Chapter 25

25.7K 629 120
                                    

NASA LABAS AKO ng operating room habang palakad-lakad sa harap ng pinto at nag aalala kay Wynter at sa anak namin.

Agad ko siyang naisugod sa hospital kanina. Halos magulat si Salem ng makita niya akong buhat-buhat ang walang malay na si Wynter na naliligo sa sarili niyang dugo.

Apat na doctor ang kasama ni Salem sa loob at inooperahan si Wynter.

Taimtim akong nagdarasal na sana makaligtas ang mag-ina ko. Ilang beses ko itong nasaksak kanina kaya mas lalo akong nag-aalala.

Hindi parin tumatawag sa 'kin si Ruwi. Maging si Levi ay hindi ko matawagan ang cellphone niya.

Naghihintay ako na lumabas si Salem sa operating room. Gustong-gusto kong pumasok sa operating room ngunit hindi naman pwede.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ng sumabog ng utak ko sa dami kong iniisip.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yun sa likod ng pantalon ko. Kumunot ang nuo ko ng makita ko sa screen ng cellphone ko ang hindi familiar na number.

Agad kong pinindot ang accept call saka inilagay yun sa kaliwa kong teynga. "How's Wynter? Napatay mo ba?" Bungad niya sa kabilang linya.

Agad humigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng marinig ko ang boses ni Helena. Tumatawa pa ito sa kabilang linya na parang demonyo.

"Magbabayad ka!!" Nanggigil kong sabi.

"Akala mo maiisahan mo ko, Raizen. Mas magaling ako sa'yo. Tignan mo nga.. hindi mo na naman nahalata na si Wynter na yun." Tumatawa niyang sabi.

"Sayang naman. Hindi ko napanood kung paano mo sinaksak ng ilang beses ang anak mo sa sinapupunan ni Wynter," sabi niya na parang inaasar ako.

"Magtago ka ng animal ka. Hinding-hindi ako titigil sa paghahanap sayong babae ka!! Babalatan kita ng buhay!" Banta ko kay Helena.

"Blah! Blah! Blah!" Sabi niya at agad na tumawa. "Alam mo bang hawak namin ang isa mong kaibigan," saad niya na ikinatigil ko.

"What do you mean??" Kunot nuo kong tanong.

"Gusto mong marinig ang sigaw niya? Sige. Ipaparinig ko sa'yo."  Sabi niya. Nakikinig lang ako sa kabilang linya ng may marinig akong sigaw na parang nasasaktan. Levitticus!

"Tangina ka! Ano ba talagang kailangan mong hayop ka!!" Sigaw ko at napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Well, sumusunod lang naman ako sa utos ng boss ko na si Alejandro." Bored niyang sabi.

"Pinapasabi nga ng boss ko sa'yo na sabihan mo daw 'to kay Ruwi Cruz. Kung gusto pa niyang makitang buhay ang isang myembro niya ay sumuko siya samin." Sabi niya sa seryosong boses.

"Pakakawalan lang namin ang kaibigan mo kapalit ni Ruwi Cruz. Sabihin mo yan sa boss mo. Oh.. by the way, advance condolence nga pala sa anak mo. I'm sure hindi makakaligtas ang anak mo." Natatawa niyang sabi.

"Hayop ka!!" Galit kong sigaw.

"Ano kaya magiging reaction ni Wynter kapag naka survive siya sa ginawa mo. Sigurado akong kamumuhian ka ni Wynter kapag nalaman niyang pinatay mo ang anak ninyo." Saad niya.

Agad akong natulos sa kinatatayuan ko habang iniisip ang sinabi ni Helena. "Hays.. kung ako sa'yo, wag ka nalang magpapakita kay Wynter. Sigurado akong kamumuhian ka niya dahil mamatay tao ka!! Walang tatanggap sa'yo Raizen dahil isa kang mamamatay tao!!" Sabi niya at agad pinatay ang tawag.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko habang iniisip ang mga sinabi ni Helena sa 'kin.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng operating room at agad na lumabas si Salem at ang iba pang doctor na kasama niya.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon