SPG~
PALABAS NA ako ng classroom ng may humawak sa balikat ko. Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ang nakangiti kong classmate na si Magnus.
"Hi! Pauwi ka na?" Tanong niya sa 'kin. Tumango naman ako saka nagsimulang maglakad ulit. Sinabayan naman niya ako maglakad kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"So, kailan tayo gagawa ng presentation natin?" Tanong niya ulit. Partner ko kasi siya sa presentation sa isa naming subject. Next week pa naman kaya may panahon pa kaming gumawa.
"Ahm, pwede ba sa saturday nalang?" Tanong ko.
"Okay lang naman. Pero kailangan mabili na natin ang mga materials natin sa presentation." Saad niya.
"Sige. Walang problema." Nakangiti kong sabi.
"Okay. Bukas, free ka ba?" Nakangiti niyang tanong. Kitang kita ko pa ang dalawang malalim niyang dimples. Gwapo din kasi si Magnus, kilala din siya sa school dahil sa galing mag basketball.
"Back off, son of a bitch."
Agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang baritonong boses na yun. Madilim ang mukha niya habang masama ang tingin sa 'kin at kay Magnus.
Yumukod naman si Magnus kay Raizen na parang ginagalang. Ngunit hindi man lang nagbago ang expression ng mukha ni Raizen. Halata talagang galit ito kaya agad akong lumayo kay Magnus.
"Ahh sige Magnus. Mauna na akong umuwi," pagpa paalam ko sakanya at agad naglakad palayo sakanila. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Magnus dahil ayaw kong lumapit si Raizen sa 'kin at baka magtaka si Magnus.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na ako ng tuluyan sa gate. Hindi talaga ako lumingon sa likod ko at baka makita ko ang magkasalubong na kilay ni Raizen.
Akmang papara na sana ako ng jeep ng may humawak sa kamay ko at mabilis ako hinila. Nanlaki ang mga mata ko habang palingon lingon sa paligid at baka may mga estudyanteng makakita samin ni Raizen.
"Ano ka ba! baka may makakita satin," sabi ko ng mahila niya ako papunta sa kotse niya.
"Bakit ayaw mong makita ng iba na magkasama tayo? Pero yung unggoy na yun ayos lang!" Nanggigil niyang sabi sa 'kin.
"Ano ka ba wala nam— uhmmm.." naputol ang sasabihin ko ng nilukomos ako ng halik ni Raizen. Napahawak nalang ako sa braso niya para kumuha ng lakas. Napapikit nalang ako ng tuluyan habang sinasabayan ang labi ni Raizen.
Naghiwalay lang ang mga labi namin ng kinapos na kami ng hininga. Magkasalubong parin ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa beywang ko na parang pinipigilan akong gumalaw.
"Didn't I tell you not to talk to your male classmate?" Galit niyang sabi. Umiigting pa ang panga niya habang nagsasalita.
"Alangan naman iwasan ko mga classmate kong lalaki? At isa pa may presentation kami kaya nag uusap ni Magnus," depensa ko sa sarili ko. Mas lalo lang yata dumilim ang mukha niya ng binigkas ko ang pangalan ng lalaki.
"Get in," utos niya sa 'kin.
Agad akong umiling sa utos niya dahil may pupuntahan pa ako. May bibilhin pa kasi ako sa mall na kailangan ko bukas para sa isa kong subject.
"I said get in!" Sigaw niya sa 'kin na halos mapatalon ako sa gulat. Agad akong pumasok sa kotse saka ikinabit ang seatbelt. Hinihintay ko lang na makapasok siya sa driver seat.
Nang makapasok siya ay agad niyang binuhay ang makina at pinausad ang kotse. Hindi ako nagsalita at baka sigawan na naman niya ako. Napahawak ako sa seatbelt dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Sa sobrang nerbyos ko ay napasigaw na ako ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Assassin Seris 6: Raizen Valdivieso
Romance[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous one.