Epilogue

34.8K 840 70
                                    

SEVEN MONTHS ang lumipas simula ng ikasal kami ni Raizen. Bumalik kami sa bahay niya na nasa subdivision at napagdesisyonan na dito na tumira ulit dahil balik eskwela ako.

Gusto kasi ni Raizen na tapusin ko ang pag-aaral ko. Kasama namin sa bahay si nanay. Ayaw pumayag ni Raizen na bumalik si nanay sa probinsya kaya wala ng nagawa si nanay kundi dito na tumira. Tama lang din naman yun dahil matanda narin si nanay. Kailangan may mag alaga na sakanya.

Si Raizen ang nag suggest na mag-aral ako ulit pero siya itong pranning na pranning. Natatakot kasi siya na baka daw ipagpalit ko siya sa mas bata sakanya.

Sa sobrang ka pranningan niya ay hinahatid niya ako sa classroom at nasa labas lang siya binabantayan ako. Pinapa-alis ko nga at sinasabihan na sa office niya nalang ako hintayin pero ayaw makinig sa 'kin. Talagang nakatayo lang siya sa labas ng pintuan hanggang sa matapos ang klase ko.

Nahihiya na nga ako sa prof ko dahil sa pinag gagawa ni Raizen. Halata naman kasing naiilang ang prof ko sa asawa ko. Pano ba naman kasi pumapasok dito sa room na may dalang pagkain at pinapakain ako habang nag di-discuss ang prof namin. Pinapagalitan ko na nga pagdating namin sa bahay pero nakayuko lang siya habang pinagsasabihan ko.

Araw-araw niyang ginagawa yun. Hindi ko nga alam kung hindi ba siya nanga-ngawit kakatayo sa labas habang hinihintay ako. Matyaga talaga niya akong hinihintay kaya laging tahimik ang buong klase dahil natatakot sila kay Raizen. Nakatayo ba naman kasi ang may-ari ng skwelahan sa labas kung di ka ba naman matakot, pati nga prof ko nauutal pag nag di-discuss.

Inaayos ko ang suot ko habang si Raizen naman ay busy sa pagdala ng pagkain ko. Natatawa nalang ako sa dami niyang hinandang pagkain ko.

"Asawa ko, nahahalata ko yung classmate mong lalaki na panay tingin sa'yo," saad ni Raizen sa 'kin kaya napa-irap ako. Ayan na naman kasi siya sa ka pranningan niya. Paano naman kaya lalapit sa 'kin ang mga lalaki kung nakabantay sirado siya sa 'kin. At isa pa wala talagang lalapit lalo na't malaki na ang tyan ko. Four months na kasi akong buntis. Dalawang buwan lang ay hindi na ako dinatnan. Nang malaman ni Raizen na hindi dumating ang buwanang dalawa ko ay wala siyang ginawa kundi magdasal.

Nang mag pregnancy test ako at nakita ang dalawang red line ay agad napa-iyak si Raizen sa sobrang tuwa. Sobrang pag-iingat ang ginagawa niya sa 'kin. Lagi siyang naka alalay lalo na't malaki ang tyan ko. Nalaman namin ni Raizen na kambal ang pinagbubuntis ko kaya naman pala medyo malaki ang tyan ko sa four months.

"Kita mo 'to, asawa ko?" Sabi ko sabay turo sa tyan ko.

"Yeah," tipid niyang sagot kaya inirapan ko.

"Nakikita mo naman pala eh, selos ka ng selos," saad ko sakanya saka ko kinuha ang sandwich na ginawa niya.

Yumakap naman siya mula sa likod ko at agad hinaplos ang tyan ko. "Excited na akong makita ang mga anak natin," bulong niya sa teynga ko.

Napangiti ako saka hinawakan ang kamay ni Raizen na nasa tyan ko. "Ihatid muna ako sa school, asawa ko! Exam day ko ngayon eh," sabi ko bago kumagat ng sandwich.

"Mag home school ka nalang kaya, asawa ko?" Tanong niya sa 'kin kaya agad akong umiling.
"Kaya ko pa naman maglakad. Hindi pa naman ako nahihirapan, kaya sa school na muna ako." Nakanguso kong sabi.

"Fine. Pero pagdating ng eight months, sa bahay ka na okay?" Sabi niya kaya tumango ako.

Inalalayan ako ni Raizen na makasakay ng kotse bago niya isinara ang pinto saka umikot sa driver seat. Mabagal lang ang takbo ng kotse namin. Ganyan yan siya simula ng mabuntis ako. Sobrang pag-iingat niya na pati pagmamaneho ay napakabagal. Lagi tuloy akong na la-late sa school. Hindi naman ako pinapagalitan ng mga prof ko lalo na alam nilang asawa ako ni Raizen.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon