Bumaba ako sa kotse ng makarating ako sa lumang building na sinasabi ni Ruwi sa 'kin. Sakto din dumating si Salem at Lucifier na magkasama sa isang sasakyan. Hindi nagtagal dumating din sila Andrei, Eros, Caiden, Aizen. Habang si Atticus naman ay nasa isang sasakyan para itrack ang mga kalaban namin na nasa loob ng building.
Nagsasalita si Atticus sa earpiece naming lahat at sinasabi kung pano kami makakapasok sa malaking pader na ginawa ng grupo nila Alejandro. Masyadong matibay ang pader at hindi din kayang akyatin dahil sa taas.
Ngunit, biglang dumating si Ruwi sakay ng isang armoured personnel carrier kaya agad kaming gumilid dahil alam na namin kung anong gagawin niya.
Pinausad ni Ruwi ang armoured at agad na binabangga ang matibay na pader. Dumating din ang elite force ni boss Lucian na may dala ding armoured at tinutulungan si Ruwi para sirain ang matibay na pader.
Agad kong hinanda ang baril at naghahanda na magiba ang pader. Ilang sandali lang ay tuluyan itong nawasak.
May mga nakaabang na mga kalaban sa loob ngunit hindi ito naka porma ng agad na pinaputukan nila Ruwi at ng mga elite force ng armalite.
Agad akong pumasok sa loob para hanapin ang taong may utang sa 'kin. Puro putukan ang naririnig ko sa labas at mga sigaw ng mga pinapatay ng grupo namin.
Agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril ko ng may makita akong dalawang lalaking tumatakbo papunta sa 'kin. Bumulagta sila sa sahig kaya agad akong naglakad para hanapin si Helena.
Hanggang sa makarating ako sa naka lihirang mga pinto na naka sara. Unang binuksan ko ang nasa unahan ngunit walang tao sa loob kaya agad kong isinara ulit.
Naglakad ako sa pangalawang pinto nang may mapansin akong may naka masid sa 'kin. Patay malisya akong nagkukunwari na hindi ko siya nararamdaman at pinagpatuloy ang pag pihit ng siradura ng pinto.
Pumasok ako sa loob at hinihintay na pumasok ang taong nakasunod sa 'kin. Pinapakiramdaman ko lang ang galaw niya na mahinang naglalakad papunta sa likod ko. Hindi ko siya nilingon at hinihintay ang pag atake niya.
Nang maramdaman ko ng malapit na siya sa 'kin ay saka ako lumingon sakanya at agad na sinipa ang tyan niya. Napa-atras si Helena habang may hawak 'tong kutsilyo.
"Handa ka na bang bumalik sa impyerno?" Walamh emosyon kong tanong sakanya.
Ngumisi siya na parang baliw at itinutok sa 'kin ang kutsilyong hawak niya. "Hindi mo ko mapapatay, Raizen!! Mas magaling ako sa'yo!" Sigaw niya at agad akong inatake gamit ang kutsilyong hawak niya.
Mabilis kong iniiwasan ang mga atake niya. Inaamom kong magaling din siya makipaglaban lalo na't naging tauhan siya ni General Edmund.
Hinuli ko ang kamay niya at agad na pinilipit yun dahilan para mabitawan niya ang kutsilyong hawak.
"Aghhhh..." sigaw niya nang mabali ko ang isang kamay niya. Mabilis kong sinuntok ang dibdib niya kaya bumagsak siya sa sahig.
Hinawakan ko ang buhok niya at agad na itinayo. "K-kaya mo akong patayin huh! Kamukha ko ang babaeng mahal mo! Kaya para mo naring pinapatay ang mahal mo!!" Sigaw niya sa 'kin. Agad ko siyang sinakal dahilan para mahirapan siyang huminga.
"Kahit kailan hindi kayo magiging kapareho ni Wynter." Galit kong sabi at mas lalong sinakal siya sa leeg.
Ngunit agad ko siyang nabitawan ng malakas niyang sinaksak ang isa kong binti. "Fuck you!" Galit kong sigaw kay Helena na tumatakbo palabas ng kwarto.
Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng pintuan ng umatras siya at takot na takot at bigla siyang bumagsak sa sahig. Pumasok si Ruwi na may dalang katana habang nakangiti sa 'kin. "Need help?" Tanong niya sa 'kin at agad na hinawakan ang buhok ni Helena at kinaladkad ito papunta sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.