DINALA AKO ni ate Ruwi sa isang restaurant na nasa loob lang din ng mall. Umorder siya nang maraming pagkain, pinipigilan ko pa nga si ate pero ayaw paawat.
Ayaw ko sanang kumain pero pinilit talaga ako ni ate Ruwi at kung ano-ano ang pinag oorder na pagkain. Problema ko tuloy kung pano ko 'to uubusin. Baka ipagbalot ko nalang si nanay mamaya.
"Hindi ka na ba nag-aaral, Wynter?" Tanong sa 'kin ni ate Ruwi.
"Tumigil na po ako, ate Ruwi. Kailangan ko po kasing tulungan si nanay kaya pumasok ako bilang katulong kapalit niya po do'n sa mansion ng mga Fuentes." Sagot ko.
"Lagi kabang minamaltrato ng babaeng yun?" Tanong niya ulit sa 'kin. Dahan-dahan akong tumango at agad inabot ang isang basong tubig para uminom.
"Ate.." tawag ko sakanya.
"Hmm.." tugon niya bago sumubo ng pagkain.
"May balita ka na po ba kay Raizen?" Tanong ko habang nakatitig kay ate Ruwi.
Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor saka siya bumuntong hininga. "Tatapatin kita Wynter. Huling nagkita kami ni Raizen n'ong inatake namin ang lumang building para iligtas ang kaibigan naming si Levi. Pagkatapos no'n ay agad na umalis si Raizen at iniwan ang cellphone niya sa kotse ko. Hanggang ngayon ay wala akong balita sakanya. Ang huling sinabi niya sa 'kin ay gusto niya muna daw mapag-isa kaya hindi na ako nag pumilit pa." Mahabang sabi ni ate Ruwi.
Napayuko ako at nilalaro ang pagkain gamit ang tinidor na hawak ko. "Ayaw na niya siguro ako makita ate Ruwi. Hindi na niya ako binalikan." Malungkot kong sabi.
"Wag kang mag alala. Lalabas din yun kung nasaan man siya ngayon. Mahal ka no'n, pero.. baka hindi lang niya matanggap na namatay ang anak niya sa sarili niyang mga kamay." Tugon sa 'kin ni ate Ruwi.
"Gusto ko na po siyang makita ate Ruwi eh, miss na miss ko na po siya. Gusto ko na po siyang mayakap." naiiyak kong sabi kay ate Ruwi. "Tulungan mo naman po ako ate Ruwi," pagmamakaawa ko sa kanya.
"I'll try, Wynter. Pero hindi ako mangangako sa'yo. Si Raizen kasi ang klase ng tao na gustong mapag-isa kapag may problema. Hanggang ngayon siguro ay hindi parin niya matanggap ang nangyari," saad ni ate Ruwi na ikinalungkot ko lalo.
"Kumain ka ng marami, Wynter. Ang payat-payat mo na oh, alam mo bang hindi bagay sa'yo ang payat? Mas lalo kang gumaganda kapag malaman medyo ang katawan mo," sabi sa 'kin ni ate Ruwi. Masyado ko na kasi talagang napabayaan ang katawan ko. Sa sobrang payat ko na ay isang tulak lang yata sa 'kin ay tumba agad ako.
Wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili ko na kumain. Ayaw akong paalisin ni ate Ruwi hanggat hindi ko daw nauubos ang mga inorder niya na para sa 'kin. Nalaman ko mula kay ate Ruwi na mismo si Raizen ang pumatay kay Helena. Hindi na sinabi
sa 'kin ni ate kung paano pinatay ni Raizen ang babaeng sumira sa buhay namin.Halos hindi ako makahinga sa kabusogan ko ng maubos ko ang pagkain. Nagbayad lang si ate Ruwi sa mga inorder namin saka kami tumayo at agad naglakad palabas ng restaurant. Inorderan pa ako ni ate ng pagkain para sa nanay ko.
"Saan ka ba nakatira para maihatid kita," sabi sa 'kin ni ate Ruwi na ikina-iling ko.
"Wag na po ate. Baka po hinahanap ka na po ng asawa mo. Sasakay lang naman po ako ng trycle, kaya ayos lang po." Sagot ko. Kanina pa kasi tawag ng tawag ang asawa niya at hinahanap siya.
"Are you sure? pwede naman kitang idaan sa bahay mo muna. Hayaan mo yung asawa ko," saad ni ate Ruwi na ikinangiti ko. Gusto kasing sumunod ng asawa niya sa restaurant pero pinigilan ni ate Ruwi.
"Ayos lang po talaga ate," nakangiti kong sabi. "Thank you po pala sa libre, tsaka dito po." Sabi ko sabay pakita ng paper bag na hawak ko na may lamang pagkain.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.