HINDI KO NA alam kung anong gagawin ko. Hanggang bukas nalang ang palugit sa 'kin ng may-ari ng dorm na tinutuluyan ko. Nagsimula na nga akong mag impake ng gamit ko dahil baka itapon niya sa labas bukas kung hindi ako makapag bayad.
Pumasok ako sa school na lutang. Nakita ko pa kanina ang kotse ni kuya Raizen sa may kanto ngunit sumabay ako sa kasama kong lalaki kanina na papunta din ng school.
Buti nalang talaga kinausap niya ako kanina ng mapansing niya na hindi ko suot ang id ko dahil napaka strikto ng mga guards sa gate. Kaya agad kong sinabayan ang lalaki na nag ngangalang Gregg.
Nakita ko pang bumaba si kuya Raizen kanina at madilim ang mukha niya habang nakatingin samin. Hindi ko nalang siya pinansin at sumabay ako kay Gregg naglakad papunta sa school.
Napalingon pa ako sa likod ko n'ong nakita ko ang kotse ni kuya Raizen na nakasunod parin samin. Mabagal lang pag mamaneho nito na para talagang sinudundan kami.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok kami sa loob ng gate. Alam ko naman na hindi siya makaka sunod sa loob dahil sobrang higpit ng school. Tanging estudyante, teachers at mga cleaners lang ang makakapasok sa university na 'to. Lahat ay may kailangang ipakita sa guard para makapasok dito sa loob ng school.
Napa buntong hininga ako habang nakikinig sa teacher namin sa harap. Iniisip ko nalang na tumigil sa pag-aaral. Hindi ko nalang pipilitin ang mga magulang ko kung hindi talaga nila kayang pag aralin ako. Sa susunod nalang siguro ako mag-aaral, mag tra-trabaho nalang muna ako hanggang sa maka ipon ako saka ako babalik sa pag-aaral.
Nakausap ko na kagabi si Alliyah at nakapag paalam narin ako. Nag iyakan pa kaming dalawa kagabi kaya namumugtong din ang mga mata ko. Gusto sana niya akong tulungan ngunit wala din siya. Nag try pa itong umutang ngunit talagang wala.
Napahinto sa pagsasalita ang prof namin nang may kumatok sa pinto. Napalingon kaming lahat nang makita namin ang assistant ng may-ari ng school na 'to.
Nakangiti itong lumapit kay Prof saka may ibinulong. Tumango naman ang prof namin saka ito humarap samin lahat. "Okay class, Mr. Dela Cruz has something important to say." Sabi ng prof samin.
Agad namang humarap ang assistant ng may-ari ng school saka ngumiti samin. "Good morning to all of you. I just have an important announcement. Starting today, our beloved university will have a new owner. I am here to introduced him to all the students." Sabi niya habang nakangiti. Lahat naman ng mga classmate ko ay nag bulong-bulongan. Ako naman ay patay malisya lang dahil titigil narin naman ako sa pag-aaral.
Ngunit na higit ko ang paghinga ko ng makita ko ang lalaking pumasok sa classroom. Anong ginagawa niya rito?
Nagtagpo pa ang paningin naming dalawa saka ito ngumisi na parang may masamang balak. Ano bang pinaggagawa ni kuya Raizen at naka pasok siya dito sa school.
Naglakad siya palapit kay Mr. Dela Cruz saka tumayo ng tuwid at biglang walang pinawalang emosyon ang mukha. Nakasunod lang ang mga mata ko sakanya at hindi talaga ako kumurap. "Class, This is Mr. Raizen Valdivieso the new owner of Ravenwood University." Naka ngiting sabi ni Mr. Dela Cruz.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun. Halos nag palakpakan naman ang mga classmate ko na parang tuwang-tuwa sa nakikita nila. Narinig ko pa ang malanding classmate ko nag sabi na yummy daw ang bagong may-ari ng school.
Napatingin ako sa gawi ni kuya Raizen at napalunok ng ilang beses ng magkasalubong ang tingin naming dalawa. Agad akong yumuko at kunwaring nag susulat sa notebook ko.
Nagkataon lang siguro ito. Hindi naman niya siguro sinadya na bilhin ang school diba? wala akong maisip na dahilan para bilhin niya ang school.
Nagsasalita si kuya Raizen sa harap ngunit hindi na ako nakikinig. Lutang ang isip ko at iniisip nalang na uuwi na ako ng probinsya namin. Siguro naman ay hindi na niya ako masusundan do'n.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.