Chapter 2

32.6K 808 57
                                    

NAKATULALA AKO habang nakikinig sa teacher namin. Lutang ang isip ko. Naglalakbay yun sa lalaking nagligtas sa 'kin two weeks ago.

Hindi ko parin makalimutan ang mukha niya hanggang ngayon. May isang beses pa na napanaginipan ko siya. Mas lalo pa akong na stress dahil sa panaginip ko. Masyado kasing malaswa. Umuungol ako habang nasa ilalim niya habang ang lalaking yun ay nasa ibabaw ko na umuulos.

Napatampal nalang ako sa nuo ko para mawala yun sa isip ko. Sa dami-dami ba naman kasing pwede ko mapanaginipan ay yun pa talaga.

Halos tatlong beses ko na napanaginipan ang malaswang yun. Hindi ko alam kung bakit.

Isa pa 'tong prof namin. Wala ako maintindihan sa pinag sasabi niya. Lagot talaga ako kapag nga pa quiz bigla si prof.

Halata din ang iba ko pang mga ka klase na hindi din nakikinig kay prof.

Hanggang sa natapos ang oras namin ay lutang parin ako. Hinila na nga ako ni Alliyah papunta sa canteen dahil para akong ewan.

Nakaupo lang ako at walang ganang bumili ng makaka-kain. Dagdag pa na wala na akong budget. Simula nang hinarangan ako nang tatlong lalaki two weeks ago ay hindi na ako nag pa-part time job.

Grabe ang takot ko n'ong gabing yun. Kaya hindi na ako umulit pa. Kaya heto, nag ti-tipid ako ng bonggang-bongga.

Kumakalam na nga ang tyan ko ngunit hindi ko nalang ito iniinda. Kinuha ko ang binaon kong tubig saka ininum 'to.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong sa 'kin ni Alliyah ng makaupo siya sa tabi ko.

Umiling ako sabay tingin sa binili niyang pagkain. "Nagtitipid ako ehh." Sagot ko saka ngumuso sa harap niya.

Inilagay ko nalang ang dalawa kong braso sa lamesa sabay yuko. Ang hirap maging mahirap, promise. Kahit kumakalam na ang tyan ko, pipilitin kong hindi kumain lalo na't ang daming xerox namin ngayon.

Naramdaman ko na tinapik ako ni Alliyah kaya inangat ko ang mukha ko.

Naguguluhan akong tumingin sakanya habang inaabot niya ang kalahating sandwich sa 'kin.
"Wag na! Hindi pa naman ako gutom kasi kumain ako sa kanina sa dorm." Pagsisinungaling ko. Galing kasi si Alliyah sa Pangasinan kaya hindi kami nag sabay papunta ng school.

"Ikaw talagang babae ka. Hindi ka marunong mag sinungaling. Kunin mo na 'to!" Sabi niya sabay irap sa 'kin.

Kahit nahihiya man ay tinanggap ko 'yon. "Salamat." Nakangiti kong sabi.

"Promise, kapag nakapag padala si nanay sa 'kin ililibre kita." Sabi ko saka kumagat sa pagkain.

"Kahit wag na! Ano pa't naging magkaibigan tayo. Sabi ko naman sa'yo dadamayan kita." Sabi sa 'kin ni Alliyah.

Napangiti tuloy ako. Buti nalang talaga mabait ang naging kaibigan ko. Simula 1st year college kami na lagi ang magkasama.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming tumayo para pumunta sa next subject namin.

Pagkadating namin ay nandoon narin ang iba pa naming classmate. Pumasok kami ni Alliyah at nag hanap ng bakanteng upuan. Umupo kami at hinihintay na lang namin na dumating ang prof namin.

Nang dumating ito ay agad 'to nag discuss. Halos antokin ako habang nakikinig kay prof.

Nag-iisip ako na sana may mahanap akong part-time job na pwedeng hindi ako magabihan. Sobrang truma ko talaga sa nangyari. Tanging si Alliyah lang ang nakaka alam no'n. Hindi ko na sinabi sa mga magulang ko at baka mag-alala pa sila sa 'kin.

Natapos ang klase namin kaya agad akong lumabas ng room. Mag-isa akong uuwi dahil ang bruha kong kaibigan ay may date daw. Siya na may boyfriend. Kaya heto ako.. uuwing mag-isa.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon