SYNOPSIS

433 8 0
                                    

Jelena Alejo is in trouble after their whole family knew that she and her second cousin had a thing before. Although they were already done, still their family feared to be in a center of shame once na may ibang taong nakaalam ng bagay na mayroon sila noon.

They arranged her in a wedding that she doesn't want. Bilang kapalit na malaking kaguluhang pinasok ni Jelena, nagkasundo ang kani-kanilang pamilya na ipakasal ang dalaga sa pinsan ng kan'yang second cousin— si Razen Escalante. Ito'y para maliin ang mga mag-iintriga sa kanilang pamilya once na kumalat ang kalokohang pinasok nila ni Harold.

Kinontra ni Jelena ang kasunduan na iyon dahil ayaw n'yang magpakasal. Hindi n'ya kayang magtiwala ulit.

Labag man sa loob, walang nagawa si Jelena kundi ang sumunod na lamang, labis man ang inis at sakit na nararamdaman sa kan'yang sasapitin, wala na syang nagawa kundi ang tiisin ang kapalit ng kahunghangang pinasok n'ya noon.

Hindi dapat s'ya ang miserable ngayon, si Harold dapat iyon. Ang lalaking nagdala sa kan'ya sa magulong sitwasyon. Iyon ang labis na ikinagagalit lalo ng dalaga, kung bakit ay may iba na ito agad samantalang s'ya ay nagdudusa at habang buhay na makakasama ang lalaking hindi naman n'ya ganoon kakilala.

Mula sa preparasyon hanggang sa araw ng nakatakdang kasal nila ni Razen, Jelena didn't bother to fake her treatment sa lahat ng naroroon. She's not happy, never. Hindi n'ya gaano kinikibo ang mapapangasawa kahit pa nagpapakita ito ng malasakit at kabutihan sa kan'ya because she knew— sa umpisa lang lahat 'yon.

Nagpatuloy pa ang kanilang pagiging mag-asawa kahit na nadestino si Razen ng halos isang taon sa L.A. dahil sa proyekto nito at kahit pa nawala ang kanilang  komunikasyon dahil sa mga unwanted emails na natatanggap ng asawang si Jelena mula sa unknown sender—nakikibalita pa rin si Razen sa pamilya tungkol sa asawa.

Labis naman ikinabigla ni Razen ang pagfile ng partido ni Jelena ng annulment na hindi niya pinirmahan bago siya bumalik muli sa LA matapos ang kanyang rush na pag-uwi dahil sa aksidenteng nangyari kay Jelena.

Sa pagbabalik kaya ng asawang si Razen ay magkakaroon ng kahit kaunting pagbabago sa pagsasama nila o lalo lamang iyong magugulo dahil kay Harold Del Cariz?

Hanggang kailan kaya mananatili sa magulong sitwasyon ang buhay ni Jelena? Matatapos kaya ang pangungulit ni Harold at pagiging makasarili nito?

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon