MAAGA na naman ako nagising para mauna lang akong makaligo. Hindi kasi kami sabay ni Alliyah dahil tapos na siya sa subject na 'to. Nag summer class kasi siya, ako kasi hindi.
Naglalakad ako sa kanto para tumungo sa highway. Lalakarin ko ulit dahil sayang pera. Kumalam pa sikmura ko nang makakita ako ng karenderya. Hindi pa kasi nag padala si nanay dahil wala pa daw siyang sahod. Naiintindihan ko naman dahil wala pa kasing katapusan.
Kaya todo ang pag titipid ko. Nag kape nga lang ako bago umalis ng dorm.
Huminto ako sa harap ng karenderya saka suminghot sa hangin dahil sa mabangong ulam.
"Are you hungry?"
Napa-igtad ako nang may nag salita sa likod ko. Mabilis ako humarap sakanya at napakurap-kurap
pa ako nang makita ko si kuyang pogi. Ano na naman kaya ginagawa niya dito."Ahm.. kumain na po ako." Naiilang kong sagot.
Napa-atras ako nang maglakad siya papunta sa 'kin. Nagulat ako nang inilagay niya ang kanyang palad sa tyan ko. "Mukhang hindi kayang mag sinungaling ng tyan mo." Sabi niya sa 'kin.
Nahihiya akong umiwas ng tingin. Paano ba naman kasi nag vibrate yung tyan ko dahil kumukulo ito sa gutom. Once a day lang kasi ako kumakain ng kanin.
"Come on, Let's eat." Aya niya sa 'kin sabay hawak sa pulsuhan ko. Hinila niya ako papasok sa karenderya kaya wala na akong nagawa.
Pina-upo niya ako sa stool saka siya lumapit sa tindera. Pumili naman siya ng ulam habang ako ay naka sunod lang ang tingin kay kuyang pogi na maraming pinag tuturong ulam.
Nang matapos siya ay agad siyang lumapit sa table kung nasaan ako nakaupo. Umupo naman siya sa katapat kong upuan saka tinitigan na naman ako.
"Bakit ka pumapasok sa school mo nang walang laman ang tyan?" Tanong niya sa seryosong boses.
Nakanguso akong yumuko dahil nahihiya ako.
"Kuya.. wala po akong pang bayad sa pagkain na inorder mo." Sabi ko pa.
"Don't worry about that food." Sabi niya kaya nag angat ako ng tingin sakanya.
"Thank you po." Halos pabulong ko na 'yon nasabi dahil nahihiya ako.
Hanggang sa dumating ang mga pagkain na inorder ni kuyang pogi. Natatakam naman akong tumingin sa mga pagkain kaya mas lalong kumalam ang tyan ko. Pitong putahe ba naman kasi ang inorder ni kuyang pogi.
"Dig in." Sabi niya sa 'kin kaya pinulot ko ang kutsara at tinidor saka ako kumuha ng kanin at ulam.
Naiilang pa ako dahil nakatitig sa 'kin si kuyang pogi. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka malate ako sa first class ko.
"So, Wynter Aria Andrade, saan ka nag-aaral?" Tanong niya sa 'kin.
"Sa university of Ravenwood college po." Magalang kong sagot habang ngumunguya.
Ang sarap ng ulam. Ngayon lang ulit ako naka kain ng masarap at ganito ka dami.
"What course did you take?" Tanong niya.
"BSBA po." Sagot ko agad.
Kumain naman si kuya Raizen kaya pinagpatuloy ko ang pag subo ko. "Bakit ka nga po pala nandito, kuya?" Tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.
Natigil nama siya sa pag subo saka niya ako tinignan. "Napadaan lang." Tipid niyang sagot.
Tumango nalang ako saka pinag patuloy ang pagkain.
Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpasalamat kay kuyang pogi. Kung hindi sakanya, siguro hindi ako makakakain ng masarap.
"Sige po papasok na po ako sa school, kuya." Nakangiti kong paalam sakanya.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romans[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.