ANG SAYA ng araw ko dahil simula ngayon bakasyon namin. Pero hindi ako makakauwi sa probinsya namin. Ayos lang din naman sa 'kin yun dahil hinahanap-hanap ko ang amoy ni Raizen, ewan ko ba gustong-gusto ko siyang amoyin. Gusto ko din siya laging nakikita.
Nandito ako nakaupo sa upuan habang pinagmamasdan si Raizen na nagluluto ng agahan namin. Nag request kasi ako na pancake kaya agad niyang ginawa, kahit pa nga pumapalpak ang gawa niya. Yung unang gawa kasi niyang pancake ay nasunog.
Nang matapos na siya ay pinagtimpla niya ako ng gatas at inilagay ito sa harap ko. Ayaw niya kasi akong pakilosin dahil n'ong isang araw pa kasi masama pakiramdam ko. Naalala ko pa n'ong isang araw kumain kami sa restaurant, hindi ko mapigilang hindi masuka. Nahihiya tuloy ako dahil lahat ng nasa table na malapit samin ay nakatingin sa 'kin.
Buti nalang ay kakilala ni Raizen ang may-ari ng restaurant kaya hindi siya nagalit sa 'kin, bagkos ay tinulungan pa nila ako. Grabe ang suka ko ng araw na yun na hindi ko malaman kung bakit.
Gustong-gusto akong dalhin ni Raizen sa hospital pero tumanggi ako. Iniisip ko kasi baka dahil yun sa lagi akong nalilipasan ng gutom kaya siguro ganun.
Ngayon medyo umaayos naman ang pakiramdam ko, medyo mabigat parin pero hindi na ako nasusuka.
Umupo sa bakanteng upuan si Raizen na katabi ko saka ako hinalikan sa nuo. Kinuha niya ang kutsara saka kumuha ng pancake at inilapit yun sa bibig ko. Agad ko namang tinanggap yun saka ngumuya.
"Wag na wag kang magpapalipas ng gutom, Wynter. Tignan mo inaatake ka ng ulcer mo," sabi niya
sa 'kin sabay kuha ulit ng pancake. Tumango nalang ako at hindi nalang sumagot.Sunod-sunod akong sinusubuan ni Raizen na tinatanggap ko naman. Nang matapos akong kumain saka lang din siya kumain. Ganyan kasi siya palagi, inuuna muna akong pinapakain bago siya kumain. Mabagal kasi ako kumain kaya sinisigurado niyang marami akong nakakain.
"Aalis ka ba ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Yeah, pero saglit lang yun. May kukunin lang ako sa office." Sagot niya sa 'kin. "May gusto ka bang ipabili sa 'kin?" Tanong niya.
Agad nagliwanag ang mukha ko ng may pumasok sa isip ko na pagkain. "Gusto ko ng singkamas," naka nguso kong sabi.
"Okay, Ibibili kita. Ano pa?" Tanong niya ulit.
"Ahm.. gusto ko din ng isaw," naka nguso kong sabi.
"Isaw? May nagtitinda na kaya ngayon no'n? Pang hapon lang yun niluluto yata," nakakunot nuong sabi niya.
"Eh.. gusto ko ng isaw eh. Sige na please.." sabi ko sabay hawak sa braso niya.
"Okay, okay. Hahanap ako." Nakangiti niyang sabi.
Nang matapos na siyang kumain ay agad kong niligpit ang plato na kinainan namin ni Raizen. Ayaw niya pangpumayag na ako ang maghuhugas dahil baka mahilo na naman daw ako. Hindi naman ako pumayag na siya ang maghuhugas kaya mabilis ako naglakad papunta sa lababo at kinuha ang sponge para maghugas.
"Mag bihis kana do'n." Sabi ko habang sinasabon ang plato.
Naramdaman ko naman ang yakap niya saka dinampian ng halik ang ulo ko. "Pagkatapos mo dyan. Mag pahinga ka okay!" Sabi niya na ikinangiti ko.
"Oo na." Tipid kong sagot.
Umalis siya sa likod ko kaya napalingon ako kay Raizen na naglalakad papunta sa kwarto namin. Tinapos ko agad ang paghuhugas saka nilinisan ang lababo. Pinunasan ko din ang lamesa at siniguradong malinis ang kusina.
Nang matapos na ako ay naglakad ako papunta sa kwarto namin para ihanda ang damit ni Raizen habang naliligo pa siya.
Ilang minuto lang ang hinintay ko ng lumabas siyansa banyo habang naka tapis ng twalya sa beywang niya. Kitang-kita ko tuloy ang abs niya sa katawan na ang sarap hawakan.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.