habang umuulos si kuya Raizen sa ibabaw ko. Nakaka inis.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romansa[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.