TUM 1
Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng dalhin sa ospital si Jelena dahil sa muntik na n'yang pagpapakamatay. Mula ng magising s'ya ay walang binabanggit sa kan'ya ang mga magulang ukol sa nangyari ng gabing iyon, kung paano s'yang nakaligtas ay hindi n'ya alam.
Hindi pa rin s'ya kinikibo ng ama pero hindi na ito nagdadabog sa tuwing malapit s'ya o makikita s'ya. Ang kapatid naman n'yang si Garreth ay hindi pa makakauwi matapos malaman ang nangyari sa kan'ya dahil sa project nito sa Cambodia, isa kasing arkitekto ang bunsong kapatid. Gustong gusto n'yang kausapin ang ama pero napipipilan s'ya kaya nananahimik na lamang s'ya sa kwarto.
Inip na inip na s'ya sa bahay, gusto na n'yang makabalik sa trabaho. Doon malamang ay malilibang s'ya kahit papaano pero paano naman n'yang gagawin iyon gayong hindi pa nga nakakabalik ang kan'yang boss mula sa honeymoon nito sa England.
She's a photographer at sila ng boss n'ya ang palaging magkasama na lumilibot ng bansa para sa mga photoshoots na kailangan nila sa magazines. She's newly hired kaya sa boss n'ya s'ya pinasama para mas mahasa raw ang dalaga.
Jelena was busy taking pictures of the outside's view from her room's terrace ng makarinig ng sunod sunod na katok.
"Bukas 'yan." aniya saka narinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto n'ya.
Pumasok doon ang kan'yang ina na nakabihis. "Ma."
"Jelena, magbihis ka na. May pupuntahan tayo, bilisan mo at baka magalit na naman ang papa mo." pang-aapura sa kan'ya ng ina.
Sa halip na mag-usisa, sinunod na lang n'ya ang ina at inayos ang sarili. Hindi s'ya masyadong nagbabad sa loob ng banyo gaya ng nakagawian n'ya. Nagmamadali ang ina ng pag-ayusin s'ya kaya naman minadali na rin n'ya ang pagligo.
Nakahanda sa kama ang isusuot n'yang damit. Simple baby pink floral dress iyon na sakto sa ilalim ng tuhod n'ya, transparent block heels ang terno noon pero ang sneakers n'yang white ang ipinares n'ya. Nagsuot rin s'ya sa denim jacket at isinukbit n'ya ang kan'yang sling bag na nilalagyan n'ya ng instax n'ya tuwing aalis sila.
Matapos i-blower ang buhok ay inayos iyon ni Jelena sa simpleng messy bun. Syempre hindi n'ya maaaring kalimutan ang kan'yang photochromic antirad glasses. Para sa may migraine na katulad n'ya, hindi makakabuti ang sobrang init at liwanag sa mata n'ya, ayaw naman n'yang umuwing susuka suka at parang binibiyak ang ulo.
Dali-dali s'yang bumaba at nakita ang amang kalalabas lang ng pintuan.
"Jele—"
Nakatitig lang si Jelena sa ina.
"Anak, bakit ka naka sneakers? Tsaka ano 'yan? Nagpatong ka pa ng denim jacket, at iyang buhok mo? Parang katatayo mo lang sa higaan." puna ng ina sa kan'ya.
"Mama, mas komportable po ako sa ganito." reklamo pa n'ya.
"Hindi ka man lang nag-make up?"
Nagsalubong ang kilay ni Jelena. "Ma.. saan ba kasi tayo pupunta at kailangan kong magpaganda? Lumalabas naman tayong ganito ako ah."
"Bilisan n'yo na!" sigaw ng ama niya mula sa labas kaya naman dali-dali na s'yang hinila ng ina na iiling-iling.
Mula sa daan na kanilang tinatahak, parang may masamang kutob si Jelena. Anong pinaplano ng nga magulang at mukhang magpupunta sila kila Harold. Ano bang naiisipan ng mga ito?
Magsasalita na sana si Jelena ng huminto ang sasakyan nila sa isang malaking gate.
Kung ganoon ay hindi kila Harold ang punta nila?
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
Любовные романыKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...