Chapter 26

25.1K 628 64
                                    

TATLONG TAON NA ang nakakalipas simula ng mangyari ang bangungot sa buhay ko. Nang araw na magising ako sa hospital ay agad kong hinanap si Raizen kay doctor Salem.

Nalaman ko na hindi nakaligtas ang anak namin sa nangyari. Halos iyak ako ng iyak nang araw na yun dahil wala na yung anak namin ni Raizen. Wala na yung anak ko na panay galaw ng galaw sa tyan ko.

Tinanong ko si doc Salem kung nasaan si Raizen ngunit hindi daw niya alam kung nasaan. Tinawagan pa siya si Raizen ngunit nakapatay ang phone. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng anak namin. Kaya gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi niya kasalanan ang nangyari.

Alam ko kung gaano ka gusto ni Raizen na magka anak kami kaya alam kung masakit yun para sakanya.

Hinintay ko siya sa hospital baka sakaling bumalik siya at nagpapalipas lang ng sama ng loob at galit. Ngunit walang Raizen na nagpakita sa 'kin. Hanggang sa na discharge nalang ako sa hospital. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng araw na yun. Nahihiya din kasi akong humingi ng tulong sa mga kaibigan ni Raizen lalo na't hindi na nagpaparamdam sa 'kin si Raizen.

Walang ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ng araw na yun. Wala na nga ang anak ko, iniwan pa ako ng lalaking mahal na mahal ko. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko na harapin ang bawat araw na hindi kasama si Raizen.

Inihatid din sa 'kin ni ate Ruwi ang mga gamit ko na naiwan sa private house niya. Binuksan ko ang bag na yun at nakita ang damit na hinanda ko para sa anak ko. Niyakap ko ito at inamoy-amoy habang umiiyak. Nasasaktan ako sobra, sobra-sobra na ang sakit na gusto ko nalang mawala sa mundo para makasama ang anak ko sa kabilang buhay.

Kinuha ko din ang damit ni Raizen na inilagay din ni ate Ruwi sa bag. Inaamoy ko ang damit ni Raizen dahil miss na miss ko na siya.

Lagi kong yakap-yakap ang damit ni Raizen at ang damit ng anak ko kapag natutulog ako. Natutulogan ko nalang ang pag-iyak.

Araw-araw hinihintay ko ang pagbalik ni Raizen hanggang sa umabot na ng isang taon wala parin siya. Umaasa ako, na babalikan niya ako kaya lagi ko siyang hinihintay. Kaya hindi ako umuwi ng probinsya namin dahil nagbabakasakali ako na darating siya.

Hanggang sa nagdaan na naman ang isang taon at tuluyan na akong umuwi sa probinsya namin dahil lagi na akong nagkakasakit. Sinundo ako ni nanay at tatay sa Manila at inuwi ako dito samin.

Tumigil narin ako sa pag-aaral. Lagi lang ako nagmumok-mok sa kwarto ko habang hawak-hawak ang damit ni Raizen.

Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Kung lagi lang naman ganito.. bakit hindi nalang ako kunin ng panginoon. Ang sakit na eh, pagod na pagod na ako, sukong-suko na ako sa buhay ko na handa ko ng ibalik ang buhay ko sa panginoon.

Pumunta pa ako sa simbahan at nagdasal do'n. Sinabi ko sa Panginoon baka pwede niya ng bawiin ang buhay ko, ibigay niya nalang sa mga taong gusto pang mabuhay. Gusto ko na talagang magpahinga.

Hanggang sa tatlong taon na ang lumipas ganun parin ang lungkot, hindi parin nawawala. Pumasok ako bilang katulong kung saan namamasukan ang ina ko. Masyado ng matanda si nanay kaya pinatigil ko na siya. Ayaw sanang pumayag ng amo niya dahil sa laki ng utang ni nanay. Kaya ginawa ko ang dapat gawin bilang anak. Ako ang pumalit kay nanay at makakaalis lang ako sa poder nila kapag nabayaran ko na ang lahat ng utang ni nanay.

Lagi kong sinusubsob ang sarili ko sa trabaho para hindi ako kainin ng lungkot. Mabuti nalang ay stay out ako kaya na aalagaan ko si nanay. Namatay narin kasi si tatay dahil inatake 'to sa puso. Kaya kami nalang ni nanay ang nasa bahay.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon