Chapter 13

29.5K 630 30
                                    

PILIT KONG iniisip ang nabasa ko sa libro kahapon habang nilalaro ang ballpen na hawak ko. Examination day namin ngayon kaya kabado ako.

Nang maalala ko ang nabasa ko ay agad kong sinulat ang sagot. Binasa ko ng mabuti ang question bago ko sinusulat ang sagot ko. Ilang oras lang ay nasagutan ko naman lahat, hindi ko lang sure kung tama mga sagot ko.

Buti nalang ay last na ngayon ng examination day namin. Next week sembreak na namin. Balak ko sanang umuwi ng probinsya namin kaso ayaw pumayag ni Raizen. Kaya ayon, sa sobrang pranning niya ay bantay sirado ako. Katulad ngayon, nasa labas siya habang nakabantay sa classroom namin. Nagtaka pa ang prof namin kung bakit daw nasa labas ang may-ari ng school.

Mahina pa akong natawa ng makita ko si Raizen na ngumunguso sa 'kin kapag nagkakasalubong ang tingin namin.

Ito na ang last kong exam ngayong araw, pagkatapos nito ay deritso na ako uwi ng bahay. Niyaya pa ako ng kaibigan kong si Alliyah na gala daw kami sa mall. Hindi nalang ako pumayag at baka sumulpot pa si Raizen sa likod ko.

Nagpaalam na samin ang prof namin saka siya lumabas ng classroom. Niligpit ko muna ang gamit ko saka ako tumayo sa upuan at naglakad palabas
ng classroom.

Naabotan ko si Raizen na naka pamulsa habang naka sandal sa isang poste at naka suot ng sunglass. Ngumiti siya sa 'kin kaya agad akong lumapit sakanya. Sinigurado ko muna na hindi ako masyadong malapit sakanya para hindi kami mahalata ng mga ibang estudyante.

Yumukod muna ako ng makalapit ako sakanya. "Mauna na akong umuwi," sabi ko sakanya. May meeting kasi siya sa companya niya kaya hindi kami magsasabay umuwi.

"Hatid nalang kaya kita," saad niya na ikina-iling ko.

"Wag na! Dumeritso ka na sa office mo. Sa unit lang naman ako eh. Magluluto ako ng dinner natin." Sabi ko sabay yuko ng may dumaang mga estudyante. Nang maka lampas ito samin ay agad akong nag-angat ng tingin saka ngumiti kay Raizen. "Alis na ako," sabi ko at agad naglakad.

Nag beep ang phone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko yun. Binasa ko agad ang text kaya napangiti ako. Huminto ako sa paghakbang saka lumingon sa gawi ni Raizen na agad nag flying kiss sa 'kin saka ngumiti.

Napa-iling nalang ako at agad tumalikod sakanya at naglakad na ulit. Habang naglalakad ay iniisip ko na kung anong lulutuin.

Nang makalabas ako ng gate ay agad akong pumara ng taxi. Nagpahatid lang ako sa condo building kay manong driver. Mabuti nalang at hindi masyadong traffic kaya nakarating kami agad.

Inabot ko kay manong ang pamasahe ko saka ako bumaba ng taxi. Naglalakad ako papasok ng building ng may mapansin akong babae na parang may tinitignan sa loob ng building. Huminto ako sa paglalakad habang tinitigan ang babae.

Hindi naman kasi pwedeng pumasok sa loob kung hindi nakatira do'n. Pwera nalang kung mga trabahante or yung mga binibigyan ng card pass na manggagaling sa office. Pwede din naman kaming magpapasok pero kailangan may card na galing samin na pwede nilang ipakita sa guard.

Napatitig ako sa likod ng babae dahil ka parehong-kapareho ko siya ng katawan. Medyo matangkad lang siya ng kunti sa 'kin. Hindi ako sure.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng hoodie jacket at nakatalikod sa gawi ko.

"Hi po, Miss Wynter."

Agad akong napalingon kay kuya guard ng bitiin niya ako. Mukhang galing yata siya sa break time.

"Hello din po!" Bati ko din kay kuya guard.

Nilingon ko ulit ang babae kanina na agad nawala. Palinga-linga ako sa paligid habang hinahanap ang babae ngunit hindi ko na siya nakita ulit.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon