Chapter 24

27.6K 599 96
                                    

TWO WEEKS na kaming magkasama ni Raizen dito sa private house ni ate Ruwi. Medyo kinakausap ko narin siya dahil napaka papansin. Nawawala tuloy ang inis ko sakanya.

Pinapasok ko narin siya sa kwarto ko at tabi na ulit kaming natutulog. Lagi niya akong niyayakap habang ang kamay niya ay nasa tyan ko. Medyo nararamdaman ko na ang paminsan-minsang pag alon ng baby ko sa tyan kaya tuwang-tuwa kami ni Raizen.

Lagi niyang kinakausap ang baby namin na nasa tyan ko. At kapag hinahaplos ni Raizen ang tyan ay gumagalaw ng mahina ang baby namin kaya laging naka ready ang cellphone ni Raizen para kuhaan ng video ang pag alon ng anak ko sa tyan ko. Bumili pa talaga siya ng video cam para kuhaan ang bawat movements ng baby namin. Ihahanda daw niya yun kapag lumabas na ang baby namin.

Nasa kusina kami at pinaghahandaan ako ng meryenda ni Raizen. Katatapos lang namin mag agahan pero nagugutom na naman ako. Kaya agad niya akong ginawan ng tuna sandwich na agad ko namang kinain. Tinimplahan niya din ako ng gatas at inilag yun sa harap ko.

"Thank you!" Nakangiti kong sabi kay Raizen na ikinangiti niya at agad akong dinampian ng halik sa tuktok ng ulo ko.

"Welcome, moya detka. Basta para sa'yo at sa anak natin. Ibibigay ko lahat ng cravings mo," malambing niyang sabi saka inayos ang buhok ko.

"Ang liit mo magbuntis baby," sabi sa 'kin ni Raizen habang hinahaplos ang tyan ko. "Pero, ayos narin yun para hindi ka mahirapan manganak kapag kabuwanan mo na." Dugtong niyang sabi.

Nag ring naman ang phone ni Raizen na nasa table lang din kaya agad niya itong inabot.

"Hey!" Bati ni Raizen sa kausap niya sa kabilang linya. Kumagat naman ako ng sandwich habang nakikinig kay Raizen.

"Really?" Saad niya kaya agad akong tumingin kay Raizen.

"Okay. Pupunta ako agad." Sabu niya at agad pinatay ang tawag.

"Sino yun?" Tanong ko kay Raizen ng maibaba niya ang tawag.

"Isa sa mga tauhan ni Ruwi. Tumawag sila para sabihin sa 'kin na nahuli na nila si Helena at dinala nila 'yon sa underground." Seryosong sabi ni Raizen.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin kay Raizen. "Talaga?"

"Yes. Maigaganti ko narin kayong dalawa ng anak natin. Kailangan kong pumunta sa underground na pagmamay-ari ni boss Lucian, para patayin si Helena." Sabi niya.

"Sino kasama mo? Nandoon din ba si ate Ruwi?" Sunod-sunod kong tanong sakanya. Ang alam ko kasi ay nasa Spain ang mag-asawang Vandeleur.

"Hindi pa nakakarating si Ruwi dito sa Pilipinas. Pero baka pabalik narin yun," sagot niya sa 'kin. "Bakit mo tinatanong kung nandyan na ba si Ruwi?" Tanong niya sa 'kin.

"Kasi.. magiging kampante lang ako kapag kasama mo si ate Ruwi. Natatakot ako para sa'yo. Baka mapahamak ka.." nag-aalala kong sabi.

"Don't worry, nandoon ang ibang tauhan ni boss Lucian. Nag iwan kasi siya ng apat na tauhan para magbantay sa under ground kaya may kasama ako. Wag kang mag-alala sa 'kin." Sabi niya.

"Sama nalang kaya ko," naiiyak kong sabi. Paano kung may mangyaring masama kay Raizen. Nakwento niya sa 'kin kung paano niya nalaman na si Helena ang kasama niya at inatake sila ng mga kasamahan ni Helena kaya nabaril si ate Ruwi.

"Hindi ka pwedeng sumama. Baka ma-stress ka lang do'n. Hindi ba sabi ng doctor kailangan magpahinga ka at umiwas sa stress." Sabi niya sa 'kin kaya tumango ako.

"Tatawagan ko si Levi para may bantay kayo dito ni yaya Gracia habang wala ako. Wag na wag kang lalabas ng bahay, okay?" Sabi pa niya sa 'kin.

"Sige na nga. Mag-iingat ka okay? Hindi pa kita na papatawad ng maayos kaya umuwi ka sa 'kin ng buo." Seryoso kong sabi kay Raizen.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon