Chapter 8

34.5K 737 35
                                    

HINDI AKO MAKAPANIWALA na sa 'kin pala ang unit na 'to. Nong nagising ako sa umaga pagkatapos kong maglasing at bumungad sa 'kin ang magandang kwarto ay akin pala. Nagulat nalang ako sa sinabi ni Raizen na ipinangalan niya sa 'kin ang kinuha niyang unit. Halos magtatalon ako sa tuwa.

Hindi makapaniwala si Alliyah kanina ng makita nila si Raizen sa labas ng dorm na hinihintay akong kunin ang mga gamit ko. Binayaran din lahat ni Raizen ang utang ko sa may-ari ng dorm. Halos natulala pa ang landlord ko ng abutan siya ng sobrang pera ni Raizen.

Ipinalibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng unit at hindi parin makapaniwala na simula ngayon ay dito na ako titira.

"Change your clothes, moya detka. Pupunta tayo ng mall para bumili ng mga gusto mo." Sabi niya sa 'kin at biglang sumulpot sa likod ko.

Nahihiya parin akong tumingin sakanya sa t'wing pumapasok sa isipan ko ang nangyari samin.

Tumango lang ako sakanya saka tinungo ang kwarto. Kaya naman pala mukhang pangbabae ang design ng kwartong ito dahil para sa 'kin pala. Hindi ko masyadong nakita ang kwarto dati dahil nagmamadali akong umalis noon.

Agad akong tumungo sa banyo para maligo. Pinagpapawisan din kasi ako kanina sa paghahakot ng damit ko. Mabilis lang ako naligo at baka kasi mainip si Raizen sa 'kin sa paghihintay.

Hindi ko na siya tinatawag na kuya Raizen dahil hinahalikan niya lang ako kapag naririnig niya yun.

Nagsuot lang ako ng denim short at tshirt at inilugay lang ang straight kong buhok. Agad akong lumabas sa kwarto at nakitang magkasalubong ang kilay ni Raizen habang nakatingin sa 'kin.

Napa-atras ako dahil tumayo siya at naglakad palapit sa 'kin. Madilim ang mukha niya habang nakatingin sa suot kong short. "Why are you wearing that shorts?" Galit niyang tanong sa 'kin. "Masyadong maikli yan, moya detka." Dagdag niya pa. Napa-irap nalang ako. Ano ba palagay niya sa short ko.. pantalon ba?

"Magpalit ka!"Sabi niya sa galit na boses.

"Ayaw ko! Wala na akong maisuot. Puro nasa labahin na." Matigas kong sagot sakanya.

Ano bang ikina gagalit niya sa suot ko eh, hindi naman masyadong maikli ang short ko.

Lumabas na ako ng unit at naglakad papunta sa elevator. Malapit na sana ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay sa beywang ko. Agad akong lumingon sa likod ko at nakita si Raizen na tinatali ang jacket sa beywang ko.

Hindi siya nagsalita hanggang sa naitali niya ang jacket. Agad siyang umayos ng tayo sa harap ko. "Let's go," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa elevator.

Tahimik ako habang hinihintay na bumukas ang pintuan ng elevator. Naiilang ako sa ginagawang pagpisil ni Raizen sa kamay ko na hawak parin niya.

Bumukas ang pintuan ng elevator at agad kaming lumabas. Hindi na kami nag kotse dahil sabi ni Raizen ay malapit lang daw ang mall dito sa building ng unit ko.

Nahihiya naman akong nakayuko habang naglakakad. Paano naman kasi.. lahat ng nakakasalubong namin sa daan ay napapatingin kay Raizen tapos sa 'kin naman. Siguro iniisip nila na masyado akong bata para sa lalaking kasama ko.

Hindi ko na mabawi ang pinermahan ko dahil pinapermahan lang naman niya sa isang abogado. Makukulong daw ako pag hindi ako tumupad sa usapan. Nakakainis siya. Talagang sinakyan niya ang kalasingan ko n'ong gabing yun.

"Are you hungry, moya detka?"

"Ano ba yung moya detka?" Tanong ko dahil ko maintindihan.

"My baby girl.."

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ko ang tawag niya sa 'kin. Uminit din ang magkabilaang pisngi ko kaya agad ako nag iwas ng tingin.

Assassin Seris 6: Raizen ValdiviesoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon