"Kumusta siya sa tinigigilan niya? Chineck mo ba yung paligid?" tanong ng amang si Papa Rustin. Bumisita ito ang at ina sa kanilang bahay para dalawin ang mga apo.
Tumango-tango si Ralph sa ama. "Yes, Pops. Hindi po ako pumasok sa loob pero hindi naman po ganoon kalaki ang unit niya kaya nakita ko po ng bahagya ang istura. Wala naman pong mga part na walang cctv outside kaya mamomonitor po talaga ng security staff." paliwanag ni Ralph sa ama.
Tumango-tango ito. "Mabuti naman kung ganoon, nag-aalala ako para sa batang 'yon. Nakausap ko na ulit ang ina ni Harold, kahit siya ay wala na rin daw magawa sa anak. Kaya gawin na lang natin ang kaya para maprotektahan ang asawa ng kapatid mo."
"I saw her istante, Pops. Panay instant ang pagkain niya 'don. Sa pagkakaalam ko kay Raz, marunong naman magluto ang asawa niya." pagkukwento niya sa ama ng kaniyang nakita.
Bumuntong hininga ito. "Pagod na kasi 'yon malamang sa trabaho, hindi na maasikaso ang pagluluto kaya doon na lang siya sa mas madali para lang huwag magutom."
"Sana kumain na lang siya sa mga restaurant, may pera naman silang mag-asawa. Malaki rin ang money gift sa kanila noong kasal nila ah. Isa pa, may trabaho siya-imposibleng mamulubi siya."
Tatawa-tawa naman ang ama sa sinabi ng panganay na anak saka may kinuha sa bulsa nito. Mula sa pitaka ay kinuha nito ang isang atm card at ipinakita iyon kay Ralph. "Ito ang debit card nilang mag-asawa at ito naman ang sa kapatid mo. Pareho sila ni Jelena na mayroon nitong sa firm na pinagtatrabahuhan ng kapatid mo pero iniwan sa akin pareho ni Jelena." his father paused at sumimsim ng kape. "Ang sabi sa akin ni Jelena ay meron naman daw siyang sariling pera, hindi naman daw sila totoong mag-asawa na katulad ng mga natural na nagpapakasal kaya heto, ibinalik niya sa amin dahil mas may karapatan daw kami sa pera ni Razen."
Iiling-iling si Ralph. "Ano bang naiisipan ng babaeng 'yon? Hindi niya ba alam na mas nasasaktan si Razen sa ganoong ginagawa niya?"
"Well, natutuwa ako sa batang 'yon. Walang lakad niya ang hindi siya nagpaalam sa amin. Hilig pa niyang pasalubungan kami at paulit-ulit siya kahihingi ng pasensya. Ngayon, independent na siya talagang lahat ng pagtitipid ay gagawin noon para makaipon ng mas malaki-laki pang pera."
"Ano namang kailangan niya pag-ipunan? May bahay sila ni Razen bakit hindi na lang muna siya doon magtigil, kung si Harold ang pinoproblema niya pwede naman nating palagyan ng security ang bahay nila." suhestyon ni Ralph sa ama.
"Alam ng hipag mo kung anong ginagawa niya, magtiwala lang tayo sa kaniya. Siya nga pala, anong balita sa kapatid mo? Nagsabi na ba siya kung kailan siya uuwi?"
Kinuha ni Ralph ang cellphone at ipinakita sa ama ang isinend ni Razen sa kaniya noong nakaraang linggo. "Baka malapit na rin siya umuwi kasi finishing na sila, mag-iinspect at magrereport na lang siguro siya at aayusin ang mga need niya ayusin para makauwi na. Siya nga pala pops, nasa atin pa ba ang copy ng annulment paper nila?"
"Kinuha ni Jelena nung nagpaalam siyang lalayo muna for good."
May pinipigil na ngiti sa labi ni Ralph ang pinipilit niyang itago sa amang kausap. Sanay hindi siya umaasa sa wala pero malakas ang kutob niyang hindi matutuloy ang annulment. The moment Jelena called their father instead of her own parent, nasisiguro niyang somehow nakakapasok na sila sa puso ng babae.
Hindi man nito aminin pero nababakas niya sa babae na tinuturing na rin sila ni Jelena na pamilya. Kahit panay kagaspangan ang ipinakikita niya rito ay hindi niya pa ito nakitang tumingin sa kaniya ng may galit o kung ano mang tampo.
"Ikaw ba? Tanggap mo na ba si Jelena para sa kapatid mo?" biglang tanong ng kaniyang ama sa gitna ng kanilang katahimikan.
Nagkibikit balikat muna siya. "Malalaman po natin pops pag-uwi ni Razen. Ang rason lang naman kaya mainit ang dugo ko sa kaniya before ay dahil nadawit si Razen sa gulong pinasok niya. Kahit na alam kong may tinatagong feelings si Razen para sa babaeng 'yon noon pa." pag-amin niya sa ama na ang tinutukoy niya ay ang pag-amin sa kaniya noon ng kapatid tungkol sa paghanga nito sa babaeng naging asawa nito ngayon.
Natawa si Papa Rustin sa naisip. "Kaya nga hindi kami tumutol noong si Razen natin ang naisip nilang ipagkasundo ng kasal sa batang 'yon. Malakas at malaki ang tiwala ko sa kapatid mo at hanggang ngayon umaasa ako na iyong unwanted marriage na naganap sa kanila ay yumabong."
Natawa na lang rin si Ralph. Sana nga'y hindi iwanan ni Jelena ang kapatid niya.
Katulad ng sinigurado sa kaniya ng biyenan at bayaw niya, ilang linggo na rin na natahimik muli ang kaniyang space. Walang Harold na lumilitaw kahit pa wala na siya sa space na banned ang lalaki.
Maayos na ulit siyang nakakapagtrabaho at nakakapamili ng walang kinatatakutan at pinangingilagan.
It's already ten in the evening, nag over time siya para hindi na masyadong tambak ang mga babasahin niya hibukas na papers bago ibigay sa kaniyang boss.
Palagay niya'y wala na siyang energy para magluto pa ng dinner niya kaya naman dadaan na lamang siya sa korean mart at nagraramen na lamang, gabi naman na.
Ipinark niya muna ang sasakyan sa gilid at lalakarin na lamang niya dahil wala namang parking lot ang nasabing mart.
Sa noodle section siya natagalan dahil sa dami ng choices kaya naman iyong kulay pink na pack na lamang ang kinuha niya, pumili rin siya ng sausage at corndog tapos ay nagbayad na sa cashier. Sa unit na lamang niya iluluto iyon.
Mabilis niyang isinilid sa pitaka ang kaniyang sukli habang bitbit-bitbit ang plastic bag na nilagyan ng kaniyang mga pinamili. Sa kabilang kamay niya ay ang kaniyang hand bag. Palinga-linga pa rin siya sa paligid habang naglalakad pabalik sa kaniyang sasakyan.
Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ng sasakyan ay may taong galing sa likod ang yumakap sa kaniya at tinakluban ng panyo ang bibig at ilong niya dahilan para kahit anong pagpipilit niya na makita ang taong may gawa ay hindi na niya nagawa dahil sa pag-ikot ng kaniyang paningin.
"Paki-delete na lang ng copy ng cctv nyo sa area na 'to at pati sa pagpasok niya sa store, here's the payment."
Tumango-tango ang lalaking staff ng mart. "Ito po ang ID niyo, Sir." anang lalaki.
Mabilis na kinuha ito ng lalaki saka itinaas ang bintana ng sasakyan at pina-andar iyon.
Nakahiga ng bahagya ang kinauupuan ni Jelena at nakaseat belt pa rin. "We're going home, somewhere na walang makakakilala sa'tin at manggugulo."
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...