NAGISING AKO dahil sa naririnig kong mga boses. Para itong mga bubuyog sa pandinig ko dahil hindi ko marinig ng maayos ang mga sinasabi nila.
Napahawak ako sa nuo ko nang maramdaman kong sumakit 'to. Nalasing ako kagabi hanggang sa nakatulog ako dito sa sofa.
Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko para mawala ang pagkalabo nito. Nilingon ko kung saan nang gagaling ang mga boses na naririnig ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko na naka salampak ng upo sa sahig habang kumakain ng babana que.
Agad akong umupo saka masamang tinignan ang mga 'to. "Pano niyo ko nahanap? Pano kayo nakapasok dito?" Sunod-sunod kong tanong sakanila ngunit ang mga gagong 'to ay para akong hindi naririnig.
Nakasunod ang mga tingin ko kay Salem na kinuha ang cellphone sa bulsa niya pinindot ang screen. Agad naman nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa screen ng cellphone niya saka ipinakita sa katabi niyang si Lucifier at Eros.
"Wow!! Kinasal na si Wynter!!" Sabi ni Salem.
Agad akong natulos sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Salem. "What? Ikinasal si Wynter?" Sigaw ko at agad napatayo.
"May naririnig ka ba, Lucifier?" Tanong ni Salem habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
"Wala naman," sagot naman ni Lucifier.
"Para kasing may narinig ako eh," saad ni Salem saka niya ibinalik ang tingin sa cellphone niya.
"Ang ganda naman ng wedding dress ni Wynter." Nakangiting sabi ni Lucifier.
"Oo nga. Magpakasal kaya kami ulit ni Courtney tapos hiramin ko ang dress ni Wynter. Ang galing pumili ng asawa ni Wynter ng design ha!" Sabi ni Salem.
"Ang ganda din ng reception nila. Halatang mayaman ang napangasawa ni Wynter," saad ni Lucifier habang nakatitig parin sa screen ng cellphone ni Salem habang kumakagat sa hawak niyang banana que.
"Ikinasal si Wynter?" Tanong ko ulit sakanilang tatlo pero hindi na naman nila ako pinansin. Naguguluhan tuloy ako kung bakit hindi nila ako nililingon.
"Teka, mag co-comment ako ng congrats to newly wed." Nakangiting sabi ni Salem at agad nagtipa sa cellphone niya.
"Putangina naman! Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo!" Sigaw ko sakanila at agad kong pinulot ang bote ng alak na walang laman saka ibinato sa pader.
Nagulat naman ang tatlo at napatingin do'n sa pader kung saan ko ibinato ang bote.
"Tangina! Sabi ko saiyo eh, may naririnig ako." Sabi ni Salem saka siniko si Lucifier. Halata pa sa mukha niya na natatakot 'to kaya naguguluhan ako sa inaakto niya. Ano ba talagang nangyayari? Bakit hindi nila ako pinapansin.
"Wengya! Minumulto na yata tayo ng kaluluwa ni Raizen." Sabi ni Salem at agad na sumiksik kay Lucifier.
Natigilan naman ako ng marinig ko yun. Teka? Patay na ba ako? Kaya ba hindi nila ako pinapansin. Pero wala naman akong maalala kagabi na may nangyari sa 'kin. Nandito lang naman ako sa sofa, umiinom lang ako kagabi kaya bakit ako mamatay. Hindi kaya, sumuko na ang katawan ko sa kakainum ko ng alak? Kaya ba ako biglang namatay? Tangina hindi man lang ako nakapag paalam kay Wynter.
"Ipagdasal nalang natin ang kaluluwa ni Raizen mga pre.." saad ni Eros na agad tumayo at kinuha ang bag na nasa sahig lang din.
"Kung hindi lang sana siya nabilaukan ng mik-mik.. siguro buhay pa siya ngayon." Sabi ni Lucifier saka nag punas ng luha niya gamit ang isa niyang kamay.
Nabilaukan ako ng mik-mik? Pero bakit hindi ko maalala. Pota talaga! Namatay pa pala ako dahil do'n.
Kinuha ni Eros ang isang kandila at picture ko saka siya lumuhod ulit. Inilagay pa niya sa sahig ang litrato ko bago ito nag sindi ng kandila at nag patak ng kunti sa sahig para itayo ang kandila.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.