Chapter 12

31.5K 697 50
                                    

SERYOSO AKONG nag re-review ngayon at ito namang si Raizen ay ginugulo ako. Nasa pagitan ako ng legs niya habang nagbabasa ng notes ko. Kanina pa niya ako kinukulit na pansinin ko daw siya.

Ngunit hindi ako nagpa apekto. Ang dami ko pa namang gagawin ngayong araw. Simula kasi bukas ay examination day namin.

Nong isang araw nga ay si Raizen ang gumawa ng project ko. Wala man lang akong ka alam alam na kinausap pala niya amg adviser ko at sinabing hindi kami ipagpartner ni Magnus. Kaya ayon, solo ko na tuloy ang project ko kaya siya pinagawa ko.

Hindi naman siya nag reklamo. Ang laki nga ng grade ko dahil sa gawa niya. Kaya na isip ko na siya nalang ang taga gawa ng project ko.

"Pansinin mo kasi ako." Pangungulit niya ulit sa 'kin sabay amoy sa buhok ko.

"Ayaw ko nga! Mamaya ka nalang." Sabi ko habang may sinusulat sa notebook ko.

"Kahit saglit lang kasi.. need ko lang kiss mo," sabi niya sa malambing na boses. Kalalaking tao ang laki ng katawan tapos laging gustong binababy.

"Mamaya ka na." Tipid kong sabi sabay siko sa dibdib niya na pilit akong niyayakap.

Linggo ngayon kaya nandito lang kami sa unit. Niyaya niya akong lumabas ngunit umayaw agad ako.

"Hindi ka pa kumakain, Wynter." Sabi niya sa 'kin.

"Mamaya nalang ako kakain." Sagot ko agad.

"Ayaw mo talaga akong pansinin?" Tanong niya saka pinisil ang isa kong dibdib.

"Raizen.." saway ko sakanya saka binitawan ang hawak kong ballpen.

"Sawakas, pinansin mo rin ako," nakangisi niyang sabi sabay halik sa labi ko. Nilukomos niya ng halik ang labi ko saka niya ako niyapos ng yakap sa beywang. Pinutol ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa saka pinisil ang pisngi niya.

"Nagpapalambing ka lang eh," sabi ko.

"Hindi mo kasi ako pinapansin," tampo niyang sabi. Idinipa ko ang dalawang kong kamay saka ngumiti sakanya. "Halika na nga.." saad ko. Agad naman siyang yumakap sa 'kin na sobrang higpit.

"Saan mo gustong mag dinner mamaya?" Tanong niya.

"Magluto nalang tayo. Tinatamad akong lumabas eh,"

"Ayaw kong magluto, moya detka. Ikaw nalang kaya kainin ko. Tapos kainin mo rin ako," malandi niyang sabi na ikina-irap ko.

"Tumigil ka nga! Katatapos mo lang kagabi." Sabi ko saka niligpit ang libro na hiniram ko sa library.

"Kagabi yun moya detka. Ibang usapan naman ngayon," hirit pa niya. Hindi na nagsawa. Halos gabi-gabi nalang niya akong inaangkin. Walang kapaguran. Tinanong ko siya kung hindi ba siya nagsasawa sa ganong bagay. Ang sabi naman niya ay mas lalo lang siya nasasabik kapag araw-araw naming ginagawa.

Pati sa school ay pinapapunta muna niya ako sa office niya para angkinin. Kapag hindi ko naman siya pinuntahan ay magtatampo lang sa 'kin. Ang malupit pa no'n ay susunduin pa niya ako sa  classroom.

Alam kung nagtataka na ang mga classmate ko kung bakit lagi akong pinapatawag ng may-ari ng skwelahan. Tikom lang ang bibig ko at hindi talaga nagsasalita.

Tumayo ako saka naglakad papunta sa kwarto namin. Namin talaga dahil hindi naman siya umaalis na dito sa unit ko, dito na siya nakatira.

Para tuloy kaming mag-asawa sa set up naming dalawa.

Nakilala ko din ang bunsong kapatid ni Raizen pero hindi pa kami nakakapagusap. Medyo malayo kasi kami no'n ni Raizen ng makita namin sila sa mall. Kasama niya ang asawa niya na sabi ni Raizen ay isang doctor.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon